chapter 2

52 0 0
                                    

"Faith, Joy! Lumabas kayo! Bilis!!!" sigaw ni mama kaya napabalikwas kami ni Faith at agad na tumakbo sa kinaroroonan ni mama.

"bakit ma? Anong problema?" agad na tanong ko.

"Joy, tinago mo ba yung mga medal at trophies ninyo ni Faith?" tanong niya ng hindi tumingin samin.

"hindi po. Nilagay ko lang naman po diya--what the hell? Nasan na yung mga medals at trophies ko?" bulyaw ko nang wala akong makita sa hinahanap ni mama.

"wag niyo sabihing nilooban tayo?" sambit ni Faith nang makabawi sa nakita.

"diyos ko! Yun na nga lang ang tanging kayamanan natin kinuha pa. Hindi na sila naawa sa itsura ng bahay natin." mangiyak ngiyak na sambit ni mama. At naupo sa upuang malapit lang sa kanya.

Grabi naman kasi ang mga magnanakaw na yun. Kaawa awa na nga itong bahay namin, pinasok pa. May puso pa ba sila? Tsk.

"kumalma po kayo ma. Baka atakihin kayo ng high blood niyo. Wala na po tayong magagawa, nakuha na eh. Magpasalamat nalang po tayo na hindi tayo nasaktan." pagpapakalma ko kay mama habang hinihimas ang balikat niya.

Si Faith naman ay pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

"tama po si ate ma. Basta okay lang naman tayo eh." biglang sabi niya habang pabalik sa amin na may dala nang tubig at ipinainom kay mama. "Wag po kayong mag-alala ma, malalagyan ulit yan ng medals at trophies. Dodoblehin din namin." dugtong niya pa.

"salamat mga anak. Ang swerte ko talaga sa inyo. Baka nabaliw na ako ngayon kung wala kayo." sambit ni mama na nangingilid na ang luha.

"maswerte din naman kami sayo ma eh." sagot ko at tumabi sa may kanan niya.

"tama si ate ma. Ikaw kaya nagpalaki samin. Best mom ever!" dugtong ni Faith at pumwesto naman sa kabila.

"kayo talaga. Halika nga!" at nagyakapan kaming tatlo.

Nagtataka kayo kung bakit puro mga babae lang ang nandito sa amin? Kasi po wala na ang papa namin. Hit-and-run. 12 years ago.

Ayoko munang magkwento dahil ang ganda na ng moment namin nila mama eh. Baka magwala lang ako kapag naalala ko pa.

"o sige na mga anak. Maglalabada muna ako sa mga Aguirre." pagpapaalam niya sabay bitaw sa yakapan namin.

"uhh. Ma, aalis din po ako ngayon. Maghahanap po ako ng pwede kong pagtrabahuan ngayong summer." pagpapaalam ko din.

"naku Joy! Wag na. Kaya ko pa naman kayong buhayin eh." tanggi niya.

"pero ma, kaya ko din naman pong tumulong eh. Hayaan niyo nalang po ako." pagpupumilit ko.

Nakita kong bumuntong hininga muna siya bago sumagot.

"ano pa bang magagawa ko? Basta mag-iingat ka lang ha?" sagot niya.

"ate, sama ako. Gusto ko ding magtrabaho." biglang singit ni Faith.

"hindi pwede Faith. Kailangan mong samahan si mama. Baka mamaya atakihin yan. Kaya dapat palagi mo siyang kasama para may sasaklolo sa kanya. Okay?" sagot ko.

"okay." nakapout niyang sabi.

"o siya. Aalis na muna kami nang masimulan na ang trabaho. Mag-iingat ka Joy ha?" paalam ni mama saka hinalikan ang ibabaw ng ulo ko.

"opo. Kayo din po." sagot ko nalang.

Umalis na sila kaya ako nalang mag-isa dito sa bahay. Tumingin ako sa lugar kung saan kinuha ang medals at trophies namin.

Napabuntong hininga nalang ako nang wala na talaga akong nakita. Sa totoo lang, hindi talaga okay sakin ang ginawa nung mga magnanakaw. Grabi naman! Mga lasing ba yun? Nakita na ngang halos magiba na ang bahay namin dahil matagal na ito, pinasok pa talaga nila.

Pinaghirapan kaya namin ni Faith yun. Yep! Hindi lang ako kundi pati si Faith ay magaling din sa maraming bagay. At ang mga kinuha ng mga g*g* ay mga awards lang naman namin.

Buhay nga naman oh! Nakakaputangina. Tsk. Tsk.

Pinilit ko nalang ialis yun sa isip ko dahil may kailangan ko pa palang gawin. Kailangan kong mag-ayos para sa pag-apply ko. Oo nga pala, maghahanap pa ako. Tss. -_-

Nang nakapag-ayos na ako ay agad kong isinara ang bahay namin. Kahit naman siguro hindi na. Wala naman na makukuhang iba eh. Nakuha na ang kayamanan namin. Aish! Makaalis na nga.

Habang naglalakad ako papuntang sakayan ay bigla akong nakaamoy ng amoy maldita! Tss.

"oh! Hello Joy!" maarteng bati niya.

Eoh! Helleo Jeoy! (ginagaya ko po ang sinabi niya sa isip ko pero may pagka-exagg lang. Haha)

"hi Bridgette!" bati ko din at ngumiti ng pilit sa kanya.

"I heard the news! Nilooban kayo? Oh-em-gee. Nakakaawa naman yung magnanakaw, I'm sure wala silang nakuha." dire-diretso niyang sabi with her maarte accent. Urgh!

Ang bilis talaga nitong makasagap ng chismis. Magnet ba to? Tapos chismis lang ang naaattract. Tss.

"actually, nakuha yung medals at trophies namin ni Faith." nakasimangot kong sagot.

"ow? Kahit papano pala nakakuha sila ng barya." pang-aasar niya pa at tumawa ng nakakarindi.

Hindi nalang ako sumagot kasi baka masagad lang ako eh. Buti kung hindi siya anak ng may-ari ng tinitirhan namin.

"oh pano, mauna na ako. I don't like the smell in here eh. Bye Joy!" thank you lord at umalis na siya agad.

"mauna ka na nga sana!" bulong ko nalang saka nagpatuloy sa paglalakad.

Everyone, meet Bridgette Aguirre! Ang brat ng bayan. Nag-iisang anak ng may-ari ng lupang tinitirhan namin. Sa madaling salita, anak mayaman. Kaya ang lakas ng loob magmaldita. Kala mo naman katalinuhan. Psh.

At oo. Sa kanila naglalabada si mama. Hindi man ako nakakasama kay mama, alam ko na hindi siya minamaltrato dun. Mabait kasi ang magulang nun. Di ko nga alam kung san nagmana yung Bridgette na yun eh.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng nagdadabog. Bakit kasi sa dinamiraming pwedeng looban, kami pa ang napili? At bakit sa dinamiraming pwedeng pag-initan ng dugo ni Bridgette, ako yung nakita?

Naiinis ako sa takbo ng buhay ko! Ang tanging magandang nangyari lang sakin ay ang mama ko at si Faith lang eh.

"urgh! Nakakainis!!" bulyaw ko sabay sipa sa latang nasa harapan ko.

*pak* (sound effect po yan ng latang tumama sa ulo)

"aray!!!" biglang sigaw ng lalaking natamaan ko siguro.

"oops!" tanging nasabi ko sabay takbo dun sa lalaki.

"kuya! Sorry po. Hindi ko po sinasadya." pagpapaumahin ko agad nang makalapit ako. Mukhang mayaman to ah. Naku! Baka pag-initan din ako nito. Tsk.

Nilingon niya naman ako at nang makita niya ako ay bigla siyang nataranta.

"o-okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ko.

Para kasi siyang nakakita ng multo dahil bigla siyang namutla at pinagpapawisan. Para siyang natatakot na natatae na naiihi eh.

"o-o-o-oo. Oo. Oo." nababalisa niyang sagot sabay sakay sa kotse. Wow! Bigatin. tsaka gwapo din. Haha.

Pero ang weird niya lang. Ano bang problema nun? Tss. Sana lang hindi niya ako pag-initan. Sana hindi niya ako gamitan ng ugali mayaman. Tsk. Tsk.

Nagkibit balikat nalang ako saka dumiretso ng lakad. Siguradong paguran ang araw na to. Hays!

Kaya ko naman to eh. Kaya ko. Tiwala lang Joy. Fighting!

stuck with my kidnappersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon