Page 04: Missing

6 1 0
                                    

Sachi's Point of View

Isang linggo na den ang nakakalipas simula nung nag kwento saamin si theus, klein at yuan.

Hindi namin sila maintindihan ni saije. Parang takot na takot sila sa nangyare.

Sa nangyare samin ni saije nothing happened naman. As usual kung ano ang buhay student ganun naman ang nagagawa namin ni saije.

Wala naman siguro dapat ikatakot diba ?

Masyado lang yata sila nag ooverthink sa nangyare. Napaliwanag naman ng maayos ng head ng school tungkol sa nangyare na iyun.

Wala naman dapat ipag-alala dahil naayos naman daw ang inccedent.

Mag isa akong naglalakad ngayon papunta sa store para mamili ng foods namin ni saije.

Natutulog pa kase siya kaya ako na ang nag abala mamili. May nakukuha kaming allowance everyweek. At ang mas ikinaganda naman dito sa lugar ay ang mura ng mga bilihin.

Pagtapos kong mamili ng mga pagkain ay agad akong lumabas. Hapon na ng makapunta ako dito. Hindi ko namalayan na gabi na pala.

Ang haba kase ng pila at medyo marami rin itong pinamili ko.

Naghanap ako ng maaupan at itinabi na muna ang mga dala ko. Tatawagan ko si saije para tulungan ako mag bit-bit nitong dala ko.

Ilang ring calls na ako pero hindi paden niya sinasagot.

Baka tulog pa siya ?

Tinawagan ko ulit siya. Pero hindi parin sinasagot. Naiirita ako kung paano ko ito madadala lahat.

Di na ako nagsubok pang tawagan ulit siya dahil baka tulog pa nga. Kaya naghahanap ako ng may tutulong sakin.

Agad naman nagpakita ang tatlong ito.

"Oh sachi san si saije ?" tanong nito ng makita ako. Theus mukang bibig si saije.

"Nasa bahay tulog tinatawagan ko nga para sana tulungan ako dito sa dala ko" sagot ko.

"Galing kami dun sa dorm nyo pero wala si saije akala namin kasama mo" sabat naman ni yuan.

"Huh galing kayo sa dorm namin ?" takang tanong ko.

"Oo di na kami natuloy kase wala naman sumasagot at naiwan nyo yata na hindi nakasara ang pinto" theus.

Hindi nakasara ang pinto ?

Sa pagkakaalala ko bago ako umalis nilock ko yun at dala ang susi.

Bakit naiwan na bukas yun ?

"Akala namin kasama mo siya" klein.

"Hindi e, tsaka sigurado ako na lock yun bago ako umalis paano naman nakabukas yun ?" takang tanong ko sakanila.

"Baka may pinuntahan lang yun wag kayong mag isip agad ng masama" yuan. He make me calm for this.

Nag aalala na ako sa gaga nayun. Hindi sinasagot ang call ko at naka bukas ang pinto ?

Shit.

Dinala nilang tatlo ang dala ko. Napilitan ko naman na isama sila dahil wala naman kong ibang kilala dito kundi si saije at itong tatlo.

Ilang minuto ay agad kaming nakarating sa dorm. Agad akong tumungo sa kwarto ni saije para icheck kung natutulog paba siya.

Ngunit pagpasok ko sa kwarto niya ay gulo gulo ang mga gamit niya.

At nakita ko ang phone niya sa sahig at basag ang screen nito.

What the fuck is this ?

Anong nangyayare ?

"Guys we have a problem here" anas ko sa tatlo na nakaupo sa sofa.

"What?" yuan.

"Anong nangyare ?" klein.

"Saan si saije?" theus.

Pinakita ko sakanila ang kwarto ni saije. At sila nagulat den.

"Ito ang phone niya sinusubukan ko siyang tawagan kanina para sana tulungan ako sa dala ko" pagpapaliwanag ko sakanila.

"Shit, masama ang kutob ko dito" yuan.

"Saije saan ka nagpunta!" theus.

"Calm guys, first we must confirm the facts" sambit ni yuan. "Sasamahan ko si sachi maghanap sa labas, at kayo naman dalawa hanapin nyo siya sa lugar na alam nyong pwede niyang puntahan" tuloy niya.

"Kapag hindi natin siya nahanap ipapaalam natin siya sa mga--" hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko ng may biglang may sumabat saken mula sa pintong nakabukas.

"Isa sa mga pagkakamali ang mag sumbong sa mga guardians dito" sambit nito. Guardians ang tawag sa pulis dito.

"Sino ka naman at bigla bigla ka nalang pumapasok ?" ani ko sa lalaking ito. Matangkad ito at bakas sa mukha niya ang seryoso sa mukha.

"Im demitri, at isa ako sa biktima ni Dr Punk" panimula nito.

Dr punk ?

"Si Dr, Punk at principal sa school ay iisa. We students are his test subject. Isa siyang baliw na scientist at inaamin ko na matalino siya. Pero hindi tama ang mga pananaw niya dahil ang lugar na ito ay hindi kayang pasukin nino man ng walang pahintulot niya. Hindi siya nag dadalawang isip paslangin ang mga gusto lumabas mula sa lugar na ito" paliwnag nito.

Hindi agad ng sink sa isip ko ang mga sinasabe niya.

"Kung ganun ay isasama ko kayo sa lugar kung saan siya"

Hindi na ulit ito nagsalita pa at sinundan nalang namin siya.
Sino ba ang tao na ito. Dapat bang pagkatiwalaan namin siya.

Bakit parang marami siyang alam tungkol sa lugar na ito. Pati ako ay naguguluhan na din sa nangyayare.

Pero nag aalala na ako kay saije at baka may nangyayare na sakanya.

Hindi ko kaya kung may mangyare sakanya.

Saije please be safe papunta na kami.








Book 1: The lost city Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon