Chapter 2- Bardagulan

6 1 0
                                    

Villary's Point of View

Naglalakad ako ngayon papunta sa Mist Academy. Actually, hindi ko talaga alam kung saan ang daan papunta doon. "Saan na bayun??!?" Nagtatakang tanong ko habang kinakamot ang ulo. Nasa isa akong lugar na napapaligiran ng napakaraming matatayog na puno kaya hindi ko makita ang malaking palasyo ng Mist Academy.

"Saan ka pupunta shooting star?" Sabi ng lalaking nasa likod ko. Snatcher ba toh? Agad kong inilabas ang aking patalim at biglang itinutok sa kanya. Pagkakita ko sa kanyang mukha, yung lalaki lang pala kanina kung kaya't binaba ko na ang patalim.

"G-grabe ka naman. Tinatanong lang naman kita pero parang papatayin mo na ako." Sabi niya habang nakataas ang dalawa niyang kamay.

"Edi sorry.. akala ko snatcher ka ehh." Sabi ko pero natawa lang ito. "Anyway, alam mo ba yung daan papuntang Mist Academy?" Tanong ko pero parang nagulat ito sa aking sinabi.

"Sa Mist Academy kadin mag-aaral??" Tanong niya na parang hindi naniniwala. Mukha ba akong mahirap? "Yeah. Bakit doon ka din ba mag-aaral?" Tanong ko at napangisi ito. Lumapit siya sa akin at umiikot-ikot pa na para bang sinusuri ako.

"Ako lang naman si Elija Bardagulan. Isa sa kasapi ng pamilyang Bardagulan. Ang isa sa mga makakapangyarihan." Proud niyang sabi at tinitignan ang aking expression. "Bardagulan?" Tanong ko at napatango naman ito.

"Ohh ano na? Gusto mo magbardagulan na tayo?"
"Oh sige ba bardagulan na!"

Agad na pumasok ang ala-alang iyon sa aking isip at hindi napigilan ang pagtawa hanggang sa hindi makahinga. "B-bardagulan? Sigurado ka??" Sabi ko habang hinahabol ang aking hininga. Di ko akalain na may mag-eexist na apelyidong Bardagulan.

"Iniinsulto mo ba ako?" Seryosong tanong niya at bigla akong nakaramdam ng mga nalalaglag na dahon at bulaklak sa paligid. "Ayy hindi noh.. slight lang." Sabi ko at sumenyas ng 'konti' gamit ang aking daliri.

Sumimangot si Elija at bigla akong nakaramdam na para bang bumabaon ang aking paa. Tinignan ko ang aking paa at nakitang may mga ugat na humihila sa kanan kong paa. What the Fish?

"Hoyy baliw! Anong ginagawa mo? Alisin mo tohh!!" Sigaw ko pero napakibit-balikat lang ito at tinalikuran ako. Naglakad ito at parang may balak na iwan ako. "HOY! TANGGALIN MO TOH ANO BA??!!" Sabi ko pero sumenyas ito ng 'babye' gamit ang kamay niya pero hindi ito lumingon sa akin.

Buyset kang bardagulan ka! Kapag nakita kita ulit, makikipagbardagulan talaga ako sayo. Makikita mo ang hinahanap mo.

Sinubukan kong putulin ang mga ugat na pumapalipit sa paa ko pero hindi ito natatanggal. Ehh kung gamitin ko kaya yung spell ko? Tama. Bakit nga ba hindi ko agad yun naisip?

Inilabas ko ang aking wand at iwinagayway ito sa langit. "Sa kapangyarihan ng Amethyst, ako ay iyong tulungan upang matanggal ang lapastangan na ugat na ito." Sabi ko at pinikit ang aking mga mata. Tinawag ko si Avande at muling iwinagayway ang aking wand. "Avande si misto shaturna omista!" Sigaw ko at agad na itinutok ang aking wand sa aking paa. Ilang sandali lang ay nawala na din sa wakas ang ugat na nakakapit sa aking paa.

Itinaas kong muli ang aking kamay at itinutok ang aking wand sa langit. "Sa kapangyarihan ng Amethyst, ituro mo kung saan ang Mist Academy. Avande si misto shaturna omista!" Sigaw ko at ilang sandali lang, biglang gumalaw si Avande ng mag-isa. Hinawakan ko ito ng mabuti at sinundan siya.

"WAHHHHHHHH"

Elija's Point of View

Nababaliw na ba ako o naririnig ko nanaman yung sigaw ni Shooting star?

******************
Chapter 2- Unlocked!

Thank you for reading The Great Villainess- Chapter 2!❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Great VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon