Patay na Patay Sa 'Yo

15 13 5
                                    

Patay na Patay Sa 'Yo
by rulerofthepen

Naaalala mo pa ba?
'Yung mga panahong sobrang close natin sa isa't isa
Na kahit sino'y 'di tayo magawang paghiwalayin
Kasi gumagawa ka ng paraan para 'di malayo sa 'kin

Naaalala mo pa ba?
'Yung kulitan nating dalawa
'Yung bawat kwento ko na pinakikinggan mo
'Yung mga jokes ko na kahit korni ay tinatawanan mo

Naaalala mo pa ba?
Teka . . .
Malamang ay hindi na
Dahil mistulang nagkaroon ka ng selective amnesia
Dahil ako . . .
Ako lang ang hindi mo naaalala
'Yung mga pinagsamahan nating dalawa
Lahat 'yon . . .
Naglaho nang parang bula

Kung dati close tayo ngayon open na
Open na yung pinto sa buhay ko kaya lumabas ka at lumisan na
Dati walang nakapaghihiwalay sa ating dalawa, ngayon ika'y nagkukusa na
Dati gumagawa ka ng paraan para hindi malayo sa akin
Ngayon gumagawa ka ng paraan para hindi mag krus ang landas natin

Pero masaya na ako na tinatanaw ka mula sa malayo
Habang siya ang kasama mo
Nakikita ko ang ngiti sa mga labi na umaabot hanggang sa mata mo
Ngiting dati ko lang nakikita nung ako ang kasama mo

Sinundan ko pa kayong dalawa hanggang sa sementeryo
Kung saan naiisip ko na babanat ka ng: "Nandito ang puso kong patay na patay sa iyo."
Pero hindi na ako lumapit dahil natatakot ako
Natatakot sa kadahilanang manggaling sa iyo mismo na wala namang tayo
At tanungin mo ako kung anong karapatan ko sa iyo

Umalis ako at iniwan kayong dalawa
Hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa
Sa ilalim ng puno ng mangga
At doon ako nag-isip-isip at sandaling natulala

Binalikan ko ang mga pangyayari
Simula sa una hanggang sa mapadpad ako rito sa huli
Ngayon alam ko na kung bakit kinalimutan mo ako
Hindi dahil sa gusto mo, kung 'di dahil 'yun ang kailangan mo

Yung mga pag-iwas, 'di pagpansin at iyong paglayo
Hindi iyon dahil sa ayaw mo sa akin at siya ang iyong gusto
Kaya ako ay dali-daling tumakbo pabalik kung nasaan kayo
Tama nga ang hinala ko dahil nakita ko sa lapida ang buong pangalan ko

• • •

Date and Time

Date: September 16, 2018
Time: Unknown

Poetry: From the Poet to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon