luha a(t ula)n

2 0 0
                                    


tila malakas ang pagbuhos ng ulan
rinig ko ang pagpatak sa aming yero
iniisip kong baka umiiyak ang may likha
gusto ko din sabihin sa kaniya na 'tahan na'

noong ako'y lumuluha, pansin kong nariyan siya
umuulan din, ang mga ulap ay mapuputla
galit ang ibinubuhos ng aking luha
'tumahan kana aking sinta' bulong niya

sa aking pagtulog saka tumigil ang kulog
sa aking pagmulat nawala ang mga kidlat
sa aking pag ngiti nahimasmasan ako ng mabuti
kung siguro'y naririnig niya ako ay 'salamat'

ikaw nama'y tumatangis at sana marinig
makita sana ang sinasabi ng aking bibig
hindi ito tungkol sa mangingibig
ito ay pag-ibig at ang ibig kong sabihin

nagdarasal ako dahil alam kong nakikinig siya.

miyanwreadt (luha at ulan) 01102022/sabado

Miyan's EpistleWhere stories live. Discover now