Si Mama at Papa.
Sa lahat ng nabuong loveteam sa mga nobela, telebisyon, at pelikula, wala pa ring tatalo sa #TeamMaPa. Tinalo pa nilang dalawa ang lahat ng loveteams na nabuo sa buong kasaysayan! Walang sinabi ang loveteam na Richard at Dawn dahil mas kilig pa sila sa John Lloyd at Bea, mas cheesy pa sa Team KimXian, mas magical pa sa Team KathNiel, at mas forever pa sa Team XagNes. At kahit dumami pa ang mga loveteams na mabubuo sa hinaharap, panalo pa rin sa puso ko ang TeamMaPa.
Una kong natunghayan ang chemistry nila noong musmos pa lang ako. Araw-araw hinahanda ni Mama ang hapag para sa almusal at pati na rin ang mga baon namin ---- kay Papa at sa aming dalawang magkapatid. Kasing tamis ng lambingan nila ang tamis ng pineapple juice na pinapabaon ni Mama sa amin. Pero kahit natigil ang pagbabaon ko ng pineapple juice dahil sa UTI, di pa rin mapigilan ang perfect chemistry nila Mama at Papa ko.
Bago kami magsiliparan sa kung saan kami pupunta (sa school o sa trabaho man), nakikita kong hinahalikan muna ni Papa si Mama bago umalis. At ako naman itong si KiligMuch na audience.
Episode 2 ng kanilang loveteam na kung saan natunghayan ko ang mga cheesy hirit ni Papa ay noong Mother's Day noong Grade 4 ako. Never ever ko yung makakalimutan dahil kasabwat ako sa pakulo ni Papa noon. Galing kami ng palengke at bago kami umuwi, sumaglit si Papa sa bagsakan...ng bulaklak, kung saan ang mga bulaklak ay mura na, fresh pa! Bumili si Papa ng isang bouquet ng mga unique na bulaklak. Di ko nga lang alam anong pangalan nun, basta sa tingin ko, sosyalin siya. Sabayan pa ng kaartehan ni Manang Flower Arranger. Voila! Bonggang-bonggang bouquet of flowers for my beautiful Mama! Pagkarating na pagkarating sa bahay, pasimpleng binigay ni Papa ang mga bulaklak kay Mama. Tahimik lang sana ang lahat ngunit kaming mga KiligMuches ay talaga namang maiingay. O ikaw nga? Pag kinikilig ka sa isang cute scene sa movie, nagrereact ka di ba? E paano pa kaya yang live na live na nakikita mo? Oh Em Gi. Kelegmats!
Sa sobrang kilig ko, inalagaan ko ang mga bulaklak ni Mama. Sabi nila, tatagal ang buhay ng mga bulaklak kapag kinakausap ito. Ako naman itong si malaking gullible, sinubukan ko. Nakita ko 'yun sa cartoon na Mojacko. Kung di ako nagkakamali, kinausap ni Pink Mojacko yung tinanim niya, ayun naging Jack and the Beanstalk ang sumunod na scene.
Ayoko rin kasing tinatapon lang ang bulaklak, lalo na't may sentimental value ito sa akin.
Noong una, kinantahan ko lang yung bulaklak. Nahiya naman ako sa mga tao sa bahay. Baka akalaing na-praning na ako. Noong tulog silang lahat, kinausap ko ang mga bulaklak.
"Alam nyo ba, mga flowers, pag kinakausap daw yung halaman, matagal itong mamatay. Totoo ba yun?"
Sumagot naman sila. Di ko nga lang marinig.
"Kaya kayo, huwag kayong mamatay ha?"
Sumagot ulit sila.
"Ang gaganda ni'yo talaga. Parang ako lang."
Kinabukasan, nalanta sila. Di ata kinaya ang sinabi ko o dahil di ko napalitan ng tubig?
Habang inuutusan ako ni Mama na itapon ang mga nalantang bulaklak, napag-isip ako. Kapag ako bibigyan ng bulaklak, hinding hindi ko ito itatapon. Iipit ko sa libro, kagaya ng ginagawa sa movies. Matagal nga lang yun. Or ipa-laminate ko na lang kaya?
Sino naman kaya ang magbibigay sa akin ng bulaklak? Sino kayang lalaki ang magpapakilig-much sa akin sa simpleng pagbigay niya ng bulaklak? Sino kaya ang maging ka-loveteam ko forever? Yung kagaya kay Mama at Papa na sobrang perfect!
Perfect. Ibang klase din ang love story ni Mama at Papa. Pang-nationwide na journey! Akalain mong ang taga-Luzon at ang taga-Visayas, pinagtagpo sa Mindanao? Oh, ihanda na ang kaban ng Heograpiya sa utak.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Si One True Love?
EspiritualKung saan-saan mo na lang hinanap ang kaisa-isang nilalang na magpupuno sa lahat ng kawalan sa buhay mo. Saang lupalop ka na ng mundo naglibot matagpuan mo lang si The One? Ilang mapa na ang inexplore mo mahanap mo lang ang life's greatest treasure...