CHAPTER XVI: SUITOR

142 76 0
                                    


🍯🍯🍯

"HANDREX!" napapitlag ako ng marinig iyon, muntikan pang malaglag ang hawak-hawak kong mga libro.

"Mr. Salvador, please quite!" Sita ng librarian. Nilingon ko iyon at nakita ko si Jam na nagkukumahog palapit sa akin, pagkalapit niya ay hinihingal siyang naupo sa silya.

"M-may kailangan kang m-malaman." Putol-putol na sabi niya dahil sa paghahabol ng hininga.

"Ano?"

"Iyong kaibigan mong Carlos ang pangalan pinopormahan si Jane!" Sabi niya.

"Tapos?" Bored na tanong ko saka inilapag na sa mesa ang mga libro, naupo ako sa silyang katapat niya saka nagsimulang magbuklat.

Nagsalubong ang kilay niya. "Anong tapos-tapos ka d'yan! Hindi ka man lang ba kikilos? Mauupo ka na lang d'yan?"

"What do you want me to do? Pilipitin ko ang leeg ni Carlos sa galit?"

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako. "For fucking sake kapatid ko 'yong pinag-uusapan natin Handrex! Si Jane na matagal mong inintay bumalik, ang Emerald ng buhay mo!"

"Shut the fuck up."

"You are unbelievable."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Do you want me to go there and drag him to hell?"

Napahawak na lang siya sa sintido. "Napaka-hopeless mo, hindi ko ine-expect na ganyan ka katorpe bro."

"Jam, there's no good if I'll go there and declare a contest or any shit. I don't have any plans in my pocket to compete with such jerk."

"Then what's your plan?"

Sumandal ako saka inilapag ang binabasa. "Wala, wala akong kahit anong plano."

Bahagyang nalaglag ang panga niya. "Hahayaan mong pumorma si Carlos?"

"Yeah?"

"Bakit? Masasaktan lang sa babaerong 'yon ang kapatid ko!"

"Let her be, hindi siya matututo kung hindi niya mararanasan ang mga bagay-bagay. Kaya ikaw, manahimik ka na at hayaan mo siya."

"Paano kung magkatuluyan sila?"

Napapalatak ako. "Then congrats sa kanila."

"Minsan hindi ko na maintindihan ang takbo ng utak mo."

"Hindi mo maiintindihan kasi hindi ikaw, ako."

"Ang duwag mo, hindi mo man lang ipaglalaban ang kapatid ko. Gusto kitang itakwil bigla bro."

"Siya ang nagsabing pabayaan ko siya."

"Huh?"

"Kung anong gusto niya, 'yon ang masusunod." Ibinalik ko na ang atensyon sa binabasa, wala namang kwenta kung ipaliliwanag ko pa sa kanya. Tapos na, wala ng dapat pang-ipaliwanag. Hindi ko na din naman gustong ipaliwanag pa, pakiramdam ko ay kumikirot lang ang puso ko dahil doon.

Noong nakaraang linggo ko pa alam na pinopormahan ni Carlos si Jane, sinabi iyon ni Lorenzo matapos niyang kumpirmahin sa akin na ginagamit ni Jane ‘yong ginawa kong academic notes na para rito, hindi kasi siya makapagsulat dahil nagkaroon siya ng injury sapagkat ang magaling na babae ay nakipag-away na naman. Syempre anonymous iyon, hindi ko naman pwedeng ipaalam na galing iyon sa akin. Sa tulong din ni Lorenzo ay nakakapagbigay ako sa kanya ng handwritten letters na inilalagay naman ng pasimple ng lalake sa locker ni Jane kagaya no’ng academic notes.

Matapos kong malaman mula kay Lorenzo ang pagporma ni Carlos kay Jane ay hindi ko na napigilan ang sarili na puntahan siya mismo, sinadya ko siya noong uwian nila para kausapin. Nag-aalala lang naman ako dahil kagaya ng sinabi ni Jam ay baka masaktan lamang sya sa babaero kong kaibigan, ni hindi ko na nga naisip pa ang tungkol sa sarili ko at nasabi ko pa mismo na ayos lang sana kung si Erick na lang, iyon ‘yong kaibigan niya na minsan na niyang nagustuhan ngunit sa kabila ng pag-aalala ko para sa kanya ay sampal ang nakuha kong kapalit no’n.

HappinessWhere stories live. Discover now