Tunay na Kaibigan

32 16 5
                                    

Tunay na Kaibigan
by rulerofthepen

Para sa akin ang tunay na kaibigan
Sila yung tipong hindi ka iiwanan
Kahit na minsan ay nagkakatampuhan
Hindi yung nandyan lang 'pag may kailangan.

Sa aking palagay ako'y nakatagpo
Mga tunay na kaibigang mahal ko
At mahal din ako, iyan ang totoo
At sa akin ayaw ko silang malayo

Sa paaralan sila ang makikita
Pagpasok pa lang sila'y kakwentuhan na
Pagkatapos kami'y magtatawanan pa
Kaya pag-uwi ako ay sobrang saya

Sila ay isa sa aking kayamanan
Kaya sila'y aking pagkakaingatan
Ang masasabi ko lamang kung meron man
Salamat, kayo'y tunay na kaibigan

• • •

Date and Time

Date: August 09, 2016
Time: Unknown

Poetry: From the Poet to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon