CHAPTER XXXVI: THOUGHTS

77 28 0
                                    

🍯🍯🍯

"H-hi," agad akong napalingon sa hospital bed ng marinig iyon, nanlaki ang mga mata ko ng makitang gising na siya.

Hindi ako nakaimik habang nakatingin sa kanya, pakiramdam ko parang may kung anong humaplos sa puso ko at sa isang iglap ay namalayan ko na lamang na tumulo na ang luha ko habang pinagmamasdan siya.

Dahan-dahang iniabot niya ang kamay sa akin dahilan para agad kong bitawan ang hawak ko at tanggapin iyon, agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "J-jane," umiiyak na sambit ko at para bang mas lalo akong naiyak ng maramdaman ang pagyakap niya, isang linggo, iyon ang bilang ng mga araw na lumipas bago siya nagising ngunit pakiramdam ko para bang isang taon ang lumipas bago siya nagkamalay.

Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ang mga mata ko bago pinindot ang botton sa uluhan niya para tawagin ang doctor, ilang sandali lang ang lumipas at dumating iyon para i-check siya kaya naman gumilid ako at hinayaan sila. Pagkatapos ay agad din naman itong umalis para hayaan kaming makapag-usap ni Jane dahil iyon ang hiniling ko noong nakaraang araw, ang hayaang ako ang magsabi ng kalagayan niya.

Muli akong naupo sa gilid niya, ngumiti siya saka nag-open arms habang nakatingin sa akin. Agad akong lumapit at niyakap siya, narinig ko pa ang marahang pagtawa niya bago ako niyakap din. "Na-miss mo ko?" Mahinang tanong niya, animo'y wala pang masyadong lakas upang magsalita.

Tumango lang ako na muling ikinatawa niya. "Isang linggo din 'yon, Jane."

"Oh, edi naramdaman mo rin kung gaano mo ko tinakot noon."

"Kung gaganti ka lang," bahagya akong humiwalay sa kanya. "Pwede mo naman akong alipinin na lang, hindi ako aangal. Huwag lang 'yong ganito Jane, nakakabaliw."

Napalabi siya. "Hindi naman ako gumaganti,"

"Mabuti na nga lang at hindi, dahil kung oo baka-"

"-baka ano?" Tanong niya at tinaasan pa ako ng kilay.

Umiling ako. "Baka gusto mong kumain? Hindi ka ba nagugutom?"

Natatawang pinisil niya ang pisngi ko. "Parang hindi ko pa ata kayang kumain ng heavy meals, pwedeng lugaw?"

"Of course," umayos ako ng upo saka tumayo at inasikaso ang gusto niya. Mabuti na lamang at naisipan kong magluto ng lugaw kaninang umaga bago bumalik dito, tuwing umaga kasi ay ibinibilin ko siya sa nurse upang saglit na umuwi para magluto ng makakain.

Pagkatapos maihanda ang lugaw ay bumalik ako sa tabi niya saka inalalayan siyang kumain.

"Salamat," sambit niya ng matapos at makainom na siya ng tubig, bahagya siyang sumimangot. "Wala ba kong panlasa o sadyang walang lasa?"

"Wala talagang lasa, hindi ka pa pwedeng kumain ng malasang pagkain."

Napa-pout siya. "Akala ko naman pumangit na ang luto mo," pangungulit niya na hindi ko pinatulan. "Nga pala, anong sabi ng doctor? Makakalabas na ba ako?"

Hindi ako nakaimik, ilang araw ko ng iniisip kung paano sasabihin sa kanya at hanggang ngayon wala pa rin akong naiisip na magandang paraan marahil ang ganitong mga bagay ay hindi talaga maaaring paghandaan.

"Can you promise me?"

Napakunot ang noo niya ng marinig iyon. "Why do I have to?"

"You have to promise me na wala kang gagawing kahit anong ikasasama mo after mong marinig ang mga sasabihin ko."

Tiningnan niya akong maigi. "May problema ba?"

Napabuntonghininga ako. "Jane," marahang hinawakan ko ang kamay niya. "Sabi ng doctor, nagkaroon ka ng Tibia-fibula Fracture dahil sa aksidente kaya ka rin naoperahan."

HappinessWhere stories live. Discover now