*****
It's been 2months since nasa bundok ng Negros sila Sara at ang kanyang team, di pa rin kasi humuhupa ang gulo doon..
Mahirap at masukal ang daan paakyat sa kampo ng kalaban, pero kinakaya nila para mabigyan ng kapayapaan ang lugar..
Ang ilan sa kanilang mga kasamahan ay nasugatan habang ang ilan naman ay tuluyan ng nagpa alam sa mundo..
Malungkot na makita na ang iyong kasama ay nawalan ng buhay sa harap mo mismo, pero kahit anong gawin mo ay di na maibabalik ang kanilang mga buhay..
Kasalukuyang nagpapahinga sila Sara malapit sa may ilog, tatlong linggo na sila sa lugar na yun..
Hindi sila maka-usad dahil sinasalubong agad sila ng kalaban, kaya naman sana nila kaso lang ang ibang nilang kasama ay sugatan kaya mas minabuti muna nila ang manatili sa may bandang ilog..
"Chief? Okay lang ba kayo?" tanong ng tatlong magkakaibigan na sila Acosta, Rodriguez At Santiago sabay lapit ky Sara
Nakita kasi nila na para bang nakatingin sa kawalan si Sara at malalim ang iniisip..
"ha? Ahh oo okay lang... Kayo ba? Kamusta sugat mo Santiago?" wala sa sariling tanong ni Sara
Iniaalala kasi ni Sara ang mga anak nya at si Bong, naalala nya rin na may event ang triplets sa susunod na linggo..
Gustuhin nya mang makadalo pero hindi nya naman pwedeng iwan ang mga kasamahan nya..
" Ahm okay na po Chief.." sagot ni Santiago
"chief pwede bang mag tanong?" usal ni Acosta
"hmmm sige ano ba yun?" sagot naman ni Sara
"Ahhmm may problema po ba kayo? Mukha po kasing malalim ang iniisip nyo ehh.." sambit ni Acosta
"ahh di naman.. Naisip ko lang kasi may event ang triplets ko next week.. Pero parang hindi ako makaka punta.." malungkot na sabi ni Sara at umiwas ng tingin
Nakita naman ng mga kasamahan nya ang lungkot sa kanyang mukha, kaya para medyo gumaan ang pakiramdam nito ay naisip nilang patawanin kahit kunti..
"Ay triplets pala anak mo Ma'am lupit naman ni Sir.. Isang buga tatlo agad.. Paano po yun?" magiliw na sabi nya tumawa naman ang iba nilang kasahaman
Habang si Sara ay napangiti dahil sa tanong sa kanya..
"ahh talagang tinatanong mo kung paano? Huh?" sarkastikong sagot ni Sara na may kasamang pag taas ng kilay
" ehh kasi ma'am yung akin isa lang ehh.. Gusto ko triplets din para isang ere lang ni Misis.." tawang-tawa na sambit nito
" hay nako.. Dami mong reklamo Acosta.. Buti ka nga may isa yung iba wala matagal ng naghihintay.." sagot naman ni Sara
" ay di ko naman sinabi ma'am na nag rereklamo ako nagpapasalamat pa nga ako ehh.. Pero paano nga ba ma'am?.." naka ngising tanong nya ulit ky Sara
Sa totoo lang sinasamantala nila ang pagkakataon na nakiki-pagbiruan si Sara sa kanila, dahil lagi itong seryuso kapag nasa laban..
" Acostaaaa.. Titigil ka ba o babatukan kita? " inis na turan ni Sara pero nakangiti
"hala! Ma'am batok agad? Wag ganon ma'am.. Joke lang naman.. Hahaha" sambit nito at nag peace sign ky Sara
Napailing nalang si Sara dahil sa kaulitan nito..
"Chief pwede mag tanong ulit?" sabi naman ni Rodriguez
"oh ano na naman yan? Ayusin mo ha? Kung hindi lagot kayong tatlong itlog sakin.." pagbabanta ni Sara
YOU ARE READING
You & I FOREVER (Book 2 of Im Yours)
Fanfiction"Love is like the wind, you can't see it but you can feel it. Without suffering, there'd be no compassion."