Kapitulo Uno

267 22 4
                                    

Kapitulo Uno,

Masaya kaming kumakain nila kuya dito sa Jollibee nang may pumasok na buong pamilya kaya napaiwas ako ng tingin.

Palagi na lang akong naiinggit sa iba.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanila lalo na nung masaya silang kumakain at mukhang takam na takam.

Napahinto ako sa pagkain nang sinubuan ng lalaki yung anak niya. Kailan ko kaya yun ulit mararanasan?

Kailan kaya ulit kami kakain nang masaya at buo?

Pilit kong hindi tumulo ang luha ko habang nakatingin pa rin sa kanila. Bakit ba hindi ko sila maiwasan eh naiinggit na nga ako?

Dahil hindi sila malayo saamin, rinig na rinig ko ang usapan nila. Masaya daw silang magkakapatid kasi nakakain uli sila ng Jollibee.

Nakakakain nga ako ng kahit anong gusto ko, wala naman ang mga magulang ko. Hindi ko naman talaga kailangan lahat ng meron ako eh. Ang kailangan ko ay ang pagmamahal mula sa mga magulang ko na matagal ko nang inaasam asam.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko habang iniisip yon at nakailang tawag na pala sa'kin sina kuya.

Agad nila akong tinanong nang bumalik na ako sa realidad.

"Wala po akong problema kuya, may naisip lang po." Pagsisinungaling ko dahil ayoko namang pagproblemahin pa sila.

Pinunasan ko na ang luha ko at pinilit ang sarili na tumahan. Ayokong madala ulit sa hospital.

Hindi ko na rin ipinagpatuloy ang kumain dahil nawalan na ako ng gana. Halos hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko dahil halo halo ito.

Tinanong pa ako ni Kuya Alfonso kung may bibilhin pa ko dito sa mall kaya pumunta muna kami sa national book store para bilhin yung mga kailangan ko sa school.

About school, ayoko na palang pumasok. Siguro natrauma na ko kasi palagi nila akong tinatawanan pag pamilya ang pinaguusapan.

Habang kumukuha ako ng mga art supplies, may nakabangga saakin na batang babae kaya agad ko siyang nilingon at tinignan kung okay lang ba siya.

Ang cute niya.

Nagtago siya sa likod ko nang may nag salita. Baka mommy na niya yun. Tinuro ko naman kung nasaan siya kasi nag-aalala na yung mommy niya eh.

Jusko, parang ako at si mommy lang noon. Palagi ko siyang tinatakbuhan dati kapag pumupunta kaming mall.

Bakit ko pa pala inalala yung panahon na yon? Ngayon gusto ko na namang umiyak. Napakasakit.

Kanina nainggit ako sa pamilya, ngayon naman naalala ko yung memories namin ni mommy. Ano ba namang klaseng araw to. Halatang gusto akong paiyakin.

Nang matapos na ako sa pamimili pumunta na ko kina kuya na kanina pa naghihintay malapit sa cashier.

Si kuya Luis na ang nagbayad dahil pinauna na niya kami ni Kuya Fonso sa sasakyan.

Habang hinihintay si kuya Luis dito sa kotse bigla akong tinanong ni kuya, "what took you so long kanina, bunso?"

"U-uhm-may hindi kasi ako mahanap na bibilhin ko kanina kuya eh..hehe." Pagsisinungaling ko ulit. Alangan namang sabihin kong may nakita akong bata tapos muntikan na akong umiyak?

Life in a broken familyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon