"opo ma. Pasensya na po talaga. Ito po kasi ang gusto ng amo ko eh. Sayang naman po kasi malaking tulong na din po ito sa atin." patawarin na ako ng panginoon sa pagsisinungaling ko sa magulang ko pero no choice talaga ako. Hays!
Kausap ko ngayon sa cellphone ang mama ko at pinaliwanag ang sitwasyon. Mahirap mang magsinungaling sa kanila ay kailangan kong gawin lalo na't kaligtasan nila ang nakasalalay dito.
Sinabi ko sa kanila na may nakuha na akong trabaho pero gusto ng amo ko na mag-stay in ako sa kanila. Malaki ang sweldo ko kaya hindi ko magawang tanggihan. Naiinis man ko sa sarili ko dahil sa pagsisinungaling sa kanila ay nagpapasalamat pa din ako na naniwala sila. Nanghihinayang lang sila dahil hindi na daw nila ako makakasam at hindi man lang kami nagkapaalaman. Sinabi ko namang bibisita ako sa kanila kaya hindi na sila dapat mag-alala pa. Kahit sa totoo lang, hindi ko alam kung makakabisita pa ako sa kanila.
"sinabi ko na kasing wag ka nang magtrabaho eh. Kaya ko pa naman. Ang tigas kasi ng ulo mo eh. Tsk. Tsk." paninermon ni mama.
"ma, ayaw ko lang naman pong nakikita kayong nahihirapan kahit na kaya ko ding magtrabaho." pagdadahilan ko. Totoo naman yun eh. Alam kong sobrang nahihirapan na siya kahit hindi niya pinapakita sa amin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
"wala naman na akong magagawa eh. Mag-iingat ka lang palagi diyan ha?" nasabi niya nalang.
"opo ma. Kayo din po. Mamimiss ko kayo ni Faith." mangiyak ngiyak kong tugon. "kailangan ko na po palang magpaalam ma. Baka pagalitan na ako ng amo ko sa tagal ko nang nakababad dito sa telepono. Ba-bye ma. Mag-iingat po kayo palagi." pagpapaalam ko. Sa totoo lang, hindi naman ako pinapagalitan nila tito Matt eh. 'tong si Xander lang ang masama na ang tingin sakin kasi kanina pa ako nakikipag-usap kay mama. Nakigamit lang kasi ako ng cellphone niya kasi hindi ako marunong gumamit nung sinasabi nilang land-line. Wala din naman kong cellphone kasi si Faith lang mayron kaya natawagan ko sila.
"sige anak. Ikaw din." bago pa ako makasagot ulit ay hinablot na ni Xander ang cellphone at pinatay iyon.
"ang tagal niyo nang nag-uusap. Baka kung ano pa ang masabi mo." cold niyang sabi.
"hindi naman ako sumbongera eh." bulong ko nalang.
"sumunod ka." utos niya.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Edi sumunod. Hindi nalang ako umiimik dahil ayoko rin ng gulo! Ang sabi niya kasi once na tumakas ako dito sa pamamahay nila o di kaya mairita siya sakin at palayasin ako ay wala na dae akong maaabutang tao sa bahay namin dahil siguradong natawagan na niya ang mga taong nakabantay sa bahay namin. O diba? Nakakamuhi ang isang 'to?! Sobrang yabang! Swerte niya lang dahil naging anak siya ng super yaman na mag-asawa. Eh kung hindi? Wala naman siyang maipagmamalaki eh.
"we're here." biglang tugon niya kaya napatigil ako sa paglalakad. Napansin ko din na masama na ang tingin ko sa likod niya kaya napakurap nalang ako. "this will be your room." dugtong niya habang nakaharap sa isang pintuan.
Sumilip naman ako kung ano ang nasa loob at napanganga ako sa ganda ng nakita ko. Ang laki ng kwartong ito at ang ganda ng mga furnitures na nakadisplay. Meron ding isang malaking kama at sa tabi nito may malaking glass door na kapag buksan mo ay malalanghap mo ang preskong hangin. Sa labas nito ay merong di kalakihang space at mga upuan na sa tingin ko ay pwedeng tambayan para makapagrelax.. Siguro.
Wala sa loob kong pumasok sa loob at pasadahan ng tingin ang mga nandun. Nasa left side ng kama ang glass door at sa right side naman nito ay merong isang table na may nakalagay na alarm clock at mga libro sa ibabaw nito. Sa kabilang bahagi naman ng kwarto ay may nakita akong dalawang pintuan at nilapitan ko ang isa kung saan malapit sa pinto. Nang buksan ko iyon ay nanlaki ang mata ko dahil isa pala itong closet.. Isang walk-in closet na madalas kong makita sa mga palabas. Marami akong nakitang mga damit na magaganda at mga sapatos na ang gagara. Lumabas muna ako para tingnan ang isa pang pinto pero bago ako pumasok ay napansin ko muna si Xander na nakaupo sa paanan ng kama.
Pagpasok ko sa isang pinto ay hindi nawala ang panlalaki ng mata ko nang makita ko ang malaking bathtub na para nang maliit na pool na katulad nung kila Lester. May nakita din akong magarang toilet bowl at sink. Tapos nung tingnan ko ang loob ng isang salamin na blurry ay namangha ako sa shower. Lahat ng nandito ay namamangha ako. Para na nga akong bata dito eh. Lahat kasi ng nandito ay wala sa bahay. Lahat hanggang sa telebisyon ko lang nakikita pero hindi ko inaasahang makikita ko ng personal at pwede ko pang gamitin. Grabehan lang ha!
Paglabas ko sa cr ay nakita ko paring nakaupo si Xander sa kama kaya umupo nalang din ako dun pero medyo malayo sa kanya. Mahirap na!
"tapos ka nang mamangha sa magiging kwarto mo?" tanong niya na nakapagpasimangot sakin.
"tss. Yabang!" tanging nasabi ko. Narinig ko lang siyang nag-smirk saka tumayo.
"kung may kailangan ka, wag mo na akong isturbuhin. Do whatever you want in this house." yun lang at lumabas na siya ng kwarto.
Aaminin ko, namamangha ako sa kwartong ito at pati na rin sa buong bahay na ito pero hindi ko parin gusto dito. Mas gusto ko parin dun sa squater's area tumira kasama ang pamilya ko. Pakiramdam ko kasi nakakulong ako dito. At pakiramdam ko mamamatay ako sa inis sa mga taong nandito!
Faith's POV
"ma, ano pong sabi ni ate?" tanong ko kay mama pagkababa niya ng cellphone.
Very unusual kasi ang pagtawag niya ngayon eh. Kasi, umuuwi naman siya dati kapag meron siyang balita. Maganda man ito o masama. Kaya nagtataka ako ngayon kung bakit siya napatawag.. At kaninong cellphone kaya ang ginamit niya?
"nakahanap na daw siya ng trabaho pero stay-in daw kaya hindi na muna siya makakauwi dito at padadalhan nalang daw niya tayo ng pera." sagot ni mama.
"stay-in? Diba po ayaw niya ng ganung trabaho?" tama! Ayaw niya kasing nahihiwalay sa amin. Lalo na kay mama.
"eh malaki daw kasi ang sahod niya eh. Manghihinayang daw siya kung umayaw pa siya. Mukha namang maganda ang trabahong yun eh. Hayaan nalang muna natin siya. May isip naman na din yun at alam kong hindi niya gagawin ang hindi tama." paliwanag niya.
Sabagay, alam na nga talaga ni ate ang tama at mali at may tiwala naman kami sa kanya. Sana lang maging okay lang siya at hindi siya mapahamak.
Ako nga pala si Faith. alam kong kilala niyo na ako pero hindi naman ako pinakilala ng maayos ng magaling kong ate eh. So, Vienna Faith Cortez ang whole name ko at magsi-sixteen na ngayong taon. Same school lang kami ng ate ko at 3rd year na ako ngayong enrollment. Masaya naman ako sa school namin kasi malapit lang yun sa Schwartz high school at madalas ko ding nakikita dun yung crush na crush kong si Michael Schwartz. Kyaaaaa! Haha. Pasensya na kasi hindi ko mapigilan ang hindi kiligin eh. Sobrang gwapo niya kasi at mabait din sa lahat kaya madami ding nagkakagusto sa kanya. Kaya no hope na ako sa kanya. (-_-, )
Katulad ng ate ko, may ibubuga din naman ako sa maraming bagay. Pero hindi ko parin siya matatapatan. Sa totoo lang, ang ate ko ang inspirasyon ko. Ang taas ng tingin ko sa kanya at hinahangan ko siya dahil kahit bata palang siya ay nagagawa niya nang makatulong kay mama. Gusto ko mang tumulong din pero hindi ko pa alam kong makakaya ko. Tama! Wala nga akong self-confidence. Ang ate ko lang naman ang nagbibigay sakin ng lakas ng loob eh.
At ngayong hindi na muna siya uuwi ay sigurado akong sobra ko siyang mamimiss. Ngayon pa nga lang ay parang namimiss ko na siya eh. Sana makauwi na siya agad!
BINABASA MO ANG
stuck with my kidnappers
Novela Juvenilako si Edrienne Joy Cortez. mahirap lang kami at sa squatter's area nakatira, definitely NOT rich. pero kahit ganun ay kontento na ako sa kung anong meron kami ngayon. mahal ko ang pamilya ko at ginagawa ko lahat mapabuti lang ang lagay nila. pero b...