Pinag-isipan niyang mabuti ang kilos na gagawin. Naisipan niyang bisitahin ang matanda sa kaniyang dampa upang mapanatag ang loob. Isang araw, kinatok niya ang bahay ng matanda dala ang mga prutas na nais niyang ibigay dito. Nang pagbuksan ng pinto ay maaliwalas na mukha ng matanda ang bumungad kay Clara.
“Magandang hapon, ano hong maipaglilingkod ko sayo, ineng?” nakangiting bati ng matanda.
“Nais ko lang ho sanang ibigay sa inyo ang mga prutas na ito.” Sabay abot ng isang kaing na prutas. Kitang-kita ang lubos na pagpapasalamat ng matanda sa dalaga.
“Ano po pala ang inyong ngalan?” tanong ni Clara.
“Boy, ayun na lamang ang itawag mo sa akin. Ikaw ba ano ang pangalan mo?”
“Clara.”
“Kung gayon ay maraming salamat, Clara. Magtatakip-silim na, mabuti pa’y ikaw ay umuwi na at baka hinahanap ka na ng iyong mga magulang.” Yumuko ang matanda upang magpasalamat muli at pumasok na sa loob.
Ibinahagi ni Clara sa kaniyang pamilya ang nangyari sa araw na iyon. Hindi nabahala ang mag-asawa sa mga alingawngaw na kumakalat tungkol kay Mang Boy kung kaya’t pinayagan nila ang anak na lumapit dito. Upang mapatunayan na isang inosenteng tao si Mang Boy ay dinadalaw nila ito tuwing alas-kwatro ng hapon, kung saan wala ng mga tao ang nasa labas dahil sa kanilang mga hinala. Sinama ni Clara ang mga kapatid upang humingi ng pahintulot kay Mang Boy na pumasok sa kaniyang munting tirahan. Eksakto lamang ang espasyo ng dampa kay Mang Boy, may mga kaunting gamit at isang higaan. Nakasabit sa mga dingding ang mga litrato ng kaniyang mga anak. Nabatid nilang nasa Maynila ang mga anak nito. Gayong magaan na ang loob ni Mang Boy sa magkakapatid ay sumasagot na ito ng mga katanungan. Nabatid ni Clara na nagkakatay ng baboy si Mang Boy malapit sa palengke. At ang dahilan kung bakit itinapon ni Mang Boy ang ibinigay na gulay ni Aling Myrna ay dahil bulok na ang mga ito at hindi na maaari pang maluto. Habang nagmamasid ay kanilang narinig sa radyo ang balitang may isang batang lalaki ang tatlong araw nang nawawala. Nagkatitigan ang magkapatid at naisipan nang umuwi. Sa kanilang pag-uwi ay nasa labas lahat ng tao at tila pinaguusapan ang nawawalang bata. Nilapitan nila si Aling Myrna upang itanong kung bakit nasa labas ang lahat.“Ano hong meron, Aling Myrna?” tanong ni Clarisse.
“May nawawalang bata sa Plaza, tatlong araw na! Hinala namin ang salarin ay ang lalaking nakatira sa dampa. Ayon kay Diego, natagpuan niya si Boy sa Plaza noong nakaraan bago maibalita ang pangyayari. Lumalakas na ang aming kutob na isang aswang si Boy kaya’t buong araw at gabi kami magmamasid sa kaniya.”
“E baka kayo ho talaga ang aswang dito sa Baryo natin, Aling Myrna.” Pang-aasar ni Clarisse.
“Aba, e kung ganon ay inuna ko na ang mga malditang babaeng katulad mo. E baka naman pamilya nyo talaga ang aswang dahil sa tuwing bumabalik kayo sa Maynila ay may mga nababalitang nawawala.”
Sumingit naman ang asawa ni Mang Diego sa kanilang usapan.
“Imposible, Myrna. E kung hindi na lang sila bumabalik ng Maynila para walang nababalitaang nawawala at namamatay sa Bayan.”
Hinayaang na lamang ng magkakapatid ang mga kapitbahay at umalis na. Tahimik na naglalakad sina Clara habang hawak si Liam pabalik sa kanilang bahay. Batid nilang walang kinalaman ang inosenteng si Mang Boy sa pagkawala ng batang lalaki sa plaza. At kaya lamang nasa Plaza si Mang Boy ay dahil doon siya naghahanap-buhay. Dalawang araw nang patagong nagmamasid ang pamilya ni Aling Myrna at Mang Diego sa tirahan ni Mang Boy. Ngunit wala silang makitang ebidensya.
BINABASA MO ANG
FORSAKEN
Mystery / ThrillerA TWISTED TALE OF ANG "ASWANG" SA BARYO DEKADA SITENTA Usap-usapan na sa Baryo Dekada Sitenta na "aswang" raw ang matandang si Mang Boy. Hindi mabuti ang pakikitungo ng mga taga baryo sa matanda. Tanging ang pamilyang nakatira sa kabilang bahay ang...