AN: Hi *kaway sabay wink* nais ko lamang po humingi ng tulong. Paki vote, comment and share nyo na rin po itong story. Pls. Thanks.
-----------
Its been a week simula nung malaman ko yung something fishy with my bestfriend and my ex. At ito ako ngayon hindi maka-move on sa mga nabasa ko nun.
"Akin ka lang ah"
"Tayo lang ah"
"Sayo lang ako ah"
Leche Flan na forever na yan. Pili-pili lang pinupuntahan.
I know that the right time will come and i will be strong again to move on.
Pero may malaking bakit eh.
Bakit di man lang nya sinabi sa akin yun?
Bakit kailanagan kong maranasan pa?
Alam ko ex nya nalang ako pero hindi nya man lang ba na-realize na pwede akong masaktan sa ginawa nya?
Bakit bestfriend ko pa?
Alam kong napaka-cliché nung mga nangyayari. Leche kasing pag-ibig to eh. Bakit hindi nalang kasi magka-tuluyan lahat ng paasa? Then lahat naman ng loyal para maganda ang result.
Ganun ata talaga. Pag nasaktan ka nag iiba ka ng ugali.
Ni mismong buhok papatulan mo.
For almost 3 years namin na relation tapos pag move on ng mga 2 years.
Yes. Since 3rd year high school kami na tapos nag break kami dahil sa hindi ko malamang dahilan.
Siguro ganun nga ata talaga. Pag nasaktan ka tila unlimited na ang salitang sakit.
"Hi Bestie" masayang bati sa akin ni Trishia.
Hindi ko nga din alam kung na nanadya lang sya eh.
Alam ko na alam nya na mayroon sa amin dati. Sya ang diary ko sa tuwing may something na hindi namin pagkaka-unawaan.
Pero bakit?
Bakit Bestfriend ko pa?
"Hi" malumanay kong sabi.
"Ah. Wala naman tayong problema diba?" she said with her eyes not taking off on me.
This is what you called AWKWARD.
"Wala naman" syempre ayaw ko naman isabi kasi wala naman akong karapatan na pagbawalan sila.
Ex nya na lang ako.
Malaking EX.
Nakaka panibago lang. Yung dating sumpaan nyo ng salitang forever eh bigla nalang nawala.
"Omg thank you. Akala ko kasi may problema tayong dalawa" masayang sabi nya.
Kahit naman ganun na ang nangyari mahal ko pa rin naman ang bestfriend ko.
"Saan mo naman nakuha yang information na galit ako sayo? Aber?" I said while smiling at her. Gusto ko lang talaga maging katulad ng dati.
"Instinct" mabilis nyang sagot.
Napatawa na lang ako. Kilalang kilala ko na talaga ang bestfriend ko.
Pag mabilis sya sumagot nagsasabi sya ng totoo.
Pero pag nag isip pa sya at hindi sya maka-tingin directly sa mata ko, then hindi sya nagsasabi ng totoo.
And i can say na shes telling the truth.
"Ano ka ba? Btw next-next week na nga pala ang mid-terms natin diba?"
Nandito kami ngayon sa stairs nag rereview. Parehas kasi kami vacant ngayon.
"Oo. Ang hirap nga ng Statistics" sabi nya na parang ayaw na ayaw nya sa math pero ang totoo Education ang kinukuha nya tapos major in Math pa.
"Hahaha ano ba kasi nakain mo at numbers ang lumabas sa utak mo nung mag eenroll ka?" Di ko rin kasi gets 'tong babae na to.
"Ano ka ba Bestie, mas madali sa akin ang makipag-usap thru numbers kaysa sa letters"
Sabagay. May point naman sya.
Pero mas madali din sa akin ang mag move on kung wala yung leche flan na lalaking yun.
Ganito ba talaga pag nasaktan?
Hugot? Hinaing kahit nga mga Litanya mo nagagawang makabuluhan.
Yung dating mundo mo, ngayon isa nalang sa stars na umiikot sayo.
"Bestie..." Sabi ko sa kanya "may gusto ka ba kay Josh?"
Napatingin naman sya sa akin.
"Bestie kaibigan mo ako at alam ko nararamdaman mo. I know you whether you're happy, sad, or even if you're hiding something from me pero kung masasaktan ka, sige hindi ko nalang sya iintindihin." sabi nya ng naka tingin sa mata ko.
Bigla naman ako napa isip tama ba na pag bawalan ko sila?
"Sorry Bestie ah" i said while trying not to cry. My bestfriend never failed to make me happy.
"Bestie ang puso para yang iphone. Iphone na madaling malowbat. Pero pag chinarge mo hindi din ganun ka bilis. Bigyan mo muna ng time bago mo gamitin uli. Tandaan mo bes na mas safe na gamitin ulit ang iphone pag tapos na mag charge."
"Bestie saan mo nakuha yan?"
Yun nalang nasabi ko. Ang lalim kasi eh. I need a shovel. Pero parang yun na nga yun.
"Bestie sa psychology yan." Sabay tawa nya.
Ay ngek. Akala ko pa man din sa kanya galing *literal na facepalm*
"Sige na bestie papasok na ako sa next subject ko. Strict si prof eh" sabay kuha nya ng gamit nya and umalis na.
Naiwan naman akong nag iisa dun.
*beep*
Nagulat ako ng biglang may nag text.
From: 0919XXXXXXX
"Sorry ah."
Sino 'to? Baka wrong number lang. Hindi ko nalang inintindi.
*beep*
Bigla ulit nag text kaya na curious na ako.
"Josh nga pala. Baka dinelete mo na number ko eh"
Wait. Si Josh Marquez? Ano 'to?
--------
A/N: hi. Sorry late. Nadelete kasi yung isa kong draft kaya ayan na. Inulit ko nalang sya. Isang chapter nalang naman ata ang kulang dito. Hope you guys enjoy it.
Comment guys and vote na din. Pls.
-bluexden

BINABASA MO ANG
Summer Love (Short Story)
Cerita PendekSo this is my first story. Yeah I dont want those cliché stories but its just that I'm inspired right now. Naks. Hahahaha hope you guys like it. Its about love...love...love. Pero letche Flan. Hindi pa rin ako naniniwala sa forever. Hahahaha -bluex...