Simula

231 22 6
                                    

Nakatulala lang ako habang hinihintay sina kuya para sunduin ako.

Tumayo na 'ko sa kinauupuan ko nang makita ko ang sasakyan ni kuya at naglakad na papalapit. Binuksan ko na ang pinto saka umupo sa likod bago sila binati.

"Hi kuya's!" Masaya kong bati sa kanila kaya agad akong nilingon ni kuya Luis na nasa passenger seat.

"Hello bunso, how's school?" Tanong ni kuya Luis kaya bigla akong napanguso na nagpakuha sa atensyon ni kuya Fonso.

"Why bunso? What's the problem?" Sabay nilang tanong habang nag-aalalang nakatingin sa'kin. Alam kong nag-iisip na naman sila ng rason kung bakit ako malungkot. Magpaparehas kaming overthinker eh.

"Kasi may project po kami kuya eh, family picture." Paliwanag ko bago malungkot na ngumiti at tumingin sa taas para hindi tumulo yung luha ko.

Bigla naman silang natahimik.

"P-pwede naman siguro yung picture natin kasama sina lola, diba?" Tanong ni kuya Luis.

"Bawal po eh." Maikli kong sagot. Bakit kasi ganito ang nangyari sa pamilya namin? Napakabata ko pa nun eh. Ang unfair talaga ng mundo.

Nagkatitigan muna silang dalawa bago ako tinanong ni kuya Fonso, "Pa'no na yan bunso?"

"Ummmm-nevermind kuya, hindi ko na lang gagawin kasi wala naman po tayong family picture eh." Malungkot kong sinabi. Actually meron pero bata palang ako noon. Bawal naman yun eh, dapat yung bago.

"Are you sure?" Tanong nya ulit.

"Kuya, wala naman po akong magagawa, hindi ba?!" Galit kong sigaw pero agad ding tumahimik nung napagtanto ko ang ginawa ko kaya kaagad din akong humingi ng tawad.

"No, I understand bunso."

Sa sumunod na araw ayoko sanang pumasok kasi wala akong project at alam ko rin naman na mapagtatawanan din lang naman ako kasi ako lang ang may broken family sa klase pero hindi ako pwedeng lumiban eh.

Nanginginig ako sa takot noong pumasok na ang teacher namin sa esp. Pinakaayaw kong subject to eh, palaging pamilya ang pinag-uusapan.

Pinatayo muna kami ng teacher para mag dasal bago magcheck ng mga projects namin.

Buti nalang hindi pa ako ang pinakauna kahit A yung apelyido ko.

"Abaya, Abby Jane?" Tawag ng teacher namin. Sya yung babaeng kinaiinggitan ko kasi masaya ang pamilya nila. Buo, at may oras sa isa't isa. Hindi na nga kami buo, wala pang oras sa isa't isa.

Nang matapos na siya, sumunod na kong tinawag ng teacher namin, "Araneta, Airene Callie Ash Savannah?"

"Present po" Sabi ko bago tumayo. Rinig ko na ang mga bulungan at tawanan ng mga kaklase ko pero hindi ko na sila inintindi.

"Where's your family picture?"

"I'm sorry teacher, wala po akong project kasi wala kaming family picture." Nakayuko kong sagot sa tanong niya.

"Why, anak?" Malambing niyang tanong sa'kin. Matagal na nung huling may tumawag saakin ng anak at namiss ko yun sobra.

Bago pa ako makasagot may nagsalita na kaya nilingon ko ito, "Teacher broken family kasi sila kaya wala!" Sigaw niya at tumawa pa.

Nangilid na ang mga luha ko nang nagsimula silang tumawa. Para akong sinasaksak nang paulit-ulit sa sakit na nararamdaman ko.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng classroom kasi nahihiya na ako. Binuksan ko yung cellphone ko at tinawagan na si kuya Fonso habang tuloy tuloy na tumutulo ang mga luha ko.

Life in a broken familyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon