Epilogue

1.8K 42 15
                                    

Disclaimer: Medyo Long post ahead! HAHAHAHA

—————

Readers,

I started writing here in wattpad out of my boredom and suffering from depression. I was unemployed. Hindi ko inexpect na aabot ako ng 20k reads in just two or three months? I'm not sure. Hahaha :D

THE BILLIONAIRE'S MISTRESS has so many flaws. Hindi ganoon ka-consistent ang characters, hindi ganun katindi ang batuhan ng mga linya at.. nakukulangan talaga ako sa emosyon but still.. It didn't stopped me from writing. Kaya I was so thankful sa inyong mga nagbabasa at walang sawang nagbabasa kahit may mga chapters na ang lame or kulang ang emosyon.

I can't thank you enough but still.. I wanna say thank you for all the votes, positive comments and reads na binigay ninyo sakin. Mas ni-embrace ko ang pagsusulat dahil na rin sa magandang feedbacks ninyo. Thank you for inspiring me to write better and be better. Thank you for supporting me, silent reader ka man or not. Basta.. maraming salamat!

Sana.. magustuhan niyo ang ending na ito. :)

Love,

Jajangrayter

——————————
EPILOGUE

"Riza..?"

Muli kong pinikit ang aking mga mata at muli ring ibinukas ito. Napangiti ako nang masilayan ko ang kaniyang mukha na punong puno nang pag-aalala.

"Carriuz.."

"Thank god.. thank god you're awake."

"Where.. am I?"

"Nasa ospital ka. Tatlong.. tatlong araw kang walang malay after ng operasyon."

Kumunot ang noo ko. Operasyon? Why? Wait—what happened? Nakagat ko ang labi ko nang maalala ang nangyari. Binalak kong bumangon pero napangiwi ako nang maramdaman ang kirot sa kanang dibdib ko.

"Dahan dahan.. hindi pa gumagaling ang sugat mo."

"Carriuz.. Si Clariza..? Si.. Lianna?"

"Clariza is fine and healthy. Nandito siya kanina pero lumabas din."

"Eh.. si Lianna?"

"Nagpapagaling. Tulad mo naoperahan din siya. Maraming pulis ang nakabantay sa kaniya at hindi pa siya nagigising."

"Oohh.."

"Rizalyn?! Jusko.. Anak!"

Napatingin ako sa may pinto at nakita ko si Mama na ngayon ay nagsimula na sa pag-iyak. Lumapit siya sakin at kaagad akong niyakap nang mahigpit.

"Anak.. mabuti at gising ka na.. sobrang nag-aalala ako sayo.."

"Ma.. I'm already fine. Si Papa po?"

"Kasama ni Clariza. May binili lang.."

Tumango ako. Kumalas si Mama sa pagkakayakap at naupo sa gilid ng kama ko. Si Carriuz ay nakaupo sa gilid ko habang nakatingin lang sakin.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang sugat mo?"

"Kaonti pero maayos na ako Ma. Wag ka na po mag-alala."

"Juskong bata ka! Hindi mo sakin maaalis ang pag-aalala!"

"Alam ko, Ma. Ang importante po ngayon gising na ako."

"Oo Anak. Salamat sa diyos at gising ka na."

Nilingon ko si Carriuz at muling nagtama ang mga mata namin. I know he's so worried. Kung titignan siya ngayon halatang wala pa siyang magandang tulog.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon