The one that Got away
Maaga magising ang mga tao sa probinsya. Maririnig mo ang tunog ng pagwawalis sa labas ang ingay ng padero na nag lilibot sa bahayan. Langhap mo ang sariwang hangin ng nag mamadaling araw na sumisikat. Amoy mo ang kape at tinapay sa lamesa. Rinig mo ang mga hayop na nag iingay. Amoy mo rin Maging ang siga sa labas.
"Asha ibigay mo nga ito kay kuya Ariu mo."
Utos sa akin ni mama agad ko kinuha ang itak at ibinigay iyon kay kuya. Magsisibak sila ng kahoy para magamit pang lingas. Na kita ko si Lola na nag kakape sa terrace kaya agad ko sya pinuntahan.
"Morning La."
Pag bati ko sa kanya. Ningitian nya ako. Bago higupin ang kape. Masasabi kong mag kaugali kami ni Lola. Tahimik lang.
"Umm La ituloy nyo po yung kwento nyo kagabe. About sa first love nyo."
Panimula ko kay lola.
"Umm..... Naging kami at yun ang naging masayang araw nang buhay ko."
"Teka po parang ang bilis naman ata."
"Nung nakita ko sya nilapitan nya ako at nagpakilala. Doon nagsimula ang unang araw nang pagkakaibigan namin. Mga ilang araw isang bagay ang ipinagtapat nya bagay na di mo kayang paniwalaan."
Patuloy ko pinakikinggan ang kwento ni lola na parang isang kwentong di mo kayang unawain.
Dahil ang kwentong yun ay di pangkaraniwan. Dahil ang unang pagibig ni lola ay di katulad sa iba.
"La paano kayo nag kahiwalay?."
Muli kong tanong sa kanya pagkatapos ng mahaba nyang kwento.
"Umm. Ang gabing yun ang pinakamasakit na naging parte ng buhay ko. Dahil yun din ang naging huling beses na nakita ko sya. Iniwan nya ako. Pero kahit na ginawa nya yun. Sya parin ang gusto kong makasama. Isa lang ang hiling ko bago ako mawala ay makita ko sya Muli."
Nakatingin lang ako kay Lola. At bakas sa mata nya ang kalungkutan. Maya maya tinawag ni Mama ang pangalan ko. Dahilan na maudlot ang pag uusap namin ni Lola.
"Asha!, pumarine ka at samahan mo akong mamalengke."
Utos ni Mama. Na pabaling ako ng tingin kay Lola. Ningitian nya ako at nag patuloy humigop ng kape. Hinalikan ko si Lola sa noo bago ako tumungo kay Mama. Habang paalis dinungaw ko pa si Lola at kita ko ang katahimikan sa kanyang mga labi. At alam kong malungkot sya hanggang ngayon.
Nang makarating na kami sa palengke rinig mo sa lugar ang sigawan ng mga nag titinda.
"PALIT NA DIRI!!."
Sigaw ng tindera. Kinulbit ako ni Aui na syang may dala ng mga gulay.
"Ate. Ano daw?."
Bulong nya sa akin. Di ko masagot ang tanong nya dahil nga ay di nga ako marunong mag bisaya. Itinaas ko nalang ang balikat ko bilang sagot.
"Ate, kaganina ka pang tulala ano nanaman ang iniisip mo. Heart broken ka nanaman?."
Dagdag nya. Habang patuloy namin sinusundan si Mama.
"Di sira. Nag woworry lang ako kay Lola."
"Bakit?. May ikinuwento ulit sya na kakaiba. Sabi ni Lolo iwasan nating kausapin si Lola. At ipaalala ang nakaraan nya diba."
BINABASA MO ANG
The perfect meal
UpířiSi Asha ay isang collage student na minsan nagmahal pero lagi nalang sumasablay. wala syang commitment sa isang relasyon. kaya lagi nalang sya sawi sa pagibig hanggang sa ma meet nya si Vel na isang vampire. matuto kaya ni Asha na mahalin si Vel. O...