Epilogue

57 3 8
                                    

Author's POV

Hinanap ni Chen ang article kung saan nandoon lahat ng proof na siya iyon at ipinakita niya ang article na naglalaman ng mga question and answer. Umupo muna sila sa isang couch at ibinigay ni Chen ang cellphone nya kay Desiree. Habang binabasa mabuti ni Desiree ang article, nagulat siya kasi nakita niya ang mga malinaw na picture na kasama niya si Chen.

"Ako ito" sabi ni Desiree kay Chen. Napatingin si Desiree kay Chen at ngumiti ito.

"Oo, ikaw yan. Gusto ko nga magpaliwanag pero hindi mo ako pinapansin. Alam ko naman na nasaktan ka sa nangyari." sabi ni Chen kay Desiree. Napaluha si Desiree, nararamdaman nya na sarili rin pala niya ang may kasalanan dahil hindi niya pinapansin si Chen. Pagkatapos niyang makita ang mga pictures binasa naman niya ang statement ni Chen

'Gusto ko lamang pong sabihin sa inyo na hindi po artista ang dine-date ko ngayon. Simpleng babae lamang siya. Ngayon na nakita nyo na ang pictures sana hindi nyo siya i-bash o gawan ng masama. Ako na po ang humihingi ng tawad at pang-unawa na sana huwag ninyo siya gagalawin o tatanungin dito sa nangyari.' nabasa ni Desiree ang unang sinabi ni Chen. May mga tanong din sa kanya na sinagot din ni Chen.

Q.1: Alam ba nya na lumabas na itong balita tungkol sa inyong dalawa?

'Alam nya na po.'

Q.2: Ano ang pangalan niya?

'Sa ngayon po, hindi ko muna maibibigay sa inyo. Ayoko pong magulo ang buhay niya o namin. Gusto ko siyang protektahan kahit anong mangyari.'

Q.3: Balak mo bang itago ang relasyon niyo?

'Sa totoo lang po, nagdedate pa lang po kami and I hope you'll understand. Gusto ko rin humingi ng privacy sa amin dalawa'

Nang matapos nyang basahin ang lahat hinome ni Desiree ang phone ni Chen. Nakita niya ang picture nilang dalawa. Noong unang nagyaya si Chen na kumain sa resto na nirentahan niya para sa kanilang dalawa. Napaiyak si Desiree sa nakita niya sa cellphone ni Chen at niyakap naman ni Chen si Desiree para patahanin ito.

"Sorry, Chen" sabi ni Desiree habang humahagulgol ito sa pagkakayakap.

"Ssshhh... Naiintindihan naman kita, kaya nga hindi ako sumuko." pagpapaliwanag ni Chen. Pinunasan ni Chen ang mga luha ni Desiree. "Aalis ka pa ba?" dagdag pa nito.

"Oo. Kailangan ko umalis. May posibilidad din akong makabalik." sabi ni Desiree kay Chen. Nagmukhang dismayado ang mukha ni Chen. Akala nya kapag sinabi nya na ang lahat ay hindi na ito matutuloy sa pag-alis ng Korea. "Chen, huwag naman ganyan ang mukha mo. 2years ako sa Pilipinas at babalik din ako dito." pagpapaliwanag ni Desiree.

"Sa tingin mo papayag ako na two years tayo magkakahiwalay." napataas ang boses ni Chen sa nalaman nya at tumayo ito sa kinauupuan niya.

"Chen naman eh.. Babalik ako dito." kalmadong sinabi ni Desiree kay Chen. Hinawakan ni Desiree ang kamay ni Chen.

"Paano kung hindi ka na makabalik dito sa Korea? Iiwan mo ako?" Sabi ni Chen kay Desiree. Nakatingin lang si Desiree kay Chen.

"Maniwala ka sa akin. Babalik ako at dahil napatunayan ko na mahal mo ako." hinawakan ni Desiree ang mukha ni Chen at hinalikan ito. Humiwalay si Desiree at sinabing... "Huwag kang mag-alala. Magtiwala ka sa akin" dagdag ni Desiree.

Nang matapos ang usapan nila nakapagpasya na si Chen. Uuwi si Desiree ng Pilipinas kailangan alam ni Chen ang lahat ng contacts nito mapa-sns man o number nya kapag nakauwi na sya ng Pilipinas.

--2 Days--

Napagdesisyonan na ni Chen at Desiree ang gagawin nila ngayon. Ang magpunta sa dorm nila at ipakilala siya sa iba pang members..

Got To Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon