Keishanyea's pov
Binuhat ko sya palabas sa cr habang balot na balot ng towel sakto namang may kumatok
Knock knock knock
"Keishanyea buksan mo tong pinto" nag wawala nyang sabi
Napairap ako at tumingin sa napaka poging bata na to grabe kakaiba ang pogi, maputi at bumagay ang mahaba nyang buhok sa kanya
"Oo sandale" sigaw ko
Binaba ko muna si ethan sa couch bago buksan ang pinto dere-deretso naman pumasok si jeff hanggang sa mapatigil ito
Nang tingnan ko sya ay gulat itong nakatingin kay ethan mula ulo hanggang paa ay sinuri nya
"Who the fuck is he?" Gulat nyang tanong sakin
"My son aampunin ko sya" walang gana kong sabi bago kunin ang mga dala nyang paper bags
"Bakit hindi na lang ako ang ampunin mo?" Inis nyang sabi
"Taga lamon? Wag na lang" irap kong sabi
"Boyfriend mo at asawa" ngising sabi nya
Proud na proud ang loko kala mo naman babalikan ko
"No thanks kahit tumanda akong dalaga kung ikaw rin? Wag na lang" sabi ko at umupo na
Binuksan ko lahat ng paper bags na dala ni jeff may pambahay, pang alis at pang tulog mabuti may cute na panda ditong napasama kaya ito ang isinuot ko kay ethan
"Hi anong name mo, im jeff you can call me daddy" pakilala ni jeff
Ngiting ngiti ang gago na kala mo ay nakakatuwa ang kanyang sinasabi
"Don't mind him wala kang daddy okay hindi mo kailangan ng daddy" sabi ko sa kanya habang sinusuklayan sya ng buhok
"Awts grabe ha" umakting pa syang nasasaktan
"Btw sa isang araw mag kita tayo sa resort sa ******* kasama kasi namin mag vacation yung mag aampon sayo and natuwa sila tita so they want to know you more and para mag bonding na rin daw kayo so g kaba?" Tanong ko
Umoo naman sya at hindi na rin sya nag tagal at umalis na nilapag ko naman si ethan sa may table ko na may salamin bago kunin ang blower para makatulog na sya
"Baby gusto mo bang mag karon ng sariling kwarto? Tapos yung gusto mong design at mga laruan ilalagay natin dun what do you think?" Tanong ko sa kanya habang busy sa pag bo-blower ng buhok nya
"I want mommy gusto ko po tabi tayo lagi" nakayuko nyang sabi
Natawa naman ako at itinabi na ang blower ng matuyo na ang buhok nya
"Then i will renovate this room then tell me what design you want okay? Tomorrow mommy will get really really busy para maampon agad kita can you tell me kung saan kang ampunan galing?" Tanong ko sa kanya
"Sa ***** po" sagot nya sakin
"Okay then i promise you pag balik bukas ni mommy dala na nya yung certificate mo and anak na kita" sabi ko sa kanya tapos ay binuhat ko ulit sya
"Thankyou po" cute na sabi nya bago humikab
Hinaplos haplos ko sya sa likod at hinele-hele maya maya ay naramdaman kong medyo nabigat na ang hininga nya sa leeg ko kaya nang silipin ko ito ay tulog na
Hiniga ko na sya sa kama at kinumutan nilagyan ko rin ng maraming unan ang mga space sa kama para hindi sya malaglag
Nang masiguro kong maayos na ang higa nya ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto para kausapin si butler
Author's pov
Knock knock
"Young master gising na po" katok ng butler sa pinto
Clak bumukas ang pinto ay lumabas ang napakacute na batang naka suot ng pandang pan tulog
Kusot kusot pa nito ang mata ng lumabas at humihikab pa
"M-mommy" antok nitong sabi
"Young master ethan maaga po umalis ang mommy nyo para asikasuhin ang pag ampon sa inyo hinabilin nya po sa amin ang mga kailangan nyo" magalang na sagot ng butler
Napayuko naman ang bata at parang takot na nahihiya ito. Nang mag simula mag lakad pababa ng hagdan ang butler ay wala syang nagawa kundi sundan ito
"Pag ka tapos mong kumain ay maraming laruan na binili si lady keisha para sa iyo pero bago yun ay kailangan mo munang pumili ng design para sa renovation ng kwarto nyo" paliwanag ng butler habang nag lalakad papuntang dinning room
Tahimik lang si ethan na nakasunod sa likod ng butler hanggang makarating sa dinning area
Binuhat naman ng butler ang batang si ethan sa may dobleng taas na bangko para maabot nito ang lamesa
Nakaraan ang ilang minuto ay hindi parin nito ginagalaw ang pag kain nito ang mga bagong maid naman ay naiinis na at nawawalan ng pasensya sa tagal nito dahil ngalay na silang tumayo sa mga gilid ng dinning area
Saglit na nag paalam ang butler para sagutin ang tawag sa telepono kaya naiwan ang mga bagong maid
"Ano bang bata ka napaka arte mo ayaw mong kumain?" Naiinis na singit ng isang maid
"Ikaw kanina pa ako nang gigigil kung imaw spoiled brat pwes hindi pwede sakin yan" nanlilisik na sabi pa ng isang maid bago ito galit na lumapit
Agad na hinawakan ng maid ang panga ng bata at pilit nitong pinapanganga para isubo ang pag kain. Ang ibang maid ay natuwa sa nakikita
"Dapat lang sa kanya yan hindi nya ba alam na nakakangalay tumayo dito" irap ng isa pang maid
Walang magawa si ethan kundi isubo ang pag kain na pinapasubo ng maid habang umiiyak ng tahimik na kinatuwa lalo ng mga baguhang maid
Habang nag kakatuwaan naman ang mga maid ay biglang dating ng may ari ng bahay na si keishanyea dahil sa tulong ng kanyang kapatid na si gan ay napaka bilis na proseso nyang naampon ang bata
Masayang pakanta kanta si keishanyea habang nag lalakad papuntang main door nang buksan nya ang pinto ay nagulat ang butler
"Lady akala ko ay matatagalan ka pa" yukong sabi ng butler
"Inasikaso ni gan lahat kaya see this success" nakangisi namang pakita ni keisha sa butler ang envelope na dala
"Congratulation for your first baby lady keisha" magalang na sagot ng butler
"Thank you oh btw where's ethan? Gising na ba sya? 11am na nalipasan na sya ng breakfast" alalang tanong ni keisha sa butler
Sinabi naman ng butler na nasa dinning ang anak at kumakain na kaya masaya itong nag lakad papunta roon
MADAMSER