Special Chapter(Last chap)

62 3 2
                                    

Author's Note: So ito na! Last na tong update. Hindi ko na sana itutuloy toh kasi tapos na sya. Hindi ko na kasi kayang mag-isip ng scene atsaka short story lang po ito.. :)


Desiree POV


Matagal na rin ako dito sa bahay ni April naninirahan. Sa dalawang taon ko sa Pilipinas maraming nagbago sa bahay niya. Yung dating anim na kwarto ngayon apat na lang. Pinagsama niya ang dalawang kwarto para maging practice room. Magkahiwalay lang ang room namin yung dalawa pang guest room. Ang hindi lang nagbago ay yung sala at kusina ganun pa rin siya, panggabi ang pasok ni April dahil doon sya naka-assign. Naghahati din kami sa gastusin dito sa bahay para hindi mabigat at ganun din naman ang ginawa ko noong nakatira ako dito dati. Naglinis muna ako para naman paggising niya ok lahat nang nandito. Aalis kami ni Chen. Magbabakasyon na kami sabi nya at hindi ko alam kung saan.


Pagkatapos kong maglinis dahil maaga pa naman pinuntahan ko si April para kumain kami ng sabay. Hindi ko siya nakita sa kwarto niya. Sinubukan ko na magpunta sa practice room niya at nandoon siya nakupo. Hingal na hingal at pawis na pawis. Minsan tinanong ko na rin kung bakit sya nagpapractice ang sagot niya lang sa akin gusto nya lang magpapawis. Mula noon di ko na sya tinanong at pinababa ko siya para sabay kami kumain. Nang biglang may kumatok sa pinto..


"Ako na magbubukas April. Kumain ka na diyan." sabi ko kay April. Mukhang napaaga ata si Chen. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Chen. May dala-dala syang prutas at bulaklak. "Maaga ba tayo aalis?" pagtatanong ko. Pinapasok ko sya sa bahay at sakto marami akong niluto.


Kumuha ako ng plato para sa kanya. Nang biglang nagsalita si Chen.


"April, ok lang ba na umalis kami ni Desiree ngayon?" sabi ni Chen at napatingin ako kay April. Oo nga pala hinidi pa pala ako nakakapagpaalam.


"Bakit pa kayo magpapaalam sa akin? Sige umalis kayo. Ok lang naman sa akin eh.. Couple na kayo, dapat nakikita kayo ng mga tao na lumalabas" sabi April at nahuli niya akong nakatingin sa akin. "Basta Ate Dess, pasalubong ah... Atsaka mag-ingat kayo."


"Salamat, April." sabi ko. Sabay-sabay kami kumain. Usually, ako ang nauunang kumakain tapos darating si April at tapos aalis na ako para magtrabaho.


Nang matapos na kaming kumain, nagpunta na ako sa kwarto ko habang nasa baba si Chen at nanunuod ng T.V. samantalang si April nasa kwarto na at nagpapahinga. Tinawagan ko din yung mga kaibigan nya na dito na lang sila mamayang gabi at baka gabihin ako ng uwi. Para naman may kasama siya. Pumili ako ng sususotin at bumaba na. Ayokong nag-iintay siya. Kaya ayun.


Inalalayan nya akong pumasok sa kotse nya at nagdrive siya.


"Matulog ka muna. Mahaba ang biyahe papunta doon." sabi niya sa akin. Nakatingin lang ako sa bintana ng koste nya. Hanggang sa bumigat ang mata ko at nakatulog.


Chen POV


Buti na lang nakapagpaalam kami kay April. Sabi kasi ni Desiree sa akin takot daw siya mag-isa. Kaya nagpaalam muna ako ng maayos sa kanya alam ko naman na hindi pa nakakapagpaalam si Desiree kay April dahil na rin siguro maraming ginagawa si Desiree.

Got To Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon