KABANATA 11

18.3K 420 45
                                    

To End the Inveigle Rhythm
written by : riyanisity


Mabigat ang mga talukap ng mata ko habang hinandaan si Asha ng agahan. Ramdam ko rin ang konting kirot sa ulo ko at pagod ng katawan ko dahil sa kakulangan sa tulog.

After she fell asleep last night, they immediately dragged me to the living room. Pinalibutan nila ako at binomba ng tanong tungkol sa'min ni Asher. They made me stay up until midnight just to squeeze out the tiniest details of what happened to the both of us — after we met each other again. I have no choice.

Well... It's not that I'm pressured or what. And I understand why they did that in the first place. Ilang taon ba naman akong nawala... I'm sure up until now they're scared of it. Baka nga sinisisi nila ang mga sarili nila dahil wala sila sa tabi ko nang mga panahong pinagbubuntis ko si Asha.

I scrunch my nose when I feel my nose getting runny and cold. "Oh, God..." I mumbled after sneezing.

Being a mother really puts you in a situation where you sometimes neglect yourself. Wala akong sapat na oras para sa sarili ko, dahil kailangan kong unahin si Asha palagi. Kaya nang tulog na siya at wala na sila Ais sa bahay, doon palang ako nakapag-isip.

I let out a sigh.

Hindi ko na alam kung anong magiging takbo ng buhay naming dalawa ngayon...

Up until that time, I was never that concerned about him — us. Pero nang ako nalang ang mag-isa, doon ako hindi nilubayan ng mga tanong na hindi ko rin masagot sa sarili ko.

Hindi ko alam kung dapat ko na bang ipaalam sakanya. Kung pwede na ba... Kung ayos na ba... Those hours passed like flashing thunder. It felt so fast that it almost turned into a second.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ni Asha kapag nalaman niyang nakita ko na ulit ang papa niya. I'm scared that she will loathe me when the time comes.

Sa sobrang pagkalunod ko sa iniisip ko, hindi ko na nalaman kung anong oras ako nawala sa ulirat. Kusa akong nakatulog at gumising na parang umidlip lang. It was a dawn full of mixed emotions, with me, all alone, bearing them.

Ngumiwi ako ng sumakit ang lalamunan ko. I coughed forcefully. "Good job, Ivy." Umubo ulit ako matapos sabihin 'yon sa sarili ko. "Magkakasakit ka pa ata."

I sighed before putting my back hand on my forehead — checking my own temperature.

"What are you doing, Mommy?"

My eyes blinked as I looked at my daughter when I heard her voice. Naglakad siya papalapit sa'kin at yumakap sa mga hita ko.

She looked up at me. "Does your head hurt po?" She asked, still sleepy: her eyes were almost close to shutting.

I smiled at her and shook my head. Yumuko ako at binuhat siya.

Kaagad niya namang pinaikot ang kanang kamay niya sa leeg ko at humikab. "Inaantok pa po ako." She said while rubbing her eyes with her other hand.

I kissed both of her cheeks. "But you have a class."

She pouted and yawned again.

Kinuha ko ang plato na may bacons at sunny side up sa counter bago maglakad papalapit sa lamesa at nilapag 'yon do'n — katabi ng ibang pagkain. Matapos no'n ay pinaupo ko si Asha sa upuan at sinandukan habang patuloy pa rin ang paghikab niya.

Sinuklay ko ang buhok niya — inaayos ang mga konting nabuhol dahil sa pagiging malikot niya kapag natutulog. "Kain na, Asha."

Walang buhay niyang hinawakan ang kutsara at tinidor, "Thank you for the food, Mommy." she whispered lowly.

TO END THE INVEIGLE RHYTHM '. ruler of fate series l second bookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon