Author's Note:
The completed version of this story will no longer available here on wattpad. But you can still read the completed story on Dreame, just follow my account @heyembee and add the story on your library by clicking the ❤ (heart) button.
Thank you so much for reading this story.
❤HEYEMBEE❤
***
Sabi nila, ang buhay ay parang isang pelikula, may mga bida at kontrabida, maraming problema at pagsubok ngunit katulad ng ibang pelikula, may happy ending din ito at makakamit din ng bida ang kasiyahan na matagal niyang hinahangad.
Hindi mag-kan-da-ugaga si Heaven sa pag-aayos sa kanyang sarili nang marinig ang sabay na pag-palahaw ng mga anak sina Mirconeil at Mircovin. Dinig na dinig niya ito kahit na nasa kanyang kwarto siya habang nasa living room naman sa ibaba ang dalawa. Ilang sandal pa ay narinig na niya ang mabibigat na yabag ng mga ito patungo sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya at tinapos ang pag-lalagay ng compact powder sa mukha.
"Mommy! Si Neil, Mommy!" Umiiyak na sabi ng limang taong gulang niyang anak. Agad siyang tumayo mula sa dresser at nilapitan ito, umupo siya ka-pantay nito at pinahid ang mga chocolates smudge na nasa pisngi nito gamit ang mga palad niya.
"What's wrong, Ovin?" Malambing na tanong niya.
"Si Neil, Mommy! Nitapon niya 'yong chocolate na sabaw sa mukha kasi ayaw ko siyang bigyan!" Lalong lumakas ang iyak nito kaya napa-iling na lamang siya. Agad niyang hinubad ang damit nito, kasabay nang pagsulpot ng isa niya pang anak sa harapan niya.
"What's wrong?" Baling naman niya dito, ngunit hindi katulad ng isa niyang anak, wala itong dumi sa mukha o kahit na ano, puno lang ng luha ang mga pisngi nito.
"Si Ovin, Mommy!" Sumbong naman nito sabay baling sa kakambal at tinignan ito ng masama.
Muli siyang huminga ng malalim. Hinawakan niya ang mga kamay ng mga ito at dinala sa bathroom ng kwarto niya. Muli niyang pinaliguan ang dalawa, at dahil likas sa mga ito ang pagiging makulit ay natagalan sila bago matapos at nabasa pa ang damit niya. Inuna niya munang bihisan ang dalawa ng uniform nito sa pre-school saka tinawag ang kasambahay nila. Bumalik siya sakanyang kwarto at nagbihis muli. Itinuloy niya ang pag-aayos ng sarili at nang makontento ay lumabas na siya ng kwarto niya at bumaba sa dining area kung saan niya nakita na kumakain na ang mga anak. Agad siyang lumapit at naupo katapat ng mga ito at mabilis na inasikaso.
"Today is your first day of school, kaya dapat ay behave kayo at hindi na dapat mag-away pa. You two are big boys, now. Dapat ay hindi ako makarinig ng complaint or anything about your behaviours mula kay Teacher niyo, or else, i-pupunta ko kayo sa States with Papa. Alright? " Nakita niya ang sabay na pag-tango ng kambal sa sinabi niya na lihim niyang i-kina-ngiti. Nakagat niya ang ibabang labi at uminom ng fresh squeezed orange juice. Nasa gano'on silang tagpo nang pumasok sa dining area si Akiko, ang bestfriend forever ni Heaven.
"Ninang Aki!" Sabay na sigaw ng kambal at akmang bababa mula sa kinauupuan nang tumikhim si Heaven, mabilis naman umayos ng upo ang kambal at muling humarap sa pagkain. Narinig niya ang mahinang tawa ni Akiko at naupo sa tabi niya.
"Ang hard mo bessy sa mga inaanak ko." Komento nito sabay baling sa kambal ng nakangiti. Heaven rolled her eyes to Akiko, at bumaling sa mga anak.
"TAKE CARE SWEETIES. Behave, okay?"
"Yes Mommy." Magkasabay na sagot ng mga ito na i-kina-lapad ng ngiti niya. Isa-isa niyang hinalikan sa pisngi ang kambal saka tinulungan na makasakay sa likod ng school bus. Pinanuod niya ang papalayong bus at nang mawala na sa paningin niya ay muli siyang pumasok sa loob ng bahay at doon naabutan si Akiko na nakaupo sa sofa habang hawak ang gold necklace nito na hindi niya nakitang sinuot nito kahit kailan.
![](https://img.wattpad.com/cover/23063656-288-k795737.jpg)
BINABASA MO ANG
The Promise (H2B Series #1)
RomanceHunter and Heaven promised to love each other, forever. But how can they fulfill their promises if Hunter is busy pursuing his dreams? Dala ng kapusukan, maagang nabuntis ni Hunter si Heaven. Kapwa menor de edad pa lamang ang dalawa at wala pang kam...