Chapter 1

61 3 2
                                    

Desiree POV

"Yehhhhheeeettt, nandito na rin ako sa South Korea!" Sigaw ko. Ang ganda ng Incheon Airport. Ay nakalimutan pala ako! Kasama ko ang kaibigan ko na si April at Jassie. Nauna si April nakapunta dito sa South Korea. Buti nga nahatak kami ni April dito sa Korea. Alam nyo ba kung bakit ako nandito? Hahanapin ko ang forever ko. Hahahahaha joke lang! Magtatrabaho kami dito sa Korea. Ang trabaho namin taga-make up ng Exo. Di joke lang. Hahahaha! Eto,seryoso na. Sa hotel kami ni Jassie papasok. Hotel and Restaurant Management ang matapos namin ni Jassie. Samantalang si April nakapagtapos ng Information Technology. Pumunta kami sa tinutuluyan niya.

"Wow, ang ganda ng bahay mo dito." Sabi ko.

"Ah eh, Ate Dess. Nandito na rin sila Kare(ang pagkabigkas nito ay Care), Maecy at Benger nakatira." Nagulat ako sa sinabi nya. Kasi ang alam ko magkakahiwalay sila nagtatrabaho dito sa Korea. "Pasensya na Ate, mahabang kwento." Sabi ni April.

"Ah ganun ba. Ok lang yan. Mas marami mas masaya." Sabi ko. Mukha kasing na guilty siya dahil di nya sinabi na nandito sila sa iisang bahay. Pumasok kami sa bahay na tinutuluyan nya. Napakanganga na lang ako. Nakapagrent sya ng ganto kalaki.

"Ateeeeee Dessssss at Jasssieee!" Sabi ni Maecy at yinakap nya ako.

"Welcome to South Korea! Ate Dess at Jassie!" Sabi ni Kare at yinakap nya rin ako.

"Kamusta, Ate Dess at Jassie!" Sabi ni Benger. Hindi ako makapagsalita kasi sama-sama sila sa iisang bahay.

"Mukhang gulat ka Ate Dess. I-eexplain namin" Sabi ni April. Naguguluhan kasi ako. Bago ako pumunta dito, kachat ko sila. Hiwalay-hiwalay daw sila ngayon. Bakit ganun nandito sila.

"Pinapagawa yung mga bahay namin dito. Kaya nandito kami kay April." Sabi ni Kare.

"Yes, maybe next month makakaalis kami dito." Sabi ni Maecy.

"Yung kanila pinapagawa pa pa lang nila. Yung akin patapos na within this week. Actually condo sya." Sabi ni Benger.

"Naks, mayayaman pala yung mga nandito. Tara alis na tayo." Pagloloko ni Jassie.

"Oy huwag tayo umalis" sabi ko.

"Eto, Hindi ka naman mabiro." Sabi ni Jassie. Nagtawanan sila lahat. Samantalang si Benger nagluluto ng pagkain. Dinala kami ni April sa room kung saan kami matutulog. Binisita din namin ang bawat kwarto nila. Nakakapagtaka lang kasi wala man lang poster na nakadikit sa bawat kwarto. Sa bagay bahay naman ito ni April.

"Nagtataka ka kung bakit walang poster dito? Nakatago sila." Sabi ni April.

"Ah,ganun ba. Paano ka nagkaroon ng gantong bahay? In two years nakabili ka na nito? Paano nangyari yun?" Sabi ko.

"Actually, Ate nakapag-ipon ako nun balak ko sanang bumili ng condo dito kaso yung friend ko binigay sa akin ito. Sayang naman daw kung ibebenta nya kaya binigay nya na lang sa akin." Sabi ni April.

"Ang yaman naman ng kaibigan mo." Sabi ko.

"Ate, binayaran ko pa rin sya ng kalahati. Alam mo naman ang ugali ko." Sabi nya.

"Sabagay." Sabi ko. Iniwan na ako ni April dito sa kwarto. Si Jassie naman ay nasa kabilang kwarto. Naglilipit ako ng damit at inilalagay sa cabinet. May kumatok sa pinto at nang buksan ko iyon. Si Jassie pala.

"Oh may kailangan ka?" Sabi ko.

"Wala akong kailangan. Kung ayaw mo daw kumain huwag ka na daw kumain. Tara bumaba na tayo." Sabi niya.

"Huwag na! Mukhang ayaw mo naman. Sasamahan mo ako di ba?" Sabi ko. Hahahahaha

Naghabulan kami pamuntang mesa.

Got To Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon