Chapter 4

32 3 3
                                    

(Author's Note: Malapit na po itong matapos. Next chapter ay ending na. Short story po ito, ginawa ko lang by chapter para hindi kayo malito. Salamat po sa mga ng vote.)

Benger's POV

(Nabigyan ako ng POV ng author na ito! Hahahaha! Back to the story)

Nakita ko ang lahat! Noong bumibisita si Sehun dito sa hotel at ngayon nakita ko na nasasaktan si Sehun at pati ang kaibigan ko. Nilapitan ko si Sehun pero nagsuot kaagad siya ng mask. Nakikita ko sa kanyang mga mata na gusto niyang umiyak. Hinawakan ko siya sa kamay niya at lumabas kami. Wala akong pakealam kung anong sasabihin ng fans niya sa akin. Matangkad si Sehun kaya di ko siya makaladkad. Nang makakita ako ng isang lugar na walang tao doon ko na sya makakausap.

"Sehun." Sabi ko at medyo hinihingal ako. Napahawak ako sa tuhod ko.

"Bakit mo ako kinaladkad papunta dito?" Galit na sinabi ni Sehun. Nagulat na lang ako sa sinabi niya. Aalis na sana siya kaso hinawakan ko ang kamay niya.

"Mahal mo ba ang kaibigan ko?" Sabi ko at tumingin siya sa akin. Jusme! Bakit ang gwapo mo kahit seryoso ang tanong ko sa iyo.

"Kaibigan mo si Desiree? Oo mahal ko siya." Sabi ni Sehun. Di ko alam pero nasaktan ako.

"Huwag muna siyang mahalin. Nasasaktan ka lang." Sabi ko.

"Bakit? Ano ba ang pakialam mo? Ilang beses na akong nasasaktan. Bakit masama bang masaktan ng paulit ulit? Mahal ko siya." Sabi ni Sehun at tumulo ang luha nito. Niyakap ko siya para naman kahit papaano mawala ang nararmdaman niyang sakit. Niyakap niya rin ako ng pabalik.

"Hindi masamang masaktan. Ang masama ay umaasa ka kahit wala ka nang pag-asa. Try to let her go. Maging masaya ka kung saan siya masaya." Sabi ko habang hinahaplos ang likod niya. "Mahal ka ni Desiree pero hanggang doon lang yun. Mas mahal niya si Chen." Dagdag ko. Medyo direct to the point man ako magsalita pero ayan ang gusto kong sabihin sa kanya. Gusto Kong maging masaya ang kaibigan ko. Hindi nya nga lang nabasa ang statement ni Chen at iba pang article tungkol sa kanilang dalawa. Dahil din siguro nasaktan si Dess kaya di niya pinapansin si Chen.

Maya-maya humiwalay siya sa pagkakayap sa akin at pinunasan niya ang luha niya. Sakto may dala akong at ibinigay sa kanya.

"Don't cry, Sehun. Dahil lang doon iiyak ka? Tandaan mo maraming nagmamahal sa iyo. Just wait, maybe this is not the right time and place. But you will see it in the right time. Maraming nagmamahal sa iyo." Sabi ko at nagulat naman ako dahil niyakap niya ako.

"Thank you." Sabi ni Sehun at humiwalay siya ng pagkakayakap sa akin. Naglakad na sya papalayo.

-Sa kabilang banda-

Author's POV

Nahabol ni Chen si Desiree at nahawakan ang kamay ni Desiree. Nasa Park sila kung saan sila unang nagkakilala.

"Natatandaan mo pa ba ito." sabi ni Chen kay Desiree. Hinawakan ni Chen nang mahigpit ang kamay ni Desiree na parang ayaw na niyang pakawalan. Hindi sumasagot si Desiree, may gusto siyang sasabihin kaso mas gugustuhin niya pang manahimik.

Tumingin si Chen kay Desiree at umiwas ng tingin si Desiree sa tingin ni Chen. Hinawakan ni Chen ang mukha nito para magtama ang kanilang mata.

"Mahal mo pa ba ako?" tanong ni Chen at tinggal ni Desiree ang kamay ni Chen sa pagkakahawak sa mukha niya. Aalis na sana si Desiree pero nahawakan ni Chen ang braso nito. "Desiree, please sagutin mo ang tanong ko. Mahal mo pa ba ako." sabi ni Chen kay Desiree. Hindi makatingin si Desiree sa kanya. Bagkus hinawakan ni Desiree ang kamay ni Chen at inihawi ito.

"Chen, mahal kita... Sana malaman mo rin na nasasaktan na ako sa mga nangyari." sabi ni Desiree kay Chen. Simula noong lumabas ang issue, maraming ipinapares na babae kay Chen. Nag-eexplain si Chen everytime na may lumalabas na balita tungkol sa kanya kahit hindi pinapakinggan ni Desiree.

Got To Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon