Author's Note:
Hi! This will be the last chapter of this story here on wattpad. Pero kung gusto niyo basahin ang kompletong story ni Hunter at Heaven, maaari kayong pumunta sa account ko sa Dreame (@heyembee) just follow my account and add this story in your library. Same title din. It's all free.
Thank so much for reading all of my stories.
❤HEYEMBEE❤
***
Nakatayo si Hunter sa gilid ng pinto habang pinapanuod si Heaven na nakayuko at mukhang nagpu-punas ng kanyang mukha. Heaven don't have any idea how he badly wanted to kiss and wipe those tears away, na alam niyang siya ang dahilan. How he badly wanted to hug her. But he knows he can't, he just can't and he knew that this is his choice.
"Hunt." Pagtawag sa kanya ni Dani, ang manager ng banda nila.
"May susunod pa ba tayong gagawin?" Tanong niya dito at tumalikod na sa pinto para harapin ang manager niya.
"Wala na, why?" Tanong nito.
"Good. May pupuntahan lang ako." Anito at hindi na inantay na sumagot ang manager. Mabilis siyang nakababa sa building sa tulong na rin ng mga bouncer na nasa labas ng classroom. Nagpahatid siya sa driver nila sa bahay ng H2B at dumiretso sa garahe. Kinuha niya ang susi ng kanyang silver na audi sa marble table at pinatunog iyon. Nagsuot muna siya ng hoodie jacket saka sumakay ng sasakyan at agad pinasibad.
Bago umuwi nila Aki at Heaven ay naisipan muna nilang dumaan sa grocery store para bumili ng stocks nila at para na rin sa lulutuin ni Heaven na pasta para sa mga anak dahil for them, wednesday is their pasta day!
Naisip ni Heaven na piliin ang araw na wednesday para kapag lumaki na ang mga anak at maging abala na sa kanya-kanyang buhay ay wala itong dahilan na hindi kumain ng pasta every wednesday at makisalo sa kanila.
Napangiti na lang si Heaven sa naisip.
Pinili ni Heaven ang magluto ng carbonara dahil favorite ng mga anak niya ang mushroom, kahit na alam niyang puwede naman maglagay ng mushroom sa spaghetti ay iyon parin ang kinuha niya. Akiko told her a while ago na nagke-crave ang kaibigan sa white sauce.
Nang makompleto niya ang ingredients ay pumila na siya sa counter habang si Aki ay namimili pa ng toiletries.
"Okay ka na?" Tanong niya dito. Tumango si Aki at pinakita ang basket nito na may laman kaya napatango rin siya.
They are heading now sa mansion ng mga Andrade nang tumunog ang phone ni Akiko.
"Hello?" Anito habang si Heaven ay tahimik lang na nagda-drive.
"What?!" Malakas na sabi ni Akiko na nagpalingon kay Heaven at napakunot ang noo. Agad naman binaba ni Aki ang phone niya at hindi mapakali na patingin-tingin sa labas.
"Why Aki?" Tanong niya.
"Hurry up, Heaven! Kailangan na natin makauwi agad!" Sabi pa nito at hindi pa rin mapakali. Bigla naman kinabahan si Heaven kaya dinoble niya ang pagpapatakbo kaya madali silang nakarating.
Nagmadali sila sa pababa at hindi na nag-abala na i-park ang sasakyan at agad pumasok sa malaking gate.
"Neil? Ovin?" Pagtawag niya sa mga anak hanggang sa makapasok sa main door at mapatigil dahil sa nakita.
Nang makabawi ay agad siyang lumapit sa kambal at hinawakan ito sa mga kamay.
"What are you doing here, Hunter?" Takhang tanong niya. Saktong pagpasok ni Akiko kasama pa ang apat na miyembro ng H2B.
BINABASA MO ANG
The Promise (H2B Series #1)
RomanceHunter and Heaven promised to love each other, forever. But how can they fulfill their promises if Hunter is busy pursuing his dreams? Dala ng kapusukan, maagang nabuntis ni Hunter si Heaven. Kapwa menor de edad pa lamang ang dalawa at wala pang kam...
