Kabanata IV: Periodic Table

5 0 0
                                    

Science Class...


Pumasok na kami sa susunod namin na subject at eto ay ang Science Class. Isa sa mga paboritong subject ni Angel kaya walang duda kung bakit tutok na tutok siya sa leksyon namin na para bang ayaw niyang magpa isturbo.

"Okay for today's lesson class, we will discuss the periodic table of elements."  Sabi ni Mr. Cruz na guro namin sa Science.

Sa sobrang tutok ko sa mga numerong iyon ay nawala na ang atensyon ko sa klase kaya't dahil diyan tinawag ako ni Mr. Cruz.

"Miss Erames, I would like you to give us a brief definition of the periodic table." Dahil sa sobrang lutang ko dahil sa mga numerong iyon ay nakalimutan ko na ang subject na ito mabuti nalang at mabait itong si Troy at binigyan ako ng sagot. Nagpasalamat ako sa kanya.

"Sa susunod Miss Erames, please focus sa subject na ito. I would be expecting a lot from you since galing ka sa isang Science High School." Saad ni Mr. Cruz at pinagtitinginan na ako ng aming mga kaklase kaya medyo nahiya ako at nakapokus nalang ang atensyon ko sa klase.

Nagdiscuss si Sir sa periodic table at ang function nito ngunit di pa rin maalis sa aking isipan ang mga numero na ibinigay sa akin. Ano kaya ito, Luis anong ibig mong sabihin. Pero hindi naman pwedeng si Luis lang ang naglagay nun, sigurado ako na mayroon talagang killer sa section namin. 

"Let me excuse class, pinapatawag ako sa office namin para sa isang departamental meeting but I will leaving you something to answer. Please get your books and answer Pages 23-25 and we will check that next meeting. Okay." Bilin ni Mr. Cruz sa amin at agad naman naming kinuha ang aming workbook upang sagutan iyon. 

Sa aking pagsagot ay nilapitan ako ni Tony at biglang nagtanong. "Alam kong meron kang tinatago na lihim sa amin." At biglang nagka goose bumps ako dahil pabulong niya itong sinabi. Doon ko lang napagtanto na nasa likuran ko lang pala siya at nakatingin sa akin. Iniwas ko ang ang tingin ko sa kanya at mas nag bigay atensyon sa gawin na binigay sa amin ni Mr. Cruz. 

Sa pagsagot ko sa gawain ay may napagtanto ako at kinuha ko ang papel na ibinagay sa akin ni Aira. 24, 53, 16, 22, 13 at hinanap ko ito sa periodic table baka makakuha ako ng sagot sa aking mga tanong at dahil don sa hindi inaasahan ay may nabuo akong salita pero hindi parin ako sigurado kung tama ba ito. Ang 24, 53, 16, 22, 13  ay maaring mga atomic number kaya't sinubukan ko ulit ang aking pakiramdam at dahil diyan ay nakabuo ako ng pangalan na Cr,I,S,Ti,Al pero sino naman itong si Cristial?

"Lily, may kakilala kaba na ang pangalan ay Cristial?" Tanong ko sa kanya at napaisip rin siya. "Baka nasa kabilang section siya." Sabi niya at tinapos ang kaniyang ginagawa. 

"Sige salamat." Sambit ko sa kanya at dahil parang nakuha ko na ang clue at tapos na rin ako sa gawain ay agad na akong pumunta sa library para hanapin ang estudyante na ito.

Sa Library...

Nagtry akong maghanap sa listahan ng mga estudyante sa 4th year at doon ko nakita ang pangalan na Christi Alfonso. Kung di man ako nagkakamali ay nasa kabaling section siya sa section 2. Nahimasmasan na ako ng malaman ko kung sino ang sunod na mamatay  at ang kailangan ko nalang gawin ay pagsabihan si Christi na siya na ang susunod mamatay. Gagawin ko nalang ito para sa ikakabuti niya dahil ayaw ko ng masundan pa ang patayan dito sa aming paaralan bahala na anong mangyari. 


BAAAANNGGG


Biglang nagsigawan ang mga estudyante at pinuntahan ko kung saan nagmula ang sigawan. At doon ko nadatnan ang duguan na bangkay ng isang babae na maikli ang buhok. Agad-agag kong tiningnan ang ID niya at di nga ako nagkamali siya nga si Cristi Alfonso. Si Cristi Alfonso ng section 2. At bigla ng nablanko ang aking paningin ng makita ko ang dugo sa aking kamay habang may ibang estudyante na tumawag na ng rescue team at ng kanilang guro. 

Sorry Cristi, huli na pala ang lahat. Patawad at di ko agad nakuha ang code na ibinagay sa akin at namatay kapa. Patawad. At ang huli kong nakita ay mga estudyante na nagtatakbuhan para humingi ng tulong. Nasabi ko sa aking sarili na sino ba ang dapat tulungan na patay na siya. Wala na siya, ni hindi man lang ako nakatulong sa kanya upang bigyan siya ng babala.


Pagkagising ko ay napagtanto ko kung saan ako. Nasa puting kwarto at parang ospital pero bakit may estudyante at doon ko naalala ang lahat ng nagyari. Gusto ko pala sanang bigyan ng babala si Cristi pero huli na ang lahat. Patay na siya. Nakita kong papalapit na ang school nurse namin ng maisipan kong magtanong sa kanya.

"Nurse, saan na dadalhin ang bangkay ni Cristi?" Tanong ko sa kanya habang siya ay nakaharap sa akin. Mapipinta mo sa mukha niya ang lungkot.

"Ewan, pero tinawagan na namin ang mga magulang niya at aga itong pumunta sa paaralan. Ka anu-ano mo pala siya?" Tanong sakin ni Nurse Miya.

"Hindi po kami magkaklase. Bago kasi maganap ang aksidente ay pupuntahan ko na ang silid ng section 2 ngunit ng palabas na ako ng library ay nakita ko ng duguan siya. Pagkatapos non ay naging blangko na ang aking paningin at pagkagising ko ay nandito na ako." Sabi ko sa kanya habang siya naman parang interesadong nakikinig.

"Alam kong meron talagang may balak pumatay sa kanya." Sabi ng nurse na labis ko na mang ikinagulat. 

"Pero bakit hindi po kayo nagsalita?" Alam niya na pala bakit hindi siya nagsalita. Alam kong maririnig mo sa aking tono ang galit at poot dahil sa kadahilanang meron naman palang taong may alam sa mangyayari pero hinayaan nalang niya iyon.

"Ito ay dahil, ayaw ko na isipin nila na nababaliw ako. At ang gusto ko lang naman ay mabuhay ng normal." Dagdag pa niya. Ang tono ng boses ko kanina ay biglang nagbago. Sino ba naman ang hindi gustong mamuhay ng normal.

"Sorry nurse, hindi ko po alam iyon." Sabi ko sa kanya at tinahan ko na rin siya.

"Kaya ikaw, mag-ingat ka. Hindi lahat ng tao dito ay mapagkakatiwalaan mo." Dagdag pa niya na wari ay nagpakaba pa ng lalo sa akin. 

"Salamat." Sambit ko sa kanya at umalis na ng clinic pero merong ibinigay sa akin ang nurse. Isang papel, sabi niya na nakita niya raw ito sa may bulsa ni Cristi at parang sinasadya talaga ng killer kasi parang isang clue na naman ito at iyon na naman ang dapat kong alamin.


Last Subject

"Alam kong may alam ka pero hindi mo lang sinasabi sa amin." Sabi ng nasa likuran ko at nakita ko si Tony ang top 1 sa klase namin.

"Anong ibig sabihin mo Tony?" Tanong ko sa kanya at tsaka ko lang nalaman na nasa labas na pala kami ng classroom namin.

"Sa pagkaka-alam ko parang may pattern na sinusunod ang killer pero hindi parin ako sigurado kasi parang normal lang sa kanya ang lahat." Sabi niya ako ay nagugulahan kasi sabi niya may pattern daw sa pagkaka-alam ko may clue ang killer na ibinibigay pero walang pattern.

"So, anong plano mo?" Tanong ko sa kanya pero pabulong kong sinabi para hindi mahalata.

"May kakailanganin lang akong patunayan para maging tama ang hinala ko." Sabi niya at umalis na siya sabay pasok sa classroom namin.

At bigla ko na namang naalala ang sinabi sa akin ng nurse na wag akong magtiwala sa kung sino man dahil maaring nagmamasid lang ang killer at hindi ko pa alam kung sino ang sunod na mamatay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PHOBIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon