Chapter Forty-six

924 27 1
                                    

Her Point of View.

"Alam mo pa pala ang daan pauwi?"

Bungad ko sa kaniya pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa bahay namin. I've been waiting for him to come home at ngayon niya lang yata naisip na umuwi. Pero imbes na sagutin ako kay dere-deretso lang siya papunta sa kwarto namin kaya sinundan ko siya. Ni tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa.

"Carriuz!"

Inunahan ko siya sa pagpasok sa kwarto at hinarangan ko siya papasok. Doon niya lang ako tinapunan ng tingin. Malamig ang mga naging tingin niya sakin.

"What?"

"What?! Iyon lang ang sasabihin mo?! Matapos mong ipagkalat ang babae mo?! What?!"

Hindi ko na napigil ang galit ko. Dumeretso siya sa pagpasok sa kwarto kaya napatabi ako. Marahas ko siyang hinawakan sa braso pero kaagad niya iyong iwinaksi.

"Don't..touch me."

Halata ang pagpipigil niya ng galit. Binuksan niya ang closet kung saan nakalagay ang mga damit niya at maging ang malaking maleta. Kinuha niya iyon at malakas na nilagay sa kama at isa-isa niyang kinuha ang mga damit niya.

"What are you doing? Aalis ka? Iiwan mo ako?!"

Hindi niya ako kinibo. Nanginginig ang buong katawan kong lumapit sa kaniya at pinagkukuha ang mga nilalagay niyang damit sa maleta. Marahas niyang hinaklit ang braso ko. I flinched dahil ramdam ko ang sakit nang pagkakahawak niya.

"Aww! Carriuz nasasaktan ako!"

"At masasaktan ka pa kapag hindi ka tumigil!"

"Bakit ka ba nagagalit sakin ha?! Ikaw na nga itong laman ng buong balita dahil sa pambababae mo! Tell me Carriuz! Sino ang babae mo?!"

Imbes na sagutin ako ay marahas niyang binitawan ang braso ko na napaupo ako sa gilid ng kama dahil sa lakas niya.

"Si Clariza Estebas ba ha?! Siya ba?!"

Nagpatuloy si Carriuz sa kaniyang ginagawa at isinara ang maleta nang mailagay niya na lahat ng mga gamit niya.

"You know you can't leave me, Carriuz."

"Fortunately, I can."

Hinarap ko siya.

"Why are you doing this to me?!"

Litong lito ako sa inaakto niya ngayon. Akala ko ba ay maayos na kami? Bakit.. ganito?
Nilampasan niya ako habang hila-hila niya ang maleta.

"Hindi mo makukuha ang mana mo kapag iniwan mo ako Carriuz!"

Pagbabanta ko sa kaniya. Tumigil siya at hinarap ako. Ang dating masayang mukha sa tuwing umuuwi siya ay napalitan na ngayon ng malamig at puno ng galit.

"Do you really think I care?"

"Hindi matutuwa ang mga magulang mo, Carriuz! Alam mo yan!"

"How sure are you, Akeisha?"

Hindi ako nakapagsalita. I've been calling her parents pero hindi nila sinasagot ang mga tawag ko at nang ginusto kong puntahan sila ay hindi ako pinahintulutan na makausap o makalapit sa kanila. Napalitan ng kaba ang nararamdaman ko. Bakit? Isinasantabi na ba nila ang kasunduan?

"I will never sign a divorce paper, Carriuz! Hinding-hindi! You are married to me and only to me!"

"Ikaw ang bahala, Akeisha. The only thing that matters to me right now is to get away from you and from this hell you put me in!"

Pagalit niyang sabi. I never thought this day would come.

"Carriuz.. please. Let's talk about this!"

"Sabing wag mo akong hawakan!"

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon