Chapter 6
A Change to Begin WithHindi na namin namalayan ang oras at malapit na pala ang susunod naming klase. Ang pasok namin ngayon ay kay Mr. Del Valle, the Biochemistry class. Kaya naman ay nagsitayuan na kami sa kinauupuang bench sa harap ng cafeteria at agad naglakad patungong classroom. Napakatahimik ng paligid kahit maraming estudyanteng tumatambay sa labas, napaka-sariwa din ng hangin na dulot ng mga puno. Sa paglalakad ay nakasalubong namin sina Harrym at Zen sa may aisle. Siguro nga ay patungo din sila sa susunod na klase. Ni-hindi manlang namamansin ang mga ito, hindi rin naman namin sila pinansin. Kung ano kami usually sa loob ng campus ay iyon parin kami kahit paman ay boss namin si Harrym.
Pagpasok nga namin sa loob ay naroon na si Mr. Del Valle, at nakaupo sa upuang nasa tabi ng mesa sa harap, palagi talaga siyang maaga kung dumating, kaya nga siya ang paborito naming Propesor. Palagi ngarin siyang naka-handa sa mga lessons na ididiscuss niya sa amin, wala ka talagang maitatanong tungkol sa klase.
Dalawang minuto na ngalang ang kulang para sa klase niya. Hindi paman nagsisimula ang klase namin ay biglang lumapit si Harrym sa kinauupuan namin.
“Uy Keila, kunin mo mamaya Jersey ko sa varsity drawer ha! It's your boss’ command.” saad nito
“B-bakit ako? Hindi pa po oras ng trabaho ngayon ah?” sagot ko sa kaniya.
“Wow, prinsesa kaba? Pupunta lang kayo sa café tuwing vacant, it so unfair! At tsaka ang laki na nga ng sweldo niyo, magrereklamo pa.”
“Hindi naman po ako nagrereklamo! Sige po, kukunin ko mamaya.” wala narin akong nagawa at pumayag nalang sa ipinag-uutos nito sa akin.
“Don’t worry Keila, I'll go with you.” saad ni Vie na nasa tabi ko.
“Anong sasamahan? Ikaw, bilhan mo kami mamaya ng tubig. Pakidala nalang sa court.” Sagot naman ng nakakainis na si Harrym habang may idinagdag ding utos para kay Vie.
“Zen!” bigla niya namang tinawag ang nakaupong si Zen at tumayo naman ito.
“Wala kabang ipapagawa?” kitang-kita ko naman na bigla silang nagtinginan.
“Ah yes. Umulan kasi kanina, so my car needs a car wash. Kayong dalawa nalang! You can go mamayang 3PM and clean it.” nagulat naman ako sa sinabing iyon ni Zen dahil kahit kailan, hindi siya naging ganun. Kahit paman nasa grupo sya ng masasamang budhi, hindi naman talaga nagbago ang ugali niya.
“Ahh eto pa pala, bili nalang kayo mamaya ng sponge tsaka sabon sa labas.” dagdag nitong pag-uutos kina Cindy at Joyce.
Nakaka-gigil naman ang mga ‘to! At kailan ba napasok sa isip nitong si Harrym ang pagpapakuha ng sarili niyang jersey sa iba? Hay tamad talaga! At panong natutung mag-utos nang ganun si Zen sa taong hindi niya naman ka-close? Hay, masyadong nakaka-panibago pero okay na’to kaysa sa walang trabaho, tas wala ding sweldo. Pag walang sweldo, walang pagkain, pag walang pagkain, mamamatay kami. Naku, wag naman sana!
Kung iisipin, may point naman si Harrym. Unfair nga naman talaga, tuwing Miyerkules lang at Sabado ang talagang buong araw na nasa café kami. Tuwing may klase naman ay pumupunta lamang kami doon kapag tatlo o higit pa ang oras na bakante sa amin. Kapag wala kami ay nandoon naman sina Kuya Leo at ang sinasabing tatlong bagong employees sa café kabilang na ang chef.
Nakalipas ang ilang segundo ay nagtawag na ng nga pangalan si Mr. Del Valle. Isa-isa niya kaming tinawag para sa kaniyang attendance at wala namang lumiban ngayong araw. Hindi paman nakakabalik si Harrym sa upuan niya ay bigla siyang tinawag ni Mr. Del Valle. Dahil bago siya sa amin ay sa huli inilagay ang pangalan niya at palagi siyang huli kung tawagin. Itinaas niya ang kanang kamay at ibinaba ito pagkatapos. Matapos naman ito, ay tinawag siya ulit at naging dahilan ito ng pagsi-tinginan ng lahat sa kanya.
YOU ARE READING
CONSTELLATIONS: MY BOSS IS MY CHILDHOOD SLAVE (Series#1)
RomanceKeila ruined a boy's childhood and became the culprit on his phobia. What will Keila do if she and him will meet again in a reverse situation?