Chapter 7

14 1 0
                                    

Chapter 7
Rain

Nasa loob na kami ng bahay at biglang nag-ring ang cellphone ni Cindy na siyang kasama ko sa kwarto. Nagtitimpla pa siya ng kape sa kusina at napagpasyahan kong tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. I saw Julian Alejar requesting for a facetime, kaya tinawag ko siya nang masagot niya naman ito.

"Cindy! Si Jules tumatawag!" sigaw ko at sakto namang papasok na siya sa kwarto habang bitbit ang dalawang tasa ng kape.

"Ah oo, magpaplano nga pala kami sa biochemistry. Eto kape mo" saad niya at inabot sa akin ang isang tasa ng kape.

"Buti pa kayo plano na kaagad. Habang kami, heto wala parin."

"Para matapos kaagad. Andon nga yung dalawa sa kusina nag di-discuss ng gagawin nila." aniya

Sinagot din naman kaagad ni Cindy ang tawag ni Jules at pumwesto sa kaniyang study table. Pinag-iisipan ko rin kung mag fa-follow ba ako kay Harrym at imemessage siya, pero nahihiya talaga ako.

Nagpunta ako sa sala at napagpasyahang i-message si Harrym sa IG niya. Madali ko din naman itong nahanap dahil marami rin talaga ang mga naka-follow sa kanya sa social media.

I clicked the message button and typed my first move for our project.

"good evening po sir harrym. ano po plano natin sa biochem?" type ko sa chatbox

Pinag-isipan ko munang mabuti kung isesend ko ba ito o hindi kaya'y personal ko nalang siyang tatanungin. Dulot ng magulo kung isip ay napindot ko bigla ang isang button. Naisend ko ang mensaheng iyon kay Harrym.

Nang ma send ito ay labis na lamang ang kaba at pangingilabot na nararamdaman ko. Hindi ko din magawang tingnan kong nag view o nag reply na manlang ba siya rito.

Pinagpapawisan na ako.

Dulot din ng matinding kaba, ay dali-dali ko itong inunsent at walang anumang binlock siya sa IG ng ito lamang ang dahilan. At wala nang pake sa magiging tanong niya rito. Mabuti nalang at hindi ito active. Hindi rin siguro iyon nagbubukas ng mga message request sa mga social media accounts niya. Mas mabuti nang hindi niya makilalang ako ang nag message sa kaniya dahil sobrang nakakahiya talaga.

Lumipas ang ilang minuto ay tinawag ako ni Cindy mula sa kwarto."Keila!" pagtawag nito. At umakyat rin naman ako kaagad sa kwarto naming dalawa dahil sa tawag niyang iyon.

"Oh, bakit?" tanong ko nang makarating.

"Wala, gusto ko lang ng makaka-tsismis." sagot niya.

"Bwesit, akala ko naman kung ano. Kinabahan ako dun ah!" saad ko habang naka-side eye sa kanya.

"Teka, ba't ang bilis niyo mag-discuss? Tapos na?" ulit kong tanong.

"Ahh bukas daw Starbucks kami. Manlilibre ngadaw siya eh. Kaya ayun, 'di nako nagreklamo, gusto ko rin kasi." she answered

"Buti kapa!"

"I-chat mo nalang kasi." suggest niya sa akin

"Ayoko nga! Ano siya, gold?" pagpupumiglas kong saad rito

"Akin na nga cellphone mo, ako na magcha-chat."

Mabilis ko namang tinago sa ilalim ng suot kong oversized shirt ang cellphone ko na nakalapag pa sa kama dahil alam kong gagawin talaga iyon ni Cindy. Kinakabahan din ako na baka makita niyang mayroon akong naka unsent na message kay Harrym Thomas Vasquez, at higit sa lahat, binlock kopa ito.

"Ayoko! Bahala siya sa buhay niya, basta ako, iisipin ko nalang sarili ko."

Bigla niya naman akong tinawanan. "Sabi mo eh." pabirong saad niya.

CONSTELLATIONS: MY BOSS IS MY CHILDHOOD SLAVE (Series#1)Where stories live. Discover now