Condolence

19 12 1
                                    

Condolence
by rulerofthepen

Kamusta ang mga taong napaniwala ng mga matatamis na salita?
Kayo yung mga taong peaceful ang buhay noong una
Kaya lang dumating yung taong bumihag sayo gamit ang mga salita
Nang mahulog ka na nagmala XLR8 sa bilis nila mawala

Hoy, ikaw! Parang kilala kita?
Diba ikaw yung iniwan ng taong mahal mo
Pagkatapos kang ituring na kanyang mundo
At parang ikaw ang pinakamahalagang bagay dito
Ngayon, basura na ang tingin sayo
Pagkatapos makuha lahat ng kailangan sayo
Itinapon ka na lang na para bang hindi naging kayo

Ikaw! Oo! Ikaw nga!
Kamusta ang puso mo,
Ilang buwan o taon na ba 'yang nagdurugo?
Natatakot ka na bang muling magmahal
Kase pansin mo ba?
Lahat ng minamahal mo, may mahal ng iba
Oh! Teka, bakit iniiyakan mo na naman siya?
Sa paulit ulit nga na joke ko hindi ka na natatawa
Eh bakit sa paulit ulit na tao, umiiyak ka pa?

Condolence . . .
Sa mga taong nabiktima ng mga matatamis na salita
Sa mga taong binasura ng mga taong mahal nila
At sa mga taong nagmamahal ng mga taong may mahal ng iba

• • •

Date and Time

Date: November 30, 2018
Time: Unknown

Poetry: From the Poet to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon