Chapter Fifty-five

820 26 4
                                    

Her Point of View.

Ako at si Clariza ay naging katuwaan simula pagkabata ang pagpapalit ng identity. Clariza was born with a weak heart. Bawal sa kaniya ang mapagod at ma-stress. Magkasabay kaming nag-aral ng elementary pero pagtungtong ng high school ay hindi na siya nagawang makapag-aral dahil lumala ang sakit niya. But that didn't stop her to study. Pagdating ko galing eskwela ay tinuturuan ko siya sa naging lesson sa paaralan. Ganoon ang naging tema naming dalawa. Pero dahil madalas na laging nasa bahay si Clariza madalas siyang mabagot at mainis. Lagi niyang sinisisi ang sakit niya kung bakit hindi siya magkaroon ng normal na buhay. Later that afternoon, may kapitbahay na nagtungo samin at hinahanap si Papa. Nagkataon na suot-suot ni Clariza ang uniporme ko at inakala ng kapitbahay naming ako ang kaniyang kausap at hindi si Clariza. Naalala ko pa how we laughed about it. Clariza got the clever idea. She wanted to pretend that I am her para makalabas siya sa tuwing wala sina Mama at Papa sa bahay. Bilang isang maawain na kakambal, pinagbigyan ko ang kaniyang gusto. I taught her I act and how I talked na madali naman niyang natutunan dahil kilala niya ako. May mga pagkakataon noon na siya ang pumapasok sa eskwela imbes na ako. Kung paano niya pakitunguhan ang ibang tao bilang ako? Ay isang palaisipan pa rin sa akin. That car accident happened to her was the last exchanged identity we had before.

"Rizalyn? Ready ka na ba?"

Untag sakin ni Direk B. Tumango ako at saka ngumiti sa kaniya bilang tugon. Muling bumalik ang tingin ko kay Clariza na ngayon ay ginagawa na ang solo photoshoot niya. I can't still believe na magagawa niya ng maayos ang photoshoot kahit wala siyang ideya kung paano ito gawin at mas lalong halata kanina ang iritasyon niya dahil masyadong sexy ang suot niya. But the moment she faced the camera, tila ba nag-ibang tao siya.

"She's really good noh? But she's a bit different now kesa sa nagdaang photoshoot niya with us."

Puna ni Direk B nang siguro ay mapansin niyang kay Clariza ako nakatingin.

"Tama po kayo."

Sagot ko. Naupo si Direk B sa tabi ko at tinignan ako nang may ngiti sa kaniyang labi.

"Ikaw ba? May experience ka sa modeling? Gusto mo bang maging model?"

"Ah.. wala po."

Urgh. If they only knew that I am the International Model and not Clariza. Pero syempre hindi ko pwedeng sabihin iyon.

"Gusto mo ba maging modelo? I can help you. I mean, bukod naman sa pagiging director, talent manager din ako. I can give you some gigs, if you want. Malaking tulong din iyon sa REC na pinamamahalaan mo."

Well.. I started modeling as a source of income. Though madalas sabihin sakin ni Lor noon na I was born to be a model, hindi ko iyon itinatak sa utak ko. Para sa akin ito ay trabaho lamang. Pero sa pagtagal, narealized ko na ang pag-mo-modelo ay matagal nang nasa pagkatao ko. Gusto ko ang pagrampa kasama ang iba't ibang modelo at magsuot ng iba't ibang damit. Clariza mentioned this before. May balak kasi si Clariza na sabihin mamaya sa gagawing interview samin ni Direk B na titigil na siya sa pagmomodelo. Because truthfully speaking, the real Clariza is not a model and never born to be a model. She hated it.

"Ahh..kakausapin ko po muna siguro si Clariza tungkol dito."

Umiling si Direk B.

"You don't have to. Si Clariza ang nagsabi sakin na i-offer ko sayo ang service ko para makapagsimula ka sa Modeling Career mo. Gusto mo ba? I am willing to help you."

"Kahit hindi mo pa ako nakikitang rumampa at mag-pose sa harap ng camera?"

Nagkibit balikat siya at dumako ang kaniyang tingin kay Clariza na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa camera.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon