Flashback 3 months ago...
"Okay class dahil malapit na kayong grumaduate gusto ko ay magkaroon tayo ng parang isang sharing session" ani ng aming guro na Miss Lopez na siyang nag handle sa buong 4th year sa taong iyon. Actually, may mga kasama naman kaming mga guro pero si Miss Lopez lang ang masasabi mo na close ng lahat ng estudyante sa buong 4th year, para nga naming siyang ate pero matanda lang siya sa amin ng pitong taon.
"Gusto ko kayong magbahagi kayo ng mga bagay na kinakatakutan niyo at pwede niyo ring sabihin ang rason kung bakit kayo takot sa bagay na iyon. Game na ba kayo?" Ani niya pero pero mababatid sa mukha niya na parang hindi siya masaya at parang napipilitan laman siya. "Sige magsimula na tayo, sino ba ang gustong mauna?"
"Sige, sa officers tayo magsimula. Okay, Miss Villanueva simulan mo na ang pagbabahagi." Ani ni Miss Lopez.
Siya si LilyVillanueva, ang class president namin. Matalino naman si Angel, siya ang kasalukuyang president sa Student Government at medyo kalog nga lang siya minsan.
"Hi, I'm Lily Villanueva at ang kinakatakutan ko ay mga daga. Ewan, meron lang talaga akong phobia sa mga daga simula noong bata pa ako, siguro mga 5 years old ako noon." Ani ni Lily sabay balik sa kanyang kinauupuan na lugar.
Pero ang hindi nila alam may isa pala sa kanilang grupo ang nagsusulat ng mga kinakatakutan nila.
"Ang tawag diyan class ay, Musophobia o fear sa mga daga. Next, dumako naman tayo sa ating Vice-President. Si Mr. Ahron dela Cruz." Si Ahron naman, ang masasabi ko na mahinhin sa klase naming, ewan ko nan ga lang ba, parang pili lang ang mga tao na gusto niyang makausap pero siya ang class Salutatorian namin. Gwapo naman siya medyo, mysterious nga lang.
"Hi, I am Ahron dela Cruz, and ang tawag sa kinakatakutan ko. Siguro dahil, na trauma na ako kaya parang naging part na siya ng system ko." Ani niya at bumalik sa kanyang kinauupuan kanina.
"So takot ka pala sa mga clowns?" At biglang tumawa sila pero sila ay agad na sinuway ng guro. "Anong nakakatawa do'n class? Bakit, kayo ba ay walang kinakatakutan?" Sabi ng guro at makikita mo sa ekspresyon niya na hindi siya natutuwa. "Well, kaya nga tayo nandito upang pag-usapan ito at intindihin ang bawat isa. Hindi naman talaga natin masisi kung bakit dahil hindi natin alam ang pinag-daanan nila." Tumahimik ang buong klase sa sinabi ng guro. "Ang magagawa lang natin ay harapin natin ang ating mga kinakatakutan." Sabi ni Miss Lopez.
"Next, ay ating secretary na si Miss Carmella Sanchez." Siya talaga ang secretary namin hanggang ngayon, simula pa noong Grade 7 kami siya na ang secretary. Matalino naman si Carmella pero alam kong parang may tinatago siya.
"Claustrophobia, ewan para kasi akong naiipit kaya gusto ko open spaces kung pwede kasi para akong na susuffocate." Ani niya at bumalik sa kanyang kinauupua. Sa ngayon ay wala ng tumawa at nakita kong kumakain siya ng fries na bigay ng kanyang katabi.
Makalipas ang dalawang oras ng pagbabahagi ng mga kinakatakutan namin ay matutulog na kami ng bigla kaming nagising ng madaling araw siguro mga 3 am iyon.
"AHHHHHHHHH."
Kasi may sumisigaw sa may CR.
Sabay lahat kaming lumabas sa aming mga kwarto at tumungo sapinagmulan ng sigaw. Si Ashley, mababakas mo sa kanyang mukha ang takot at nangiyak-iyak pa siya. Pagkapunta namin ng CR ay naabutan namin ang walang buhay na si Jade, siya lang naman ang isa sa mga best friend ni Ashley.
Agarang pumunta si Miss Lopez at makikita mo sa kanyang mga mukha na talagang malungkot siya. Si Jade kasi ay isa sa mga class clowns namin at siguro napamahal na siya kay Miss Lopez at sa amin. Agad tumawag ng rescue team si Miss Lopez at sinabihan kami na bumalik sa aming mga silid.
"Anong cause of death niya?" Agad na tanong ni Miss Lopez pagkarating ng rescue team.
"Nalunod siya. Kung maari ma'am ay pagsabihan niyo na inyong mga estudyante na bumalik sa kanilang mga silid.
Naguguluhan parin si Miss Lopez, kung bakit nalunod si Jade kasi marunong naman itong lumangoy. Alam ni Miss Lopez na parang may mali o may foul play pero wala pa siyang ebidensya kaya pinagsabihan niya na ang klase na bumalik sa kani-kanilang mga silid.
Pero nagulat si Miss Lopez ng may makita siyang mga numero sa kamay ni Jade 036000291452.
Someone's POV
Masyado kana kasing maring alam, siguro oras mo na sa langit ka na naman magpatawa. Nagsisimula pa lang naman ako at wag kayong mag-aalala makikila niyo rin ako iyon ay kung matalino kayo. HAHAHHAHAH.
End of Flashback

BINABASA MO ANG
PHOBIA
Mystery / ThrillerPhobia- an extreme or irrational fear of or aversion to something. Pero pano kung ang bagay na takot ka ay siyang papatay sayo? Handa kabang harapin ito? Nagsimula lang naman ang lahat sa isang sharing session kung saan hindi akalain nila na maarin...