CHAPTER III: HERE TO HELP YOU

286 105 75
                                    


🍯🍯🍯

Nang sumunod na araw ay saka lamang siya nagising, sabi nila mommy ay natural lamang daw ang ganoon lalo na't mukha itong pagod at kulang sa lakas dagdag pa na nasaktan ito kaya't kinailangan ng katawan niya na magpahinga.

Nasa kwarto ako ng sandaling magising siya at nalaman ko lamang no’ng ipatawag ako nila mommy, kagigising ko lamang noon at hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng sarili. Nakasuot pa ng pajama at magulo pa ang buhok ko ng makarating ako sa silid kung nasaan siya.

"What happen?" Bungad na tanong ko pagkabukas ko ng pinto dahil hindi naman sinabi ng maid kung anong nangyari basta pinatatawag daw ako at tungkol iyon kay Janella.

"She's now awake son." Sagot ni Mommy saka iminuwestra siya. Tiningnan ko ang sinasabi ni Mommy at nakita ko siyang nakaupo na sa kama habang kausap si Grandma.

"Oh, here you are!" Anunsyong puna ni Grandma ng makita ako. Tumayo na siya saka sinenyasan sila Mommy.

"Mabuti pa ay maiwan na muna namin kayo, ipahahatid na lang namin dito ang breakfast niyo." Paalam ni Grandma saka lumabas na kasama ang lahat at naiwan kaming dalwa, agad ko siyang nilapitan ng mawala sila.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?" Nag-aalala pa ring tanong ko pero hindi siya umimik.

"Hey,” pukaw ko sa atensyon niya. “You okay?"

Tiningnan niya ako. "H-hindi ba ano,” nagbaba siya ng tingin, “…ano…sabi ko huwag mo na akong tutulungan?"

Napasaltak ako. "Do I look like I'm scared on them?"

"Pero kase,” mahinang katwiran niya.

"Oh shut the fuck up." Iritang sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Handrex!" Sigaw niya.

"Don't shout, baka bumuka ‘yong tahi mo." Saway ko.

Nalukot ang mukha niya. "Ansama mo."

"My mouth is, but my heart isn't." Seryosong sabi ko.

"Yeah right." Sang-ayon niya saka umirap.

"So, okay ka na ba?"

Nagkibit-balikat siya. "Medyo."

"Medyo?"

"Yeah,” tumango siya. “Masakit pa din e pero ayos na ko kaya ko na, pwede na kong bumalik sa dapat kong-""

"-Hey, stop that." Agap na saway ko dahil nagsisimula na naman siya sa sentimyento niya.

"Stop what?" Taas ang kilay na tanong niya.

"That…” iminuwestra ko siya, “….sentiment of yours."

"I'm not doing some sentiments,” tiningnan niya ako ng masama. “I'm saying the fuck–este the fact!" Sumimangot siya. "Nahahawa na ko sayo pisti ka." Inis na paninisi niya.

"Tsk, teka d'yan ka lang ipahahanda ko lang ‘yong breakfast."

"Oyy,” pigil niya na hinawakan pa ang braso ko dahilan para muntik akong malaglag sa kama dahil patayo na ako. “Huwag na."

Kumunot ang noo ko. "Anong ‘wag na?"

"Huwag na,” umiling siya. “Nakakahiya na kasi, ginamot niyo na nga ako tapos pakakainin pa, nakakahiya na."

Sumaltak ako. "Saka ka na mahiya pagnaka-recover ka na." Final na sabi ko saka tuluyang tumayo ng maayos at tinalikuran na siya, lumabas na ako ng kwarto dahil ‘di ko na maintay na magpadala si Grandma ng breakfast, naiinip ako sa tagal.

HappinessWhere stories live. Discover now