"Anak, pumasok na at baka maabutan ka ng ulan!" tawag ni Mama sa akin.
"Opo, Ma," sagot ko naman.
At dahil makulimlim ang panahon, di kami pwedeng maglaro sa kalsada. So, sa loob lang kami ng bahay sa araw na 'yun. Biglang may nilabas si Mama na bagong CD ng Disney --- ang Cinderella. At dahil medyo may kaya kami noon, nakakapanood kami ng mga movies sa bahay. Minsan maraming nakikinood, lalo na kapag Ghost Fighter at Dragon Ball na ang palabas. Pero sa ngayon, kami na muna ni Ate ang manonood.
Ito ang istorya ng unang beses na na-inlove ako, which can be summed in six words: "Na-inlove ako sa story ni Cinderella."
Una pa lang panood ko sa Cinderella, pinangarap ko na kaagad na masuot yung gown niya. That glowing white satin dress na parang binuhusan ng wan melyon glitters. Pero deep within me, I know there's more to it than just the magic and the dress.
On the surface, masaya panoorin ang Cinderella. Nakakatuwa ang cartoons ---
andyan ang mga kanta,
ang mga dagang kumakanta at tinutulungan ni Cinderella,
ang magkapatid na sobrang taas ng bilib sa kagandahan nila at kung makapagdamit ng pambahay ay parang may lakad pero nung umattend ng ball nagdamit pambahay naman,
ang stepmother na hindi naman witch pero sobrang wicked ng dating na kapag nadidiliman ay parang multo,
yung duke na kung mataranta ay sobrang panicked talaga,
yung hari na sobrang excited magka-apo wala pa ngang asawa ang anak,
at ang prinsipe.
O, ang prinsipeng nagturo sa akin na mangarap din ako ng prinsipe ko,
at si Cinderella. Si Cinderella ang nagturo sa akin kung paano mangarap ng prinsipe.
Simula noong araw na yun, nagpaka-Cinderella na ako. Sa munting utak ko binuo ang pag-iisip na ako si Cinderella. Ang dalawang kapatid ko, si Panganay at si Bunso, ay ang stepsisters ko. Mahirap naman kung gawin kong wicked stepmother si Nanay noh? Pero sige, pwede na siguro. Hindi naman wicked si Mama, kaso sa aming tatlong magkakapatid, ako ang mas nakikita niyang maaasahan kaya sa akin inaasa ang mga dapat asahan. Si Papa ko ay ang tatay ni Cinderella. Syempre, yung mga daga, ibon, aso, at kabayo, sila ang mga friends ko. Yung pusa ng stepmother, e di yung mga kontrabida sa buhay ng friends ko. Sila na bahala mag-away-away. Kasi sa totoong buhay naman, walang consistent na kontrabida. May kokontra sa'yo pero hindi iisang tao lang. Marami at iba-iba sila.
Ang buhay ko ay parang buhay Cinderella, kaso nga lang, di ko pa naabot yung part na makikilala ko ang prinsipe ko at magiging instant prinsesa ako.
Pero noong bata ako, may first love na naman ako e, at isa siyang hari. Syempre, ang Papa ko. Ka-vibes ko siya sa lahat ng bagay.
Siya ang first date ko. Close kaming dalawa. Kapag nga mamamalengke siya para sa maliit na sari-sari store namin, lagi niya ako sinasama, kahit madaling araw yun. Tapos bago mamimili, date muna kami sa paborito naming hang-out -- sa kapehan. Dun ko sinabi sa sarili ko, kapag may boyfriend ako, dadalhin ko siya dito. Kung okay siya dito sa lugar kahit di naman ito prospect na "dating place", kapag hiyang siya sa lugar, siya na yun! Sa kapehan na yun, spoiled ako. Kung ano gusto ko, binibili ni Papa. Kung siya magkakape, ako naman magtso-tsokolate. Tapos may pasobra pa -- "puto maya". Yung malagkit na bigas na niluto, tapos kapag may galit ka sa puting asukal dun mo ibuhos bago kainin. Kahit paulit-ulit akong mag-request nun, laging "your wish is my command" si Papa. Syempre, maliit pa ako noon kaya maliit din ang kain, kaya naman ganyan ka-confident si Papa manglibre.
Pero darating din yun panahon na ang dates na yun may hangganan din. Lumaki ako at nagsimula nang mag-aral at dumating na rin ang kapatid kong bunso. Siya na ang bunso, kaya medyo nawala na din ang atensyon nila sa akin.
Si Mama, given nang nakatuon ang atensyan kay Ate, kasi siya yung may talento sa pagkanta. Si Mama ang resident coach niya. At dahil may bunso, doon naman nalipat ang atensyon ni Papa. Ako? Sa mga kapatid ni Mama at Papa kumukuha ng atensyon. Nakatira sila sa bahay, kasi pinapaaral sila ni Mama at Papa. At least, sila, di ako nakakalimutan.
At kagaya ni Cinderella, hindi naman talaga ako pansinin. May isang beses nga na walang nakakilala sa akin na anak din pala ako ni Mama at Papa. Di naman kasi ako famous noon sa kanila. Mahiyain ako pagdating sa mga bisita. Kaya napagkamalan ako minsang isa sa mga kapatid ng Mama ko.
Hindi naman sa sobrang kawawa ako noh. Nakikita din naman ako nila Mama at Papa. Supportive sila, lalo na sa pag-aaral namin, sa pagtuklas at pagpapalago ng talento namin. Basta anything para mag-excel kami. Pero pagdating sa pagiging anak, ganito lagi ang eksena:
"Anak, malapit na Christmas party niyo ah!" sabi ni Mama habang kumakain kami isang Sabado ng umaga.
"Opo, Ma," sagot naman ni Ate.
"O, anong gusto niyong damit na bibilhin natin?" follow-up question ni Mama.
Mabilis na sumagot si Ate habang nakain, "Ma, gusto ko yung mahabang damit na mabulaklak."
"O, bilhan din natin 'to si Bunso!" Sumingit si Papa sa usapan sabay tinanong ang kapatid na bunso, "Ano gusto mo, Bunso?"
Isang malaking ngiti ang pinakita ng bunso. Halatang super saya, kahit di naman naintindihan ang topic.
Tumahimik saglit habang subo lang ako ng subo.
Binasag ni Mama ang katahimikan at malumanay na nagtanong, "O ikaw, ano gusto mo damit?"
"Hmm?" Tumingin ako sa direksyon ni Mama. Nahiya ako sabihin yung gusto ko. Naisip ko, baka mahal na yung damit na sinabi ni Ate at yung bibilhin din nila para kay Bunso. Mapapagastos pa sila nang sobra, kaya sumagot ako ng, "Kahit ano na lang po," sabay subo ulit.
Don't get me wrong. Hindi lang talaga ako mapili.
Okay, choosy din naman ako kaso yung time na nag-shopping kami, may nagustuhan din naman akong damit. Kaso tinitingnan ko muna yunh presyo nun bago ko sinasabing gusto ko yun. Pag feeling ko mahal yung damit, sorry ka na lang. Echapwera ang beauty mo.
Gaya nung damit ni Cinderella bago siya i-transform ng fairy godmother niya, di ba tinahi lang niya yun? Sariling sikap and a little help from her little friends.
Yun nga din pala. Hindi ko nabanggit kung sino ang fairy godmother sa mala-Cinderellang buhay ko. Pero actually, who really knows? Kahit sino kasi pwede, or better yet, di ko pa alam talaga. Bata pa ako nun.
Pero dun na din pala nagsisimula ang unang pahina ng love story ko.
Siguro nga, everything starts with that first date with your special man. Kaso taken na siya (naunahan ka na ng mama mo), kaya the search is on for "the one."
Yung tipong kahit sa malayo pa, unang tingin mo pa lang, alam mo na. Alam mo nang gusto na siyang maging dance partner mo forever!
Wala kay Walt Disney ang happily-ever-after, kasi eto pa lang ang simula ng paghahanap!
Nasaan na nga ba si One True Love? Baka nasa third stop?
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Si One True Love?
EspiritualKung saan-saan mo na lang hinanap ang kaisa-isang nilalang na magpupuno sa lahat ng kawalan sa buhay mo. Saang lupalop ka na ng mundo naglibot matagpuan mo lang si The One? Ilang mapa na ang inexplore mo mahanap mo lang ang life's greatest treasure...