Chapter 19

1.7K 36 11
                                    

Keishanyea's pov

Nabalot ng katahimikan dito sa swing at hampas ng puno at hangin na malakas ang maririnig

Napatingin ako sa kanya ng manginig sya mukang nilalamig na sya

"Ma'am ikaw po ba si keishanyea?" Tanong ni manong

"Ay opo ako yun mag kano po?" Nandito na pala order ko

Agad kong binayaran at nag thankyou at dinala sa swing na inuupuan ko kanina inayos ko ang kakainan nya pero naalala ko madumi ang kamay nya

"Susubuan na lang kita ah" sabi ko sa kanya

Tumingin naman ito sakin at tumango. Hinubad ko ang aking jacket at pinatayo sya

"Halika dito nilalamig kana saka para mas madali kitang subuan" sabi ko sa kanya

Nahirapan pa syang bumaba sa swing dahil hindi nya abot at nag lakad sya sakin nang nakayuko

Nang nasa gilid ko na sya ay iniupo ko na sya sa aking hita patalikod at sinuot ang jacket ko sa kanya

Mabuti na lamang ay may ilaw dito kaya makakakain kami ng maayos

Habang sinusubuan ko sya ay kinakain nya yung fries mukang sarap na sarap sya buti na lang jollibee yung inorder ko malapit na maubos yung order ko pero mukang gutom parin sya

"Gusto mo pa?" Tanong ko sa kanya

Tumango naman sya sabay inilapit ang isang pirasong fries sa bibig ko. Nang tumingin ako sa kanya na may gulat ay nahiya naman sya at ibababa na sana ang kamay pero sinubo ko na yung fries at ngumiti sa kanya

Niligpit ko na ang pinag kainan namin at tinapon sa basurahan si ethan naman ay kinakain ang ice cream nya binaon ko ang isang coke para may mainom sya

"Sasama kaba sakin?" Tanong ko ulit sa kanya

Tumango naman sya kaya binuhat ko sya habang kumakain ng ice cream hindi na naman sya nag reklamo kaya lumakad na ako papunta sa kanto na pinag parkingan ko ng kotse

Ipinasok ko sya sa kotse at nilagyan ng seatbelt bago iabot ang coke sa kanya. Pag pasok ko naman sa kotse ay nakita ko syang umiinom ng coke habang palinga linga

"You like my car?" Masaya kong tanong sa kanya

"O-opo ang ganda po" humahanga nyang sabi

"Soon pag malaki ka na bibilhan kita ng maraming car" nakangiti kong sabi sa kanya

Namumula naman syang tumango mukang payag na syang sumama talaga sakin pfft mag kaka-anak ako ng wala sa oras ah

"Ahm mommy na po ba kita?" Nahihiya nyang tanong

Napatingin ako sa kanya at nakita syang busy sa pag sipsip ng coke kaya hinawakan ko ang ulo nya at ginulo ang buhok

"Aampunin na kita kaya oo magiging mommy muna ako pero pag hindi kapa handa na tawagin akong mommy hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo" nginitian ko sya saglit at binalik ang tingin sa daan

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay nang maka baba sa kotse ay hinayaan ko na sya na mag lakad hawak hawak nya parin ang coke at naka subo parin sa bibig nya ang straw

"Lady keisha welcome back" bati ni butler

"Jusko sino ka umalis ka dito ma'am halika po" sabi ng isang maid ng mapansin nyang nasa tabi ko si ethan

Gulat naman ang ibang maid at si butler mga naka handa na silang paalisin ang bata pero nalaglag ang coke nya at natapon lahat sa sahig

"M-M-MOMMY HUHUHU" iyak ni ethan

Yumakap si ethan sa binti ko habang umiiyak. Ramdam ko naman ang panginginig nya sa takot kaya sinamaan ko silang lahat ng tingin

Binuhat ko si ethan at inalo sumubsob naman sya sa leeg ko at mahigpit na yumakap sakin

"This young man will be your young master i won't repeat myself clean this and you butler sumunod ka sa room ko" maotoridad na sabi ko

Walang emosyon akong umakyat sa taas papunta sa kwarto ko

"Halika mag hubad ka liliguan kita para makatulog ka ng maayos" sabi ko pag ka baba ko sa kanya

"M-mommy sino sila bad ba sila?" Nakayuko nyang tanong

"No baby they are my maid na magiging maid muna rin pag may i-uutos ka sabihin mo lang sa kanila tapos pag may gusto o kailangan ka na wala dito sa bahay natin sabihin mo lang kay butler" paliwanag ko sa kanya

"Sige na una kana sa cr ha may tatawagan lang ako dun yung cr baby" dagdag ko pa

Nang makita ko syang nag lakad dun ng naka hubo't hubad ay kinuha ko na ang cellphone ko sa bulsa

"Tita may i know if gusto mo parin mag ampon?" Tanong ko sa kabilang linya

"Of course iha bakit mo natanong?" Tanong ni tita clara

"May kaibigan po ako na gusto mag pa ampon he's already 18 years old and graduating in business course i am sure na pwedeng pwede sya pag ka tiwalaan tita and gawing taga pag mana" sigurado kong sagot

"Oh that's good iha uuwi kami sa pilipinas sa isang araw so sana kasama mo sya sa meet up natin okay" sabi ni tita

Pumayag ako at sinabi kong mag aampon din ako kaya nagulat sya may mga iba pa kaming napag usapan bago mag paalam sa isa't isa. Pag tapos ay si jeff naman ang aking tinawagan

"Jeff can you do me a favor?" Tanong ko nang sagutin nya ang tawag

"Anything for you" sagot nya

"Buy some clothes for 6 years old na tangkad pan-lalaki ah need ko right now thankyou" hindi ko na hinintay ang sagot nya at pinatay ang tawag

"Baby" sumilip ako sa pinto at nakita ko syang nakatayo lang na parang nilalamig na

"Oh my god baby what's wrong? Matagal ba si mommy?" Nag aalala kong tanong

Nilagyan ko agad ng warm water ang bathtub bago sya ilagay dun kita agad na nag dudumi na ang tubig na kanina ay napaka linaw lang

Nilagyan ko ng maraming bubbles ang bathtub at binuksan din ang parang mini tablet na nakalagay sa bathtub nilagay ko ito sa cartoon

"Woww" mangha nyang sabi

Tuwang tuwa ako sa reaksyon nya ngayon. Sobra syang namamangha habang nalilibang sya ay pinag linis kong mabuti ang kanyang katawan at nakailang beses pa akong nag palit ng tubig hanggang sa tuluyan na syang malinis

"Okay tama na gabi na masama sa bata ang mag babad sa tubig" sabi ko sa kanya bago sya alisin sa bathtub

Pinunasan ko sya at kumuha ng tuwalya na maliit at binalot iyon sa kanya bago sya buhatin

MADAMSER

It's you (mommy series #1)Where stories live. Discover now