Nagising ako nang may naramdaman akong daliri na sumusundot sa pisngi ko. Bubuksan ko na sana ang mata ko pero di ko magawa. Magpapanic na sana ako sa pag-aakalang bulag na ako pero may nakatakip lang pala. Dun ko narealize na may piring pala ako.
"stop it son. Just remove her blindfold." rinig kong sabi ng isang boses lalaki na nakakatakot.
Dun ko naalala na may kumuha pala sakin kanina at nagsimula na akong magpanic. Diyos ko! Anong kailangan nila sakin? Hindi naman kami mayaman ah. Kaya walang ipangtutubos sakin sila mama. Oh God! Help me please. Ayoko pang mamatay.
Napatigil lang ako sa paghi-hysterical nang may naramdaman akong kamay sa likod ng ulo ko. Mukhang tinatanggal niya ang piring sa mata ko at nang matanggal na ay nakaramdam ako ng takot. Parang gusto ko nalang ibalik yung piring sa mata ko. Ayokong makita ang lugar kung saan ako mamamatay. T_T
Natatakot man ako ay nilakasan ko nalang ang loob ko at dahan dahang ibinukas ang mata ko.
O_O
Ganyan ang itsura ko ngayon. Malayo sa inaasahan ko ang nakita ko. Nasa loob ako ng isang malaki at magandang kwarto. May isang matandang lalaki na nakasandal sa may gilid ng pinto at nakatingin sakin. Paglingon ko sa kama ay may nakita akong kaedaran na din na babae na nakaupo dun. Pero maganda siya in fairness.
Napakunot ang noo ko sa nakita. Hindi naman sa gusto kong sa bodega nila ako dalhin pero nakakapagtaka parin. Bakit sa ganitong lugar nila ako dinala?
Pero kinidnap parin nila ako. Hindi parin ako makakapayag. Pati itong magandang babaeng to sumali? Siguro siya ang mastermind nito. Pero bakit? Di ko naman siya kilala ah.
Bigla kong naramdaman ang pagtanggal ng panyo sa bibig ko. Meron pala akong takip sa bibig? Hindi ko man lang napansin. Siguro dahil sa pagtataka ko sa lugar ng hideout nila.
"pasensya ka na iha kung--"
"anong kailangan niyo sakin? Mahirap lang po ang pamilya namin at wala kayong makukuha!" hindi ko na pinatapos ang lalaki sa pagsasalita at sinigawan ko siya.
Grabi! Nawawala ang respeto ko sa nakatatanda dahil dito. Mga walang puso!
"I told you dad. She's tough." biglang may nagsalita sa likod ko. Malamang siya yung nagtanggal sa mga nakalagay sa ulo ko--
"IKAW?!" sigaw ko nang makita ko kung sino yun. "putangina naman talaga oh! Hindi ka ba talaga Nakakaintindi sa ayokong pakasalan ang kapatid mo?" dugtong ko pa. Grabi! Nanggagalaiti talaga ako sa inis!
"hindi ako bobo Edrienne!" seryoso niyang saad.
E-eh? B-bakit iba ang aura niya ngayon? Bakit parang nakakatakot siya?
"kaya nga kinidnap ka nalang namin dahil alam naming hindi ka papayag sa santong dasalan." dugtong niya sabay ngumisi.
Anong-- aba't parang madali lang sa kanyang sabihin na kinidnap niya ako para pilitin sa kung anong gusto niya. Tumingin ako sa tatay niyang tumatango tango pa. SERIOUSLY?! Hindi ba sila natatakot na makulong?
"I told you, wala pang nakakatanggi sakin." turan niya habang suot ang mala-demonyo niyang ngisi.
"HINDI AKO MAGPAPAKASAL SA PESTENG KAPATID MO!!!! HIN.DI.! Matigas na sigaw ko. Urgh! Mapuputulan pa yata ako ng ugat dito sa kakasigaw. Nakakaasar kasi!!!
"I will make you." nakangisi parin ang gago. Kung hindi lang talaga ako nakagapos dito sa upuan, kanina ko pa to nabugbog. Bwesit! Mamatay ka sa titig ko. Please!!
"stop it Alex. You're just making this worse." mahinahon na saway nung magandang babae.
"she deserves it mom. Pinahirapan kaya ako ng babaeng yan." sagot niya sa.. Mama niya pala yun?
"I said stop!" medyo malakas na utos niya kaya napatahimik tong siraulong to.
Napatingin ako sa tatay niyang ginalaw ang labi niya na nagsasabing 'told ya' sa anak niya. Tss. Mukhang takot sila sa babaeng to.
Nakita ko siyang papalapit sakin pero hindi ako nakakaramdam ng takot mula sa kanya kundi pagkainis at pagkasuklam. I swear I hate this family!
"Pasensya ka na iha kung sapilitan ka na naming kinuha. Hindi kasi marunong sumunod sa utos tong anak ko eh." mahinahon niyang saad sabay tingin sa anak niyang nakakibit balikat. "hindi niya kasi inexplain ng mabuti kung bakit ganito kami kadeterminado na ipakasal ka sa bunso kong anak." dugtong niya with her eyes filled with water.
Hindi ako sumagot. Kahit medyo natutunaw na ang galit ko sa ipinapakita niya ay galit na galit parin ako at ayokong magpadala sa drama niya.
"look, yung bunso kong anak, si Michael. May sakit siya sa puso, congenital heart disease. Binigyan na siya ng taning ng mga doktor. They said he can probably live until next year. And we want him to be happy on his last days on earth. Even if we have to make a crime." paliwanag niya.
Nawindang naman ako sa huling sinabi niya. 'even if we have to make a crime' daw? Eh baliw naman pala to eh.
"ano naman ang kinalaman ko diyan?" pagsusungit ko.
"Michael fell in love with you from the first time he saw you. It was his first kaya gusto naming iparanas sa kanya ang tamis ng pagmamahal." sagot niya.
"edi pota! Kasalanan ko bang minahal ako nun? Bakit kailangang ako ang mag-suffer? At tsaka ni hindi ko nga yun kilala. Tapos mahuhulog sakin? Nagbibiruan lang ba tayo dito?" iritado kong sigaw.
Gamit ang peripheral vision ko ay nakita kong nanlaki ang mata ni Xander at ng tatay niya. Mga baliw! Tanging masasabi ko sa pamilyang ito. -_-
"iha, tutulungan ka naman namin sa lahat ng kailangan mo. Pwede rin namin kayo bilhan ng bahay at lupa para sa ina at kapatid mo. Basta pumayag ka lang." ang tatay niya na ang nagsalita nang makabawi siya.
"at ano ang kapalit? Ako? Mukha po ba akong bayaran? May nakikita po ba kayong price tag sa katawan ko? Wala po diba? Kaya hinding hindi ako papayag!" matigas kong turan. "at hindi na ako magsusumbong sa pulis kung papatakasin niyo nalang ako." dugtong ko.
"Hahahaha." nabalingan ko ng matalim na titig ang gagong si Xander. Anong nakakatawa? "walang magagawa ang mga pulis sa mga gusto namin!" natatawa niyang sabi.
A-ano daw? Walang magagawa ang mga pulis sa gusto nila? Bakit? Sino ba sila? Ganun ba sila kayaman at walang gustong sumalungat sa kanila? Urgh! Ang unfair talaga ng batas!
"still, hindi ako papayag. Kahit pagbabarilin niyo ako dito ngayon." patigasan nalang ng bungo to.
"hindi ikaw Edrienne." nakangising saad ni Xander na ikinakunot ng noo ko. "them." nanlaki ang mata ko sa ipinakita niyang litrato.
Family picture namin yun at may naka-ekis na pulang marka sa mukha nina Faith at mama.
BINABASA MO ANG
stuck with my kidnappers
Fiksi Remajaako si Edrienne Joy Cortez. mahirap lang kami at sa squatter's area nakatira, definitely NOT rich. pero kahit ganun ay kontento na ako sa kung anong meron kami ngayon. mahal ko ang pamilya ko at ginagawa ko lahat mapabuti lang ang lagay nila. pero b...