EPILOGUE

72 3 0
                                    

Ang Northville University ang pinaka prestihiyosong unibersidad dito sa bansa simula pa noong 1998. Prestihiyoso man, ay mayroon itong tinatagong sikreto. Mayroon itong sinusunod na hirarkiya, na kung saan, mas may prebilihiyo ang nagmula sa mayayamang pamilya. Makakapasok kaagad ang mga ito. Kahit paman ganun, sumusunod naman ito sa tamang grading system. Magkakasama sa paaralang ito ang mayayaman at ang matatalino, mayroon ding iba, mayaman na, matalino pa. Maraming mga rason para makapasok ang isang estudyanteng rito: Likas na mayaman ka talaga, may malakas at mayamang backer, Isa kang top student sa pinagmulang eskwelahan, o di kaya ay binigyan ka ng scholarship. Sa katunayan nga ay 2% lamang sa mga estudyante rito ang mga scholars at mga top students. Ang iba ay likas nang ipinanganak sa gintong kutsara.

Ang founder nito ay isang architect at may ari ng construction firm, at ngayon ay CEO narin ng isang sa pinaka mayamang kompaniya sa Maynila—si Architect Leonard Vasquez. Marami nga ang nagulat nang mag announce ito sa public na ikakasal siya sa isang hindi kilalang babae. Mula pa noon ay wala pa itong balak na magpakasal kahit paman sa napakalakas ng kapangyarihan nito dulot ng negosyo.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakatanggap ng scholarship offer ang magkakaibigang sina Keila Fernandez, Cinderella Reyes, Joyce Linn Dizon, at Vie Lourene Cuevas mula sa founder ng paaralan na si Mr. Leonard Vasquez na mag-aral sa Northville. Hindi rin naman nila pinalagpas ang opportunidad na ito, dahil wala narin silang babayaran sa tuition.

Si Mr. Vasquez ang kinilalang stepfather ni Harrym Vasquez, ang binatang may balak maghiganti sa mga bullies niya noong middle school, na naging dahilan din ng phobia niya. Mula Australia ay umuwi siya upang mag-aral sa unibersidad ng kaniyang stepfather at nalamang Isa sa mga scholar nito si Keila Fernandez, ang kaniyang bully.

CONSTELLATIONS: MY BOSS IS MY CHILDHOOD SLAVE (Series#1)Where stories live. Discover now