Lived High School iyan agad ang bumugad sa akin pagkabukas ko ng gate ng paaralang ito. Hindi ko alam kung bakit ako inilipat nila mama ng school na okay na sana ako sa dating school ko. Marami narin akong naging kaibigan doon. Ngunit eto na naman ako back to zero ulit, actually nabalitaan ko na ang nangyari sa isang section na ito na namatay dahil nalunod.
Napatigil ako kasi nasa classroom na ako ng section 1, sabi nila nandito daw lahat ng mga matatalino, magaganda at mayayaman. Pero ang hindi ko lubos maunawaan ay kung marami ngang mayayaman dito bakit dalawa lang ang section at dito pa talaga ako sa section 1 inilagay na pwede naman sa kabila. Bahala na, pero parang mapapansin mo na lahat sila ay may tinatago at medyo na iintriga ako na rin ako.
"Okay class, meet our new student." Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero alam ko na mag-introduce yourself na naman ito.
"Hi, I am Lian Feliz Erames at nagmula ako sa isang Science High School doon sa ibang bayan. Nice to meet you all." Sabi ko at umupo na sa likuran.
"Ako pala si Angel de Castro." Sabi ng katabi ko. At ang masasabi ko lang ay para talaga siyang anghel at bagay sa kanya ang kanyang pangalan. Nakipag shake hands ako sa kanya. Parang ambait ni Angel mukhang, makakasundo ko siya.
"Wag kang mag-aalala, ipapakilala kita sa kanila. Medyo nalungkot parin kasi kami sa pagkawala ng aming kaklase na si Jade na isa sa mga class clowns namin. Sabi niya at nginitian ko lang siya at mababakas mo rin sa kanyang mukha ang pagkalungkot.
"Okay, class gusto ko na pumunta kayo sa library at maghanap ng isang libro na pwede niyong magamit sa inyong takdang-aralin. Kayo ay gagawa ng isang book review. Isesend ko sa inyong mga e-mail ang format. Okay" Sabi ng isang guro na hindi ko pa kilala pero parang ambata pa niya.
Lumabas na ang lahat ng sinabihan ako ng guro na magpaiwan kasi nakalimutan niyang magpapakilala.
"Hi Lian, I am Miss Lopez. Sorry ha at nakalimutan kong magpakilala sa iyo. Sige pwede ka ng pumunta sa library." Sabi ng guro pero parang alam niya na hindi ko pa alam ang library kaya may tinawag siyang isang estudyante na kaklase ko.
"Troy, pakisamahan mo naman si Lian sa library." Utos niya nito at tumango lang si Troy. Masasabi ko na gwapo siya at mukhang matalino kung tingnan. Mysterious looking nga kung idescribe siya.
"Hi, ako pala si Troy Corpuz." Sabi niya habang papasok na kami ng library.
Sa sobrang laki ng library nila, parang makikita mo lahat ng gusto mong hanapin. Ako kasi mahilig ako sa mga Sci-fi at Thriller na libro kaya doon ako na section pumunta at nakita ko si Angel.
"Oy, mahilig ka rin pala sa Sci-fi?" Sabi niya habang naghahanap ng libro na pwede niyang gamitin para sa book review na assignment. Tumango naman ako at sabay na kaming nag hanap ng libro. Sa sobrang seryoso ko sa paghahanap ng libro ay may nakita na akong libro. Pumunta na ako sa isang table at nagsimulang magbasa. Ewan ko nalang ha pero parang inaantok ako sa pagbabasa at sobrang tahimik ng library nila.
Nang may biglang sumigaw sa CR sa third-floor. Lahat ng mga estudyante ay pumunta sa third-floor at tiningnan kung sino ang biktima. Di ko namalayan na katabi ko na pala si Angel.
"Si Grace ng section 2, 4th year." Sabi ng class president namin at agad na tinawagan ang rescue team upang kunin ang bangkay ni Grace. Maraming nagulat at nagtaka sa kung ano ang ikinamatay niya pero ang mas labis kong ikinagulat ay may mga mga o numero na nakaukit sa balat niya at mukhang sariwa pa nga ito. 036000291452.
"Ano ba yan, mayroon na namang namatay. " Rinig kong sabi ng ibang estudyante na nasa likuran ko. Since, mahilig naman ako sa mga ganitong bagay ay isinulat ko sa aking palad ang numero na nakaukit sa pulso ni Grace pero patago ko itong ginawa.
BINABASA MO ANG
PHOBIA
Gizem / GerilimPhobia- an extreme or irrational fear of or aversion to something. Pero pano kung ang bagay na takot ka ay siyang papatay sayo? Handa kabang harapin ito? Nagsimula lang naman ang lahat sa isang sharing session kung saan hindi akalain nila na maarin...