Lian's POV
Pilit ko paring inaanalyze kung bakit ito ang nakaukit na mga numero sa mga pulso ni Grace at bakit Boy Bawang. Napagtanto ko na may isa sa kanila na may phobia sa bawang o di kaya ay allergic sa bawang at ito ay si Luis.
Mabilis akong bumangon at doon ko napagtanto na Sabado pala ngayon walang pasok, ano nalang ang gagawin ko? Sige gagawa nalang ako ng book review. Pinilit ko mang magbasa ng libro ay talagang di ko gaano maaintindihan. Siguro may tinatago ang section na ito, na sa kabila ng kanilang mga magaganda at maamong mukha ay may demonyong nakatago sa pagkatao nila. At sa kadahilanang hindi ako matahimik ay humingi ako ng kopya kay Lily tungkol sa mga phobia nila at ng makita ko kay Jade wala naman siyang kinakatakutan pero sabi nila nalunod siya.
Talagang hindi mag sink-in sa akin ang mga nangyayari na namatay siya dahil tubig pero sabi niya wala naman siyang kinakatakutan. Talagang litong-lito ako kung bakit ganun na mayroon palang taong walang kinakatakutan. Makalabas nalang nga at magpahangin at sa paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Luis at nag 'hi' siya sa sa'kin.
"Oy Luis, san punta mo?" Hindi naman sa nakikiaalam ko pero gusto ko lang malaman kung totoo ba ang hinala ko.
"Ahh, may pupuntahan lang. Siguro gagala na rin." Sabi niya sabay ngiti. Masasabi ko na gwapo naman si Luis at medyo may pagka athletic. Mababakas mo sa kanya na palagi siyang naglalaro ng basketball or sports dahil sa katawan nito pero hindi mo akalain na sa kabila ng ganyang katawan at kay lalaking tao ay takot sa bawang. Baka may lahi siyang aswang or ano ba.
"Sige Luis, ingat." Sabi ko nito at pumasok na ulit sa loob ng aming bahay.
Gumawa nalang ako ng book review para malihis ang atensyon ko. Pagkatapos kong gumawa ay nanood nalang ako ng Stranger Things, na isa sa mga paborito kong series. Kung mayroon lang sanang libro nito siguro ito nalang ang gagawan ko ng book review, kaso wala kaya ayon iba ang nahanap ko na libro. Natapos ko na ang series ng may natanggap akong message sa group chat namin na patay na daw si Luis.
Antok na antok na ako nun ng mabasa ko ang message nila sa group chat pero nawala ang antok ko ng mabasa ko na wala na si Luis. Eh parang kanina lang nakita ko siya at ngayon patay na, kaya tinanong ko kung bakit. Ang sabi nila, na food poison daw siya meron naman nagsabi na binugbog o napaaway. Kaya hindi ko lubos maunawaan kung bakit may nag food poison sa kanya pero ito lang ang sigurado ako, nasa section namin ang pumatay sa kanya.
Sunday...
Pumunta ang aming section sa bahay nila Luis at di parin lubos maunawaan ng kanyang mga magulang kung bakit may pumatay sa kanya na wala naman daw itong nakaaway. Kaya't pagka tingin ko sa bangkay ni Luis na nasa isang puting kahon. Makikita mo talaga na maamo ang kanyang mukha at malabo na makakita ito ng away.
"Lian, alam mo naman siguro kung ano ang phobia ni Luis diba?" Biglang tanong sa akin ni Aira. Masasabi ko na hindi naman kami masyadyong close nito pero parang may makukuha ako sa kanya.
"Huh" Iyan lang ang naging sagot ko sa kanya. Paano niya nalaman na may alam ako sa phobia ni Luis at doon ko napagtanto na baka sinabihan siya ng class president naman. Madaldal din talaga pala si class pres minsan.
"May iniwan daw na mensahe ang killer, at ito ay nasa bulsa ni Luis. Alam kung mahilig ka sa mga Sci-Fi na genre kaya sa iyo ko ito ibibigay." Kaya nagulat ako ng sinabi iyon ni Aira na curious kung ano ba ang mensahe na iniwan ng killer at iniabot niya sa akin ang isang pirasong papel na may numerong nakasulat.
"Eto oh." At pinakita na nga ni Aira ang mga numero. 24, 53, 16, 22, 13. Kumpara sa nakita ko na mga numero itong kang Luis ang pinaka maikli. Hindi naman maari na Bar Code ito pero alam kung may ibig ipahiwatig ang killer kung sino ang susunod niyang papatayin. "Baka gusto ni Luis na tumaya sa lotto." Ewan ko nalang sa babaeng eto basta ang alam ko may mamatay naman sa aming section. At kailangan kong malaman kung sino ang susunod para mapagsabihan ko.
Monday...
Tahimik ang aming klase na para bang wala lang nangyari pero mababakas mo sa mga mukha nila ang takot. Takot saan? Takot mamatay? Siguro, sino ba naman ang hindi matatakot mamatay diba.
"Okay class, mag offer tayo ng dasal kay Luis." Bungad sa amin ni Miss Lopez na mababakas mo rin sa kanyang mukha ang sobrang lungkot. "Alam niyo naman siguro na, napamahal na kayo sa sakin kaya hindi ko pa rin matanggap ang nangyari." Sabi niya at naghikbi pa talaga si Miss. At siya ay nagsimula ng magcheck sa mga pinasa namin na book review at nagbigay ng puntos sa mga ito.
Recess Time...
Pinagtitinginan kami ng ibang mga mag-aaral sa na para bang kami ang may kasalanan sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga estudyante.
"Siguro, malas talaga ang batch natin, mayroon kasi akong nabasa noon sa newspaper na may namamatay daw talaga sa isang section pero hindi iyon ipinalabas ng paaralan dahil maaring masira ang pangalan nito. Simula ng may nag transfer na estudyante, sunod-sunod na ang mga nangyayaring patayan dito sa ating paaralan." Rinig kong sabi ng mga Grade 9 sa amin na rinig na rinig namin kahit na sila ay nagbubululungan at habang papasok kami ng cafeteria parang gusto talaga nilang ipamukha sa amin na kasalanan namin.
"Wag, kang makinig don Lian, mga bata lang iyon." Rinig kong sabi ni Angel at sumabay na siya sa aming pumasok sa cafeteria. Itong babaeng ito magduda ka talaga sa kanya pero parang hindi mo mababakas sa mukha niya ang pumatay ng tao dahil sa mala anghel nitong mukha. Pero bago ko malaman kung sino ang killer, aalamin ko muna kung sino ang susunod na mamatay.
24, 53, 16, 22, 13
24, 53, 16, 22, 13
![](https://img.wattpad.com/cover/323980543-288-k521746.jpg)
BINABASA MO ANG
PHOBIA
Mystery / ThrillerPhobia- an extreme or irrational fear of or aversion to something. Pero pano kung ang bagay na takot ka ay siyang papatay sayo? Handa kabang harapin ito? Nagsimula lang naman ang lahat sa isang sharing session kung saan hindi akalain nila na maarin...