Isang buwan na ang lumipas simula nung mapunta ako dito at isang buwan na din akong nagtatago sa kanila. Tuwing umaga ay pinapabigyan ako ni tita Jack ng pagkain at tuwing alas dos ng hapon ay bumababa ako sa kusina para kumain. Kapag alas nuebe ng gabi naman ay bumaba lang din ako ng patago para kumain. Pero hindi na ako nagti-tiptoe dahil medyo nasanay na ako at hindi naman sila nagigising kaya panatag na ako. Ganun na ang naging daily routine ko. Typically HELL for me!
Pero kahit na palagi lang akong nandito sa kwarto at nagtatago ay hindi parin ako nakakatakas sa isang papansin. Minsan kasi pag hindi umaalis si Xander ay palagi siyang nasa kwarto ko. Hindi para i-entertain ako kundi para asarin at bwesitin.
"hey, Edrienne." tulad ngayon. He's here to ruin my day. AGAIN. Hindi ba siya nagsasawa?
"go away!" pagtataboy ko sa kanya sabay higa sa kama at nagtalukbong ng kumot.
Pero dahil sa likas na bingi siya ay hindi niya pinakinggan ang pagtataboy ko. Naramdaman ko nalang na may umupo sa gilid ng kama at alam kong ang walang hiyang si Xander yun. Sino pa ba?
Hindi ko naman siya magawang pigilan sa pabigla bigla niyang pagpasok dahil kahit nilo-lock ko yung pinto ay meron silang susi para mabuksan ito kaya wala akong nagagawa. Hindi ko nalang din yun nilo-lock dahil nasasayang lang ang lakas ko. Haha.
"ouch naman Edrienne. Kukumustahin ko lang naman ang future sister in law ko." malambing niyang sabi. As if he really cares for me. Napairap nalang ako sa sinabi niya.
"okay ako nang wala ka pa kaya umalis ka na!" sigaw ko habang nakataklob parin ang kumot sakin.
"well you know Edrienne, I like seeing you not okay." this time, tinanggal ko ang kumot sa mukha ko at napaupo. Pinanlisikan ko din ng mata ang gagong to.
He just smirked at me then disorganized my hair. What the?!
"what the hell?" bulyaw ko sabay tapik ng kamay niya. He just laughed at me then stood up. Good thing he stops pestering me.
Well, as if he's gonna let my day shine. Pumunta siya sa harapan ko at nag-bend forward para magkalevel ang mukha namin since I am sitting. I was taken aback for a moment pero nang makabawi ako ay tinaliman ko ang tingin ko sa kanya. He smirk.
"morning glory." nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa mata ko.
What the?! Shit! Agad kong kinapa ang mata ko at meron nga. Aish! Eh ba't kasi ang aga niyang mambulabog? Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya. Naiimbyerna talaga ako sa lalaking to.
"you should know how ugly you are right now." mapang-asar niyang sambit. Urgh!
"so what?" inis na sagot ko.
Bumalik nalang ako sa pagkakahiga nang nakatalikod sa kanya. Naramdaman ko namang umupo siya tabi ng kama. Hindi ko na sana siya papansinin pero naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Shit! What is he doing?
"mom is calling on you. Hinihintay ka na niya sa baba." sabi niya sa mababang tono. Biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa buong katawan.
Agad akong umupo malayo sa kanya at kinuha yung kumot saka ko pinahid pahid sa leeg ko kung saan binulungan niya.
"God Xander! Hindi ka ba talaga marunong mandiri? Brrrrgh!" singhal ko sa kanya saka umarteng parang naiihi.
"tss." tanging sabi niya saka tumayo na at lumabas ng kwarto.
Mabuti naman at umalis na agad yung bakulaw na yun. Tsk. Ang dami ko na palang tawag sa kanya no? Haha. Secret lang natin yun ha?
Bago ko pa man mabinyagan ng bagong lait si Xander ay bumaba na ako at nakita ko si tita Jack na naghihintay. Nakaupo siya sa mahabang couch ng sala na katapat lang tv. Pagdating ko ay agad siyang tumayo at ngumiti sakin.
BINABASA MO ANG
stuck with my kidnappers
Teen Fictionako si Edrienne Joy Cortez. mahirap lang kami at sa squatter's area nakatira, definitely NOT rich. pero kahit ganun ay kontento na ako sa kung anong meron kami ngayon. mahal ko ang pamilya ko at ginagawa ko lahat mapabuti lang ang lagay nila. pero b...