Chapter 32

916 16 1
                                    

Matthew's pov

Buong mag hapon kong iniisip si keisha at ang ebidensya na hawak ko, napatingin ako sa malaking window dito sa office ko madilim na sa labas at noon ko lang napansin na malapit na pa lang mag 9pm inis kong ginulo ang buhok ngunit hindi pa ako nakontento at sinabunutan pa ang sarili

Click *

"What are you doing?" Takang tanong nang babaeng kapapasok lamang sa loob

Hindi na ako nag dalwang isip at agad na tumayo


Keishanyea's pov

Dali daling tumayo si matt habang gulo gulo ang buhok at mapupungay ang mata na parang pagod na pagod ito. Malamlam syang ngumiti sakin bago takbuhin ang pagitan namin

Mahigpit ako nitong niyakap na parang ayaw akong pakawalan hirap man huminga ngunit hinayaan ko na, ramdam ko rin ang pagod at antok sa mga yakap at hinga nya kaya kusang tumagilid ang aking ulo para bigyang laya sya na sumubsob sa leeg ko at hindi nga nag tagal ay ramdam kong bumibigat na ang kanyang pag hinga at lumuluwag na din ang kanyang pag kakayakap

Wala pang limang minuto ay ramdam ko na agad na hirap na ako sa pag kakasandal nya pero nang silipin ko sya ay tulog na tulog pa ito rinig ko rin ang maliliit nyang hilik kaya hindi ko mapigilang tumawa ng mahina

Kinuha ko ang aking cellphone at agad sanang tatawagan si mel ngunit naalala kong paalis sya para mag kita sila ni gan

Flashback

Pag gising ko ay ramdam ko ang pamimitik ng ulo ko at ang medyo nananakit kong lalamunin dahil sa ka iiyak kagabi ngunit wala akong magawa kundi mag ayos dahil marami akong gustong itanong kay mel

Pababa pa lamang ako at nasa kalagitnaan ng hagdan nang marinig ko si noel na nakikipag talo kila jacob

"Hindi alam kong si nzjsjsnsnsj hmmmmmpp" sigaw ni noel pero biglang tinakpan ni carina ang kanyang bibig kaya lalong kumunot ang noo ko at nag tuloy sa pag baba ng hagdan para mas marinig ang pinag uusapan nila

"Bobo kaba wag ka ngang maingay pag narinig tayo lagot na" inis na sabi ni carina bago tanggalin ang pag kakatakip sa bibig ni noel

"Pero ano bang silbi kung itatago natin? Sure naman ako na alam ni ms keisha kung sino yun" singit naman ni mark

"Alam nga ni ms keisha pero mukang di nya matatanggap yun biruin mo pinag katiwalaan nya tapos yun pa pala ang mag papahamak kay boss" sabat naman ni billy

"Kung alam lang ni ma'am keisha kung gaano nag sakripisyo si boss para sa kanya" malungkot naman na sabi ni ken

"Pero hindi tayo pwedeng basta na lang mag sasalita alam nyo naman ang bilin ni boss wag ipapaalam kay keisha girl" pag putol ni janet sa usapan nila

"Kung ako kapatid ni boss mas pipiliin ko sya kesa sa sino man tao na dumating sa buhay ko" makahulugang sabi ni jacob na nakapag patahimik sa kanilang lahat

Inintay ko muna silang mahimasmasan sa usapan kanina bago ako umimik para hindi mahalatang kanina pa ako nakikinig na mukang tungkol sa traydor ang pinag uusapan nila na hindi ko alam anong ginawa nun para mapahamak ang kapatid ko base sa reaksyon nila.

"Ahm goodmorning ang tahimik nyo ata" alanganin akong ngumiti

Gulat at kabado naman silang tumingin sakin maliban kay mel at sean na nakaupo lamang at mukang walang pake pero si jacob ay seryoso namang nakatingin sa akin

"Kanina ka pa ba ms keisha?" Tanong ni billy

"Ah no kabababa ko lang and nakita ko kayo tahimik kaya lumapit nako. Ahm kumain na ba kayo?" Nakangiti kong tanong

"Ah oo keisha girl tapos na kain kana dun" sabi naman ni carina

Ngumiti ako sa kanila bago mag paalam na pupuntang kusina para kumain ramdam ko parin ang titig nila sa akin kaya medyo awkward akong nag lalakad nang makarating ako ay agad kong nakita ang mga pag kain sa lamesa kukunin ko na sana ang noodles para initin ngunit naunahan ako

"Ako na mag iinit" hindi nya inintay ang sagot ko at dumeretso sa microwave pag tapos nya ipasok ang noodles at ilagay ang timer ay agad itong nag sindi ng sigarilyo

"You know what were talking about don't you?" Walang gana nitong sabi

"Ah hindi ko sinasadyang marinig jacob" kabado kong sabi at hindi makatingin sa kanya

"Keishanyea Lough Chui kilala mo kung sino diba? Make a decision already that's the only thing you can do to make her come back" seryosong nakatingin ito sakin bago humithit ng yosi

"Im not pushing you to a limit or to pressure yourself im just saying to make it fast" dagdag nya pa bago kuhanin ang noodle sa microwave

"Jacob gusto kong malaman bakit galit na galit kayo? Gaano ba talaga kabigat ang ginawa nya sa inyo?" Tanong ko dito habang naka kunot ang noo

Hindi nya ako pinansin at nilapag lang ang noodles bago deretsong lumabas ng dining room. Buntong hininga akong umupo at kumain. Hindi pa natatagalan nang mag simula akong kumain ay pumasok naman si mel sa kusina mag sasalita na sana ako pero naunahan nya ako na parang alam na nya ang sasabihin ko

"Mag kikita kami ni gan hindi ka pwedeng sumama dahil delikado at bilin ni boss wag na wag ipaalam sayo kung saan ako pupunta" malamig nitong sabi na kinalungkot ko

"Kasama ko si sean, jacob at janet kaya wag muna silang hanapin mamaya kung sakaling dimo sila makita dito sa bahay" dagdag nya bago dumeretso sa refrigerator

"Don't wonder in the evening and stay at your room sabi ni gan. Just forget everything and live the life you want" dagdag nito bago dertso sa may pinto pag tapos kumuha ng mga chocolate

"Don't live like this, live a new life with just relaying on yourself" tuluyan na syang lumabas at napayuko na lamang ako

Hindi ko alam gusto kong umiyak at magalit sa kanya pero tama naman sya kung lagi na lamang akong ganito lalo ko lamang ipapahamak si gan tulad na lamang ng mga nangyari na hindi ko alam hanggang ngayon

End of flashback


Nandito ako ngayon sa office ni matt para mag patulong pero ito tinulugan ako kaya ginising ko na sya dahil sumasakit na rin ang balikat ko sa bigat ng ulo nya

"Matt" tinapik-tapik ko pisngi nya at napansin kong nangunot ang kanyang noo




MADAMSER

It's you (mommy series #1)Where stories live. Discover now