The mythical world of Aswang
Daladala namin ang tatlong itak. Gagamitin namin toh pang putol ng mga tuyong sanga."Asha. Ikaw nalang mag dampot ng mga maliliit na tangkay dyan."
Utos ni kuya Kaloy. Na agad ko na rin sinunod sila kuya ang umaakyat sa puno para mag taga ang isa ko namang pinsan na si Aga ang nag tatali at nag tataga ng malaking mga sanga na inihuhulog nila mula sa taas at ako nag hanap na ako ng maliliit na sanga. Na nakakalat lang sa gubat.
Tahimik lang akong nag pupulot ng mga kahoy. Mayamaya pa kinulbit ako ni Aga. Dahilan na mapalingon ako sa kanya.
"Tingnan mo insan. Aga aga pa ay may buwan na."
Saad nya habang tinuturo ang buwan. Tiningnan ko iyon at pansin ko nga ang maagang pagpapakita ng buwan.
"Alam mo sabi ni Lolo Protacio pag maaga daw nag papakita ang buwan ibig sabihin maaga daw lumalabas ang mga aswang."
Panakot ni Aga sa akin.
"Sorry pero di naniniwala yan si Asha sa mga pamahiin."
Sabat ni Kuya Ariu. Na di ko na rin pinansin. Mga sabi sabi lang naman ang mga bagay na yan at di makatotohanan. Kaya di narin ako interesado.
"Mag hahanap lang ako ng baging para maitali natin eto."
Pag suggest ko. Kaya saglit ako lumayo para mag hanap ng baging. Nang makakita ako akad ko yun kinuha. At agad ako bumalik sa kanila. Sa pagbalik ko kung saan sila naroroon bigla nalang sila nawala.
'Teka asan ang mga yun.'
Panigurado akong tatakutin nila ako.
"Hoy Wag nga kayo mag tago. Di nyo ako mapapagtripan."
Saad ko sa inaakalang tinataguan nila ako. Mayamaya pa may narinig akong sutsot. Agad ako lumingon. Pero wala akong nakitang kahit ano. Muli ko narinig ang sutsot. Pero sa pangalawang lingon ko ay wala akong nakita ni maski anino.
"Stop playing games. Its not funny. So please stop hiding come out now."
Pag rereklamo ko. Pero muli ko ulit narinig ang pagsutsot. But this time sa paglingon ko di na ako makagalaw dahil isang malaking mama ang nakaupo sa punong nasa harapan ko at may hawak na tabako.
Ibinuga pa nya ang usok na inipak nya bago sya muling sumutsot at ngumiti sa akin. Nag laki ang mga mata ko. Bago ko maigalaw ang mga paa ko patakbo. Di ko alam pero bigla kong naalala ang sinabi ni Lolo. Nung mga bata pa kami. Na kapag may narinig kang sutsot ay wag kang lilingon dahil baka ang kapre ang makita mo. Sa pagkatakbo ko di ko alam kung saan dereksyon ako mapupunta. Basta ang nasa utak ko ay makalayo sa lugar na yoon.
Napahinto nalang ako sa pagod. Rinig ko ang pag hingal ko ramdam ko ang mga pawis na tumutulo mula sa mukha ko maging ang mainit kong katawan. Lumingon ako sa likod para tingnan kong nasa safe zone na ako.
'Di guni guni mo lang yun Asha'
Pilit ko sinasaad yoon. Tama guni guni lang yun at namalikmata lang ako. Ano bang ginagawa ko.
'Teka asan na ba ako'
Sabay lingon ko sa paligid ko mga puno parin ang nakikita ko. Mahamog rin ang nasa paligid kaya di malinaw sa akin ang daan palabas. Mayamaya pa ay may napansin ako gumagalaw sa bandang halaman. Dahil doon ay nagsimula nanaman ang kabog ng puso ko. Kabado akong lumapit. Dahan dahan akong humakbang hinanda ko ang mga kamao ko. Na kung basakali ay kaya kong dipensahan ang sarili ko.
Unang hakbang....
Habol hininga akong kagat ang labi.
Pangalawang hakbang....
Di ako kumarap at nanatili parin ang kabog ng dibdib ko.
Pangatlong hakbang....
Gamit ang kaliwa kong kamay agad kong hinawakan pahawi ang nga dahon. Para makita ko ang nasa likod ng halaman.
Huling hakbang......
Sa paghawi ko doon ko nakita ng malinaw ang bagay na nasa likod ng halamanan.
Di ko alam kung sisigaw ba ako o tatakbo. Dahil isang kalahating katawan ang nakikita ko. Isang kalahating katawan na naka panjama na pula. Kita ko pa ang laman loob nito. Pero nanatili itong nakatayo.
Di ako makaimik o makagalaw tanging titig ang ginagawa ko. 'I'm just dreaming' tanging bulong ko sa sarili ko. Lumapit pa ako para ikompirma na di ako nananaginip. Hinawakan ko ang lamang loob.
Sa paghawak ko ramdam ko ang malapot na dugong nasa palad ko. Nang mayamaya ay bigla itong gumalaw. Humakbang ito paatras. Dahilan na magulat ako at mapahakbang din ako paatras.
Mayamaya pa humakbang ito palapit sa akin. Naglaki ang mga mata ko. At umaatras akong patalikod. Nang palapit ito ng palapit agad ako tumakbo. Akala ko sa paglayo ko ay mawawala na toh sa paningin ko pero mali pala ako. Sa paglingon ko sa likod kitang kita kong sinusundan nya ako.
Mabilis na akong tumakbo para di nya ako maabutan. Pero ang kalahating katawan ay lalo pang bumilis ang takbo. I'm a athlete so my stamina is stronger lalo sa pagtakbo. Kaya lalo ko pang binilisan. Ngunit patuloy parin ito sa pag takbo at pag habol sa akin.
'f^ck.... s*it.'
Napahinto nalang ako ng makita ko ang isang anino sa langit. At hugis itong tao na may pakpak.
'C'mon it's just A dream. Bakit parang di ako nanaginip?'
Palapit ito ng palapit. At sya mismong humawi ng hamog sa paligid maya maya pa ay naramdaman ko ang pagkabungo ng kalahating katawan sa akin dahilan na mapalundag ako. Nakita kong na out of balance pa ito at napaupo sa lupa. Lalo pang lumakas ang hangin. Dahilan na mapayuko ako, agad ko tinakpan ang mukha ko gamit ang mga braso ko at napaupo.
Nang tumigil ang paghangin dahan dahan ako tumayo kasabay nun ang dahang dahang pag aninag ko.
Kitang kita ko ang babaeng ikinakabit ang sarili nya sa kalahati nyang katawan. At dahandahan nyang itinago ang pakpak nya. Pag katapos noon ay tumayo sya at tumingin sa akin.
"Akala ko si Walt ang nantritrip ikaw lang pala." Saglit syang huminto at ipinagpagan ang kanyang pwetan. "So Who are you."
Saad nya.
Mukhang mamamatay na ata ako. Muli nyang inulit ang tanong sa akin. At nag sabi sya nang kung anong bagay na di ko na narinig. Ang tanging narinig ko nalang ay ang pag ringgg ng tenga ko. At dumilim na ang paningin ko, di ko na rin maramdaman ang mga tuhod at dila ko. Doon ako natumba......
BINABASA MO ANG
The perfect meal
VampireSi Asha ay isang collage student na minsan nagmahal pero lagi nalang sumasablay. wala syang commitment sa isang relasyon. kaya lagi nalang sya sawi sa pagibig hanggang sa ma meet nya si Vel na isang vampire. matuto kaya ni Asha na mahalin si Vel. O...