"Hi." Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.Biglang kumabog yung dibdib ko dahil sobrang lapit na nito sa akin, dati hinahabol ko lang 'to ng tingin tuwing nag wo-walk-out.
"Hi! Have a seat." Yaya ko dito. Umupo naman ito sa tabi ko.
"How are you?" Tanong nito pero di man lang ito nakatingin sa akin. "One shot of tequila, please." Utos nito sa bartender.
Iniwas ko din ang tingin ko sa kanya dahil hindi pa din ito nakatingin sa akin. Sa bartender ako nakatingin yung nag se-serve sa kanya.
"I'm good." Sagot ko.
"Nice to hear that." Ininom nito ang tequila in just one shot.
"Thank you." Tanging sagot ko pero hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.
"Another tequila, please." Utos na naman nito. Medyo naninibago ako dito dahil hindi naman ito ganito ka uhaw na uminom ng alak. Nilagok na naman nito ang isang basong tequila.
"Another one please..." Utos na naman nito. Nagkatinginan na nga kami ng bartender.
Tumingin ako sa kanya. "Ellise, may problema ka ba?" Tanong ko.
She look at me back. "Wala naman..."
"Kung ganun, bakit mo ginawang tubig yang tequila?"
"It's okay, don't worry." At ngumiti ito sa akin. Damn, nakita ko na naman ang ngiti nito for how many years!
"Ah.. ahm.." Nablanko ata ang utak ko.
"Who's with you?" Tanong nito.
"Keisha." Tipid kong sagot.
Tumango ito. "I see."
"How about you, how are you?"
"I'm fine."
"Mabuti kung ganun."
"Can we talk tonight?"
Hindi ako nakasagot.
"Kung ayaw mo okay lang."
"Hindi, hindi naman sa ganun. Ah, mga anong oras?
"Todays sunset nalang."
Tumango ako.
-
-Alas kuatro na ng hapon ng umuwi na sina Keisha at ang pamilya nito. Hindi naman nito alam kung bakit ako nagpaiwan, hindi naman din ito nagtatanong.
Ang sabi sa akin ni Ellise na pupuntahan niya lang daw ako dito sa cottage na inuukupa namin kanina.
Biglang nag slow-mo ang aking paligid nung nakita ng aking mga mata si Ellise na papalapit sa akin.
She was wearing a two-piece bikini with a see through shirt.
"Hi." Bati nito.
"Oh hi."
"Let's go?"
-
-Nasa baybayin kami ngayong dalawa nakaupo habang tinitingnan ang papalubog na araw. Wala namang ganun ka raming tao ngayon dito tsaka nasa area lang kami kung saan madalang na tao lang ang pumupunta.
"Do you know that I love watching sunset?"
Tumango ako. Alam ko kasi iyon dahil tuwing nagbabakasyon kami dati sa isang beach, sunset talaga ang inaabangan nito.
"I'm sorry for your loss, Tati."
Hindi na ako nagtaka pa kung bakit alam nito na nawala na si Jasmine.
I remember the day when I was in the cemetery, nung pagbalik ko galing sa Hongkong.
Nung nakakita ako ng babaeng kakatalikod lang at pumasok sa sasakyan, si Ellise yun.
BINABASA MO ANG
Tatiana's S*x Diaries
RomanceTatiana was completely orphaned since childhood because her parents died at the same time in a tragic accident. She had a hard time keeping herself alive especially since no one of her blood relatives sheltered her. When she runs out of the little m...