tinanong kita ang sagot mo ay "OO"
akala ko nananaginip lang ako
na baka at sana hindi iyon totoo.
pareho pa naman tayong nangakopaano kung tayo sa ibang dimensyon?
magkikita kaya tayo sa ganoong sitwasyon?
naisip ko lang para alam ko na ang gagawin
yung tipong tatakbo ako at ika'y yayakapinmatagal ko ng hinahanap ang mga yakap
sabay tayong nakatingala sa alapaap
walang mintis at sa mapupungay mong mata
doon ko nalaman, nangungusap ka na palahinawakan mo ang aking kamay, mahal
'kakayanin mo kahit wala ako'
tumango lang ako, umiyak at yumuko
'hanggang dito na lang, iiwan mo na ako?'OO...
miyanwreadt (ulap at ikaw) 02102022/linggo
YOU ARE READING
Miyan's Epistle
PoetryYou will witness a strange poem that you wish you had read sometime ago.