"Hija, please come here as soon as possible. Kailangan ka namin dito bago namin ipatanggal ang ventilator machine na tanging bumubuhay sa anak ko." Iyak na sabi ng Mommy ni Ellise."Tita..."
"Please, we want you to be here. We want you to see her breathing for the last time. Sabi ng doctor hindi na daw kakayanin ng katawan ng anak ko. You're girlfriend is about to give up, Hija."
Yan ang laman ng isip ko ngayon. Nasa eroplano na ako, ilang minuto nalang lilipad na ito papuntang Sydney Australia.
Ate, papunta na kami ngayon kina Ellise. Ate, magpakatatag ka ha, nandito pa kami para sayo. Mahal ka namin, Ate." Sabi ni Keisha sa akin kanina bago ako pumasok sa airport.
Lutang na lutang pa din ako, hindi ko matanggap ang nangyari kay Ellise.
Bakit ganun? Masayang-masaya pa kaming dalawa before she boarded on the plane. SHE EVEN PROPOSED TO ME! MALAS BA TALAGA AKO? AYAW NIYO PO BANG MAGING MASAYA AKO, LORD? ANG UNFAIR NAMAN YATA.Her mom told me na naaksidente daw ang kanilang sasakyan na sumalubong kay Ellise sa airport. Pauwi na daw sana si Ellise sa kanilang bahay nang bumangga sa kanila ang isang 6 wheelers truck. Wala akong balita kung ano ang nangyari sa driver nina Ellise pero yung driver ng truck ay nakakulong na daw.
At ang Ellise ko ngayon ay nag-aagaw buhay.Hindi na ako makatulog hanggang umaga kakaiyak at kakaisip kay Ellise.
Ayoko sanang maniwala pero nung nag search ako about the said accident, totoo talaga ang nangyari dahil may nakita akong isang post na nakalusot, hindi daw kasi pinabalita ng pamilya ni Ellise sa publiko. Ang pamilya Harrison kasi ay isa sa mga kilalang pamilya sa Australia. They want to protect their family for the possible chaos, and they want to have Ellise a peaceful healing. Kaya nga daw sa bahay lang nila ito dinala para hindi pag pi-fiestahan si Ellise ng media. They wanted to protect their Ellise, my Ellise.Ilang doctor na din daw ang kinuha ng pamilya pero pareho lang ang sinasabi ng mga ito sa kanila.
Ang sabi nila, nahihirapan na daw ang katawan ni Ellise na lumaban pa at 1% na lang daw ang chance ng survival rate ni Ellise. Kaya pinadedesisyon na ang kanyang pamilya na hihigutin na ang machine na tanging bumubuhay kay Ellise para makapagpahinga na ang katawan nito. Her family is about to give up already, pero ayoko pa at ayoko talaga. Mahal na mahal ko si Ellise at ayokong mawala siya sa buhay ko.
MAY MGA PLANO PA KAMI!Sa sobrang iyak ko, pinagtitinginan na ako ng mga kapwa ko pasahero sa eroplano, pero wala akong paki. If they only knew how hurt I am right now.
LORD, HINDI KO NA KAKAYANIN NA PATI SI ELLISE AY KUKUNIN NIYO SA BUHAY KO!
BAKIT NGA BA GANITO ANG NANGYAYARI SA BUHAY KO, LORD? UNTI-UNTI MONG KINUKUHA ANG MAHAHALAGANG TAO SA BUHAY KO! ANONG PAGSUBOK PA ANG KAILANGAN MONG IBIGAY SA AKIN? BAKIT HINDI NALANG AKO ANG KUKUNIN MO, LORD? AKO NALANG, NAGMAMAKAAWA AKO SAYO. BUHAYIN MO SI ELLISE, AKO NALANG ANG KUNIN MO. PARANG AWA MO NA"Ellise please wag kang sumuko, kailangan kita sa buhay ko hanggang sa mamatay ako. May 1% pa naman diba? kakayanin mo yan diba? Kaya mo yan baby. Kayanin mo dapat!"
Napahagulgol ako sa iyak.Hindi ko na alam kong mabubuhay pa ba ako kong mawala si Ellise. Sawa na ako sa guhit ng palad ko, lagi nalang ganito, kinukuha ang mga mahal ko sa buhay!
"Ma'am, are you okay?" Tanong ng dalawang flight stewardess sa akin.
Tumango lang ako habang umiiyak.
"Ma'am, you look so pale. Uminom ka muna ng tubig maam."
She gave me a bottle of water pero hindi na ako nag-aksaya ng oras para inumin iyon. Para saan pa? Pag nawala si Ellise, mawawala na din ako.
"Ma'am, if you don't mine, can I sit beside you? I just want to make sure you're okay." Tanong ng isang FA.
"Okay lang ako." Sagot ko. "I just want to be alone, Miss."
BINABASA MO ANG
Tatiana's S*x Diaries
RomanceTatiana was completely orphaned since childhood because her parents died at the same time in a tragic accident. She had a hard time keeping herself alive especially since no one of her blood relatives sheltered her. When she runs out of the little m...