Ang buhay sa high school ay punong puno ng saya sa kadahilanang dito mo matatagpuan ang mga taong magpapasaya at kukumpleto sa buhay ng isang estudyante. Dito mo matatagpuan ang mga tunay na kaibigan na kasabay mong kumain tuwing pananghalian. Dito mo rin makikilala ang iyong mga kaklaseng walang kasing kulet na mahilig mang-asar. Makikilala mo rin dito ang taong maaring itinadhana para sa'yo. Syempre hindi magiging kumpleto ang iyong high school life kung wala ang guro niyong napaka mabait.
Lahat ng iyon ay ang mga masasayang bagay na maaring mangyari sa'yo bilang isang high school pero naisip mo rin ba kung ano ang mga masasamang mangyayari sa iyo sa loob ng paaralan?
Okay naman lahat pero nagulat nalang kami dahil sa isang pangyayari sa school namin na hindi ko makakalimutan. Sabi nga nila na ang aming section ang pinaka worst pero hindi ko naman talaga alam bakit nila nasabi iyon pero nagsimula ang lahat sa aming camping noon sa Baguio. Dahil ang school naming ay may mga pa camping lalo na't malapit na kaming magtapos at lilipat na ng ibang school kaya parang bonding nalang ito ng aming buong section. Actually, konti lang ang section sa 4th year, it is either section 1 ka or 2. Sa Section 1 nandito lahat ng mga matatalino, magaganda, plastic at iba pa samantalang sa section 2 pili lang ang mga matatalino, kumbaga parang no choice kundi sa section 2 nalang sila ilagay dahil hindi pwede magbukas nang isa pang section kundi naman aabot sa 30 ang mga estudyante. Ang section namin ay 1 at ang napili namin na lugar kung saan mag camping ay sa Baguio at sa section 2, ewan kung saan sila.
BINABASA MO ANG
PHOBIA
Mystery / ThrillerPhobia- an extreme or irrational fear of or aversion to something. Pero pano kung ang bagay na takot ka ay siyang papatay sayo? Handa kabang harapin ito? Nagsimula lang naman ang lahat sa isang sharing session kung saan hindi akalain nila na maarin...