III

0 0 0
                                    

Between two worlds

Ang Bilis ng Oras dito sa probinsya. Ngayon ay kakatapos na ng Hapunan. Nililigpit ko na ang mga pinggan sa lamesa. Dahil kakatapos lng namin kumain. Mayamaya pa naring ko ang pag uusap nila sa sala. Nang bigla akong tinawag ng kambal.

"Ate!. Bili Halika muna."

Saad nila habang hinihila nila ako papuntang sala.

"Look ate. Kamukha mo si Lola."

Saad ni Aero. Habang ipinapakita sa akin ang Litratong tinutukoy nya. Nagulat ako. At di makapaniwala dahil ang nasa litrato ay kamukha ko. Isa na tong lumang litrato pero kung titingnan mong mabuti ay talagang kamukhang kamukha ko ang babaeng nasa litrato.

"Diba. Parang nag time travel si lola Hahahaha kamukha mo sya ate."

Sabay pag yayabang ng kambal sa iba ko pang pinsan. At lahat sila ay namangha.

"Pag tinitingnan ko nga si Asha eh naalala ko ang panahong dalaga ang Lola nyo. Sya ang pinakamaganda dito sa probinsya nung kapanahunan namin."

Pag yayabang naman ni Lolo. At tuwang tuwang ikinukwento ang love life nila lola sa lahat.

Hanggang sa napabaling na ang atensyon ko kay Lola. Tulad ng dati ay nakaupo sya sa kanyang upuan at nag papaypay gamit ang kanyang abaniko.

Dahan dahan ako tumungo kay Lola. At muli kinuha ko ang bangkito upang makaupo ako sa tabi nya.
Nang makaupo ako napabaling ang tingin ko sa bracelet na bigay nya.

"La. Sya ba ang nagbigay nitong bracelet."

Panimula ko. Tumango sya sa akin bilang sagot. Saglit kami tumahimik. Rinig ko parin ang tawanan nila sa loob. Langhap ko ang sariwang hanggin habang nakatitig ako sa araw na untiunting nawawala sa alapaap.

"Di lang tayo nag iisa rito. Ang mga tao na may kakaibang kakayahan ay minsan narin nating tinawag na halimaw. Hanggang sa nabansagan natin silang Aswang."

Patuloy ko pinakikinggan ang kwento ni Lola.

"Sa gitna ng Gubat merong isang lagusan.Ang lagusan na yun ang syang humahati sa mundo nila at sa mundo natin. Marami pang di alam na elemento ang karamihan. Ang iba ay sinasabing kathang isip lamang ang mga nilalang na iyon, pero kapag nalaman mo ang lahat doon ka maliliwanagan. Na di tayo nag iisa."

"Mukhang nakapunta na kayo sa mundo nila."

Saad ko habang dinadama ko ang hangin nang pag papaypay ni Lola gamit ang kanyang Abaniko.

"Tulad ng sinabi ko pagsuot ko ang bagay na yan. Ay maproprotektahan ako sa mga elemento. At aakalain nilang isa akong bampira."

Paalala ni Lola. Sabay ngiti sa akin.

"La. Nanonood ako ng mga palabas na Aswang palagay nyo anong masasabi nyo roon?."

Pagtatanong ko muli sa kanya.

"Masasabi nating makatotohanan ang iba pero may ilan ding di. Sabihin natin na ang iba roon ay syang gawawa na nang karamihan."

Saad ni Lola. Mayamaya pa bigla nalang ako niyakap ni Lolo sa likod. Na ikinagulat ko.

"Ay mali pala. Magkamukha kase kayo ng Lola mo."

Biro ni Lolo dahilan na mag tawanan silang lahat. Pagkatapos ay kusang tumayo si Lola. At dahang dahang pumasok.

The perfect meal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon