CHAPTER V: HAPPY FOR YOU

259 99 67
                                    

🍯🍯🍯

Ilang araw pa ang lumipas pero wala pa ring nagbago sa panahon. Ganoon pa din at para bang mas lalo lang lumalamig at kumakapal ang nyebe.

Malapit na rin ang pasko, ilang araw na lang ang bibilangin ay sasapit na iyon. Abala na nga ang lahat sa pag-aasikaso sa loob ng mansyon akala mo'y magkakaroon kame ng maraming bisita at kinailangan pa nilang ayusin lahat.

"Kuya ba't ba nandyan ka na naman sa may bintana mo?" Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Harry na nakatayo sa may pinto ng kwarto ko.

"Ano pa bang dinadrama mo dyan? Kasama mo na ang damsel in distress mong prinsesa ba't parang ang drama mo pa din?" Dagdag niya pa.

Lumapit ako at binatukan ko siya ng malakas. "Aray naman!" Hiyaw niya.

"Loko ka, ako na naman ang nakita mo."

"E kase para kang tanga d’yan e, nandoon sa baba si Janella kasama sila Honey tapos nandito ka nag-iisa."

"Kasama na naman niya sila honey?"

"Yeah brother, mukhang close na siya kanila Hannah. Ayiee!" Pang-aasar niya.

"Magkaibigan lang kami."

Nagkibit-balikat siya. "Sige sabi mo e." Sumaltak lang ako saka naglakad pababa sa sala, pagdating doon ay nakita ko si Emerald na kasama nga sila Hannah.

Simula ng dalhin ko ulit siya dito ay naging malapit siya sa dalawa kong kapatid na babae, maging si grandma ay natutuwa sa kanya samantalang naaaliw naman sa kanya si grandpa dahil sa dami ng nalalaman niya.

Ilang araw lang ang lumipas pero ni hindi siya nahirapang pakisamahan ang buong pamilya ko.

"Oh nand’yan ka pala Handrex." Puna ni Hannah.

"Obviously, anong ginagawa niyo?" Tanong ko saka naupo sa bakanteng silya.

"Naglalaro kame nitong monopoly na binili ni gramps kahapon." Sagot ni Emerald.

Nagpatuloy sila sa paglalaro at nanatili lang akong nakamasid sa kanila.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan siya.

Napakalayo na ng itsura niya sa kung ano iyon noong una ko siyang nakilala.

Hindi na parang pugad ng ibon ang buhok niya, maayos na iyon at halatang nasusuklay na ng maayos.

Hindi na rin magulo ang itsura niya at puro dumi o alikabok, hindi na din punit, gusot o may mantsa ang damit niya. Ang ayos at linis na niyang tingnan.

Which is mas better kesa sa madungis na itsura niya dahil kitang-kita na kung gaano siya kaganda talaga.

Sumandal ako sa backrest ng silya saka pinagkrus ang mga braso ko.

Habang pinagmamasdan ko siyang kumportableng nakikipaglaro sa mga kapatid ko, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng saya.

Masaya akong malapit na siya sa pamilya ko, hindi lamang iyon kundi nasisiyahan din akong makitang palagi siyang nakangiti na para bang napakasaya niya.

"Kung snow si Janella baka natunaw na ‘yan dahil sa titig mo." Napabaling ako sa gilid ko at nakita ko si Grandpa na nakaupo na sa katabi kong silya.

"Nanonood lang ako sa kanila."

"In denial again and again." Naiiling na sabi ni Gramps.

Hindi na lang ako umimik dahil hindi din naman matatapos ang pang-aasar at pang-iissue nila sa amin, wala naman akong pakealam dahil ang concern ko lang naman ay ‘yong masigurong ayos si Emerald, nothing more nothing less.

HappinessWhere stories live. Discover now