Chapter 5
Those LiesNagbigay ako ng tingin kay Cindy dahil ngayon ay kaarawan niya nasakaniya ang pagdedisisyon kung papayag ba siyang isama ang limang ito. She looked back at me and sighed.
Tumingin naman sa akin si Vie at kinukurot ako sa giliran dahil katabi ko lamang siya sa kaliwa kong bahagi. Natukoy ko agad na mayroon siyang bagay na naisip, kaya naman ay nakampante na ako. Girl code ika nga.
“Ahh oo nga pala, gabi na. May pasok pa tayo bukas, di’ba Gaco?” tanong ni Vie kay Zen, at labis nalang ang pagkakampante ko dahil magaling talagang umarte itong si Vie Lourene.
“Oh yes, you're right. I almost forgot.” Zen replied.
“tsk sayang!” Sagot naman ni Hero at halatang-halata talaga na gusto niyang sumama sa amin.
As a matter of fact, tomorrow's class was really early. Buti nalang talaga at naalala ni Vie ang tungkol sa bagay na ito at nakahindi din kami sa kanila indirectly.
“It’s getting late, I'll drive you guys home.” Alec requested as he stood up.
“No, it's okay. Mag ta-taxi nalang kami.” sinagot ko naman siya agad.
Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon natatakot parin akong gawin niya ulit ang mga bagay na naging dahilan ng pagkahulog ko sa kaniya noon. Takot na akong maibalik muli ang dating Alexander na kilala ko. He left me without any words,so, there’s no reason to fall for his actions again. Magaling talaga sa mga salita at act of service ang lalaking ito na kung saan, hindi mo nalang namamalayan nagpapadala kana pala.
“Keila naman, you’re still a stubborn!”
“No I'm not! Kanya-kanya nalang tayo pauwi, okay? Ayaw na kasi naming maka-abala, nakakahiya naman.”
“Oo nga, total magkakasama rin naman kami.So, there's nothing to worry about, Mr. worried ex—” dagdag ni Vie na halatang inaasar niya si Alec.
“Mm..okay! Ayoko nang makipag-talo sa inyo.” sagot naman ni Alec at bumalik sa pag-upo.
“Sige mauna na kami, salamat sa libre!” sigaw ni Cindy habang nakahawak ang kamay kay Joyce.
“Take care.” sambit naman ni Alec.
We just smiled at him and walked. Kakatalikod palang namin nang may biglang tumawag sa akin.
“Miss Fernandez! Your phone!”
Sa paglingon ko ay nagulat na lamang ako dahil ang nakita kong may hawak ng aking telepono ay walang iba kundi si Harrym.
Miss Fernandez? Where did he knew my name? Kaka-lipat pa ngalang niya sa campus, pero bakit niya alam ang apilyedo ko? Iniisip ko nalang na baka nagtanong siya kay Zen o di kaya ay nakita niya lang sa ID ko.
“Ikaw talaga, Keila. Kailan kalang naging makalimutin ha?” biro ni Vie sa akin at labis din ang pagtataka ko nang malamang naiwan ko ang cellphone ko. Alam kong hindi ko ito kung saan-saan lang iniiwanan, palagi ko itong bitbit at kung hindi man ay nilalagay ko ito sa aking maliit na bag.
Ngumiti na lamang ako nang tumingin sa nakaupong si Harrym while he raised his right hand habang nakapatong ang siko niya sa katabing upuan, and he's handling my phone. Agad din naman akong lumapit at kinuha ito sa kaniya.
“Ayy hala, thank you po!” saad ko habang kinukuha ito sa kaniya at wala siyang imik.
“Next time, don't forget things so easily.” biglaan niya namang pahayag nang hindi ko alam kung iba na ba ang ibig nitong sabihin o literal na makakalimutin lang talaga ako.
YOU ARE READING
CONSTELLATIONS: MY BOSS IS MY CHILDHOOD SLAVE (Series#1)
RomanceKeila ruined a boy's childhood and became the culprit on his phobia. What will Keila do if she and him will meet again in a reverse situation?