Kapitulo dos,
Time passes really fast. Birthday ko na ulit sa mga susunod na araw.
Nandito kami sa Ilocos Norte para i-celebrate yung birthday ko pero sa totoo lang wala akong plano na i-celebrate yun kasi hindi naman na importante para sakin yung birthday ko.
It was the most painful day in my life.
Hindi na ako excited palagi pag birthday ko simula nung nag hiwalay sila mommy.
Natrauma na ako sa mga nangyari noon kaya ayoko nang i-celebrate pa sana yung birthday ko. Wala rin naman kasi akong gagawin kundi umiyak nang umiyak hanggang sa maubos na ang luha ko kahit alam kong hindi pwede saakin ang umiyak.
Palagi kong naaalala lahat nang masasakit na nangyari noong birthday ko kaya kahit na pasayahin ako nila kuya at ng buong pamilya, malungkot pa rin ako.
Sino ba naman ang hindi malulungkot sa sitwasyon ko? Birthday na birthday tapos maghihiwalay silang dalawa. Tsk.
"Let's eat Airene!" Tita Imee shouted while knocking on my door.
Padabog kong binuksan yung pinto habang nakasalubong ang kilay ko kaya nagtataka akong tinignan ni tita.
"Umagang umaga Airene bad mood ka na naman, ay apo!" Sabi pa niya sabay hampas sakin.
Umagang umaga din tita naghahampas ka, tsk.
"Paanong hindi mababad mood tita eh tinatawag mo kong Airene?!" Sagot ko at umirap.
"Hoy hoy hoy, iniirapan mo na ang tita ha. Di na ko magsasabi ng mga chika ko sayo, bahala ka diyan"
"Ehhhhhh! tita bakit kasi Airene ang tawag mo sakin?" Asar kong sabi habang pababa kami ng hagdan
"Airene naman talaga pangalan mo diba?" Pang- aasar niya pa. Hmm, nakakainis!
"Tita isa pang tawag mo saakin ng Airene, di na ikaw favorite kong tita" pagbabanta ko rin sa kanya.
"Eh si Aimee nga tinatawag ka ring Airene eh, edi wala ka nang favorite na tita kasi dalawa lang kami?"
"Tita Liza." Maiksi kong sagot saka tumawa nang napakunot siya ng noo.
Airene, Airene pa kasi eh
Maya maya lang ay tinawag niya ulit ako pero di na Airene. Paulit-ulit na sinasabi ni tita na bati na kami kaya Um-oo nalang ako. Kulit ng tita ko eh.
Pagkaupo ko pa lang sa hapag ay birthday party ko na ang pinag-uusapan.
"Umm..ayoko po ng bongga——actually I don't want to celebrate it po." Magalang kong singit sa usapan nila.
Natahimik silang lahat kaya pinagpatuloy ko na lang kumain.
Nag angat ako ng tingin kay kuya Luis nang mag salita siya. "Bunso, sweet sixteen mo to kaya bobonggahan natin. Tyaka once in a year lang naman ang birthday."
"Ayoko nga po. Kung gusto niyo po ng bongga kayo na lang po mag birthday." Walang gana kong sabi.
"Callie." Tawag sakin ni lola. "Sorry po,"
"We want everything for you, Pumpkin. You deserve everything in this world." It was tita Aimee.
"We'll hire the best event designer for your birthday. Let's make it memorable." Tito Bong said.
"My birthday is already memorable, tito. I can vividly recall what happened in my birthday years ago soo" I shrugged
"Gusto mo bang yung nalang ang memorable sa birthday mo, Cai?" I looked at kuya Luis. He has a point.
BINABASA MO ANG
Life in a broken family
Fanfiction"Family is family." - Linda Linney. But what does it feels when you're in a broken family? Is it all sadness? Can we still be happy? A little girl waiting forever for her parents to be together. Is it possible? Two brothers protecting their little...